Chapter - 22

2K 222 54
                                    

I TELL YOU MYSELF........




Nikki's POV....


"May Amnesia kaba? "

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Jarred. Gusto ko sanang umiling pero ninais kong sabihin  sa kanya ang lahat. Dahil nagtitiwala ako sa binata. Basta ko nalang nailahad sa kanya ang tungkol sa nakaraan ko.

"I lost my memory when i was young. Nakita lang ako ni papa sa malayong lugar na duguan at isang bwan daw akong nagpagaling sa ospital. At then pagkagising ko. Hindi kona alam ang nangyari. Hindi ko narin kilala ang sarili ko. Kung sino at san ako galing.im just lucky na sa mabuting tao ako napunta. "
Mahabang sabi ko sa kanya. Tahimik parin itong nakikinig at tila malalim ang iniisip. Kaya nagpatuloy ako.

"Mula pagkabata lagi na akong binabangungot. Mga nakakatakot na panaginip na parang totoong nangyari. Pero mula ng magaral ako dito medyo bumuti ang lagay ko. Hindi na ako binabangungot ng masama. Maganda na ang mga panaginip ko. Yun nga lang nagi sleep walk pa rin ako at naging madalas yon." ngiti ko pa sa kanya.  " kaninang umaga nagising nalang ako na iba na ang suot na damit. At sinabi ni Imarie na nakita daw nya akong inihatid ni King shadow. Inakala ng lahat na na- rape ako ng taong yon. "

"Do you trust him? "Bigla ay tanong nya. Di ko naman alam ang dapat kong isagot.

"I dont know...h-hindi ko sya kilala... Pero dalawang beses na nya akong inililigtas. " sabi ko.

Marahan lang ang ginawa nyang pagtango sa akin. At ang sunod nyang tanong ay nakapagpa angat ng mukha ko.

"Did Traviz know about it? About your past? "

Diko alam kung anong connect non sa isinasalaysay ko. Pero umiling ako.

"Hindi.sayo ko palang nasasabi ."  

Na totoo naman .hindi ko pa naiikwento kay traviz ang past ko. Though nakita na nya akong nag sleep walk .tanging si Imarie at Noah lang ang may alam ng lahat dahil sila ay kababata ko.

Tila naman lumiwanag ang mukha ni Jarred sa narinig. Ilang saglit pa kaming nagusap bago nya ako inihatid sa dorm. Alas sais na yon ng hapon.

Binilinan nya ang guard na si Mang Ben na higpitan ang pagbabantay at wag aantok-antok sa gabi. Tumango naman ang matanda kahit halatang kinakabahan ito kay king shadow.

Nang gabing yon ay sobrang tahimik ng paligid. Lahat ay nanatili na sa loob ng silid lalo na ang mga kababaihan sa dorm. Pero dama din namin ang takot ng lahat dahil anumang oras ay pwedeng magpakita si king shadow.

"Bff kinakabahan ka rin ba?" Mahinang tanong ni Imarie. Tulad ko ay hindi din sya makatulog.

Umiling ako sa kanya. Ngayong alam kona na hindi naman ako na rape ay bumalik ang pagtitiwala ko kay King shadow. Lumalabas kase na iniligtas pa nya ako mula sa gubat. Kung di nya ako nakita don ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.

Darkest Love - Book 1 (Shadow Of The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon