"YOU have a meeting at 2 PM with the senior executive board of directors regarding the updates on the acquisition of El Hotel Ala Agua at Palawan," sandaling tumigil sa pagsasalita si Nadia at tumingin sa boss niya, nang hindi ito umimik ay nagpatuloy siya "You are also to inform them about the on-going renovation of the Trinity Hotel in Boracay." Ibinaba niya ang tablet na naglalaman ng lahat ng appointments nito para sa buong isang taon—and as his secretary she should always keep it up to date and always keep him informed.
"Mahal mo pa ba siya?" seryosong tanong ni Chase kay Nadia.
Nagulat man sa tanong ni Chase ay hindi niya magawang magmaang-maangan na hindi niya alam ang tinutukoy nito. Ngunit kahit na ganoon pa man ay hindi niya magawang sumagot sa tanong nito dahil may hiya siyang nararamdaman kaya tanging iling lamang ang kaniyang naisagot.
"Good. Because I fired him," walang kaabog-abog na sambit nito.
Natulala panandalian si Nadia at kapagdaka'y nanlaki ang kaniyang mga mata at nakadama siya ng takot, guilt at awa para sa dating kasintahan na kanilang tinutukoy. "Dahil ba sa kapalpakan ko?" nagaalangang tanong pa niya kay Chase.
"Hindi mo kasalanan," seryoso pa ring tugon nito "ayaw ko lang ng competition" nagtataka ang tinging ipinukol niya rito. Dahan-dahan itong tumayo at umupo sa gilid ng executive desk nito. He smiled so suddenly and so brightly that it took her breath away—for a moment. "Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?"
Napamaang si Nadia sa tinuran ni Chase at dahan-dahan ay naramdaman niyang nag-iinit ang kaniyang buong mukha. Bigla ring naghuramentado ang tibok ng puso niya pero hindi niya iyon ipinahalata. Naguguluhan man ang mundo niya ng mga sandaling iyon ay pinilit niya ang sarili na huminga ng malalim at kalmahin ang sarili—kahit na gustong bumigay ng kaniyang mga tuhod sa hindi niya malaman na dahilan.
"Bawal! Nasa company policy iyon," pinataray ang boses na tugon niya rito. "You of all people should know that because hey! You're the boss, remember?" pagpapaalala niya rito. Nilakapan niya ng pagkainis at sarcasm ang kaniyang tono para hindi nito mahalata na kinakabahan siya.
Well, what the heck? This guy is impossible!
He caught her totally off guard and what is he thinking? Saying those things to her? Is it some kind of a test? Maybe he's still angry about the fact that she made a scene—the break up argument—while in the middle of the company annual party—thus the 'kapalpakan 101'.
Kinagat niya ang kaniyang hinlalaki, a habit kapag nai-stress siya or she was feeling frustrated. At the moment, she was feeling both kaya naman hindi niya napansin ng tumayo si Chase at naglakad papalapit sa kaniya.
"Well, as you said I'm the boss so I can change the rules whenever I want," hinawakan nito ang pupulsuhan ng kamay niyang nakataas. "Stop doing that," muli ay nginitian siya nito.
That million dollar smile, ugh!
Kaagad na tumalikod siya rito at kinalma ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga at saka muli itong hinarap "I don't know what your game is but you see, I don't want to play," humalukipkip ito at ikiniling ang ulo sa bandang kanan. Trying to be charming, is he? And damn it! He looks adorable—just a little.
"Look at me, Nad," bumuntong-hininga ito saka bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng desk nito. "You know me. Alam mo kung kailan ako hindi nagsasabi ng totoo at kung kailan ako seryoso and besides I'm not saying this just to spite you—that's what you thought, " dagdag nito habang tinititigan siya ng mataman "but it's not. I'm being serious."
"I don't know what to say to you," mahina at nahihiyang sabi niya.
"Say that you love me," nakakalokong ngumiti ito habang siya naman ay napataas ang isang kilay.
"Now, why would I say that?"
"Because it's true," he easily wave his hand in the air as if to flick the very idea of my question and just accept what he just said for a fact.
"You're so confident, aren't you?" medyo naiinis na tugon niya rito.
"I know it for a fact as I know what I feel for you is true. " He touches her cheek using the back of his hand.
Napaatras si Nadia dahil sa hindi inaasahang pagdaloy ng init mula sa palad nito papunta sa kaniyang pisngi at dahan-dahan na kumakalat iyon sa iba pang parte ng kaniyang katawan.
"S-Stop it, okay?" naiinis siya sa sarili. Bakit ba kailangan niyang mautal? This is Chase—her boss, her friend, her—
Ipinilig niya ang ulo at inutusan ang sarili na maghunos-dili. What was she about to think? That he is the love of her life?
Ilang beses ba niyang nahiling na sana ay naging katulad nalang ni Chase ang mga lalaking nagpapakitang motibo sa kaniya? 'Di nga ba't kaya niya sinagot ang sira-ulo na Vince na 'yon ay para mabaling sa iba ang atensyon niya at hindi iyong puro si Chase nalang ang pinapantasya niya?
He's too good in all counts and therefore, cannot be hers.
"I know what you're thinking in that stubborn brain of yours, Darling," mataman ang mga mata at nakakahalinang ngiti ang iginawad nito sa kaniya habang inaabot ang kaniyang mga kamay. Pinilit niyang kumawala pero hinigpitan lang nito ang pagkakakapit sa mga iyon. "You're thinking that it's not possible for someone like me to truly love someone like you," hinalikan nito ang likod ng isa niyang kamay at agad na naghuramentado muli ang puso niya. "Darling, I can use a lifetime to prove how wrong you are in that notion. A man, whatever his status in life can succumb to the right woman," hinalikan nito ang isa pa niyang kamay.
Parang naging gulaman bigla ang kaniyang mga tuhod ngunit bago pa siya malugmok ay hinapit na siya ni Chase at niyakap. Oh, How I love his fresh smell.
"And Darling," bulong nito "you are exactly the right one for me."
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Love and Chance
Short StoryLove is power in itself, and when given the chance to share it, give it and be in it, well... that could only be equated to happiness, isn't it? The stories within will give you a glimpse of love in the truest of form and the fastest of ways. It wil...