Chapter - 25

1.9K 175 44
                                    

IN THE ARMS OF JARRED EVAÑEZ.....




Nikki's POV...


Palingon-lingon ako habang mabilis ang paglalakad palayo sa dormitoryo .sa gitna ng gabi ay tinungo ko ang campus building. Alam kong nasa roof top lang si Jarred .kahit iniisip ko din na baka nasa dorm na ito. Hindi ko naman alam kung sa dorm nga ang silid nya dhil sa roof top ko lang sya madalas makitang naglalagi.

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating sa campus building ng walang nakakita sa akin. Sabagay ay halos magmukhang ghost town ang paligid ng school .

pero naka lock ang main door ng building. Kahit ang gate na bakal sa likod ay naka-lock na rin. Nagisip ako..... Tiyak na may iba pang daan tungo sa roof top bukod sa main door niyon. Hmmmmm

Sinanay ko ang mga mata sa dilim ng gumawi ako sa parteng walang liwanag .nangangapa ng pintong pwede kong pasukan para makapunta don. Pero wala akong nakita. Kahit nalibot ko ang buong campus building ay bigo pa rin ako. Humihingal akong napasandal sa isang pader. Kalahating oras na yata akong nagiiikot don at masakit na ang paa ko.

Nang bigla ay may masilayan akong isang anino na naglalakad at patungo sa dereksyon ko. Mabilis akong nagtago sa isang pader. Nakita ng mata ko ang anino ng isang babae. Sino yon? Lumuhod ito sa parte ng lupa na may makapal na carabao grass.

Iniisip ko kung ano ang gagawin nya don. Pero ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang inilubog ng babae ang katawan sa lupa. Saka ito nawala...

Huhhh

San yon nagpunta. Mabilis akong lumapit don pero wala na talaga ng babae. Naglaho ito ng tuluyan. Kinabahan ako ng sobra at inakalang baka multo yon. Di naman kataka-takang magkaroon ng multo sa school na to .

May namataan akong tila lubid sa lupang nasa tapat ko kung saan nawala ang babae. Kunot ang noong hahawakan kona sana yon pero may isang malakas na pwersa ang humila sakin palayo sa lugar na yon.


"J-jarred? "

Ito ang humila sa akin at dinala ako sa isang parte ng lugar na may liwanag.

"Anong ginagawa mo sa labas? Diba may announcement na ang buong school na hanggang alas siete  ang curfew.? Its already past 9 pm." tanong nya sa akin. May galit sa tinig ni Jarred habang nakatingin sa mukha ko.

"G-gusto kase kitang makita! " nahihiyang sabi ko sa binata. Natigilan naman sya sa narinig pagkuway ..

"Tskk... Bakit mo ako gustong makita? Sa ganitong oras ng gabi? " inis pa ring tanong nya. Nakadama naman ako ng pagkapahiya.

Gaga ka talaga Nikki, halos magpakatanga ka sa paglabas ng dorm para lang makita ito .samantalang tila balewala ako sa lalaki.

"Naisip ko lang kase na matagal ang two weeks na bakasyon.,gusto ko sanang magusap muna tayo,"  para di kita ma-miss.gusto ko sanang idagdag yon. " pero sarado na kaya naghahanap ako ng daan papunta sa roof top. "

"And? " he only stared at me na ikina kunot ng noo ko. Gusto kong itanong kung ano na ang lagay ng relasyon namin after nya akong halikan.

Pero tama ba na ako ang magtanong non? Sya ang lalaki dapat sya ang naglilinaw non sa akin diba? 

Darkest Love - Book 1 (Shadow Of The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon