"ALWAYS greet the guests with a smile and always be polite. Kahit saan namang hotel kayo magtrabaho ay 'yang dalawa na 'yan ang pinakaimportante ninyong kailangang tandaan. The Trinity Hotel has other policies," inilibot niya ang tingin sa mga bagong empleyado "I was informed earlier that you've already have your training and seminars so for now, I want you to assist these people at my left, they will be your boss today," habang pinapakilala niya isa-isa ang mga tauhan ng hotel na magiging overseer ng mga bagong empleyado ay mataman niyang pinagmamasdan ang expression ng mukha ng mga ito.
They are excited and full of energy, new blood. Napangiti siya dahil sa huling naisip.
"With that, let's all hope that you've take your trainings seriously and always put into mind that in our hotel, we respect one another, we take care of our guests and deliver our jobs with finesse," matapos ang morning agenda ay nagsialisan na ang mga kasama niya at naiwan siya sa staff room.
"Good morning to you beautiful."
She doesn't have to look to know who it is "Go away, I don't have time for you," medyo naiinis na pahayag niya.
"No good morning for me? Come on Fritz, you hurt my feelings"
Napabuntong-hininga si Fritz at nag-angat ng tingin. It amazes her every time to see that too-handsome-face of Loyd. Naiisip niya parati na kung magwi-wig ito ay mas maganda pa itong babae kaysa sa kaniya. Minsan, unfair talaga ang universe eh!
"What do you want?" anas niya rito.
Kahit alam niyang matalik na kaibigan si Loyd ng CEO ng hotel na si sir Chase ay hindi niya magawang igalang ito katulad ng paggalang niya sa boss niya. The man irked her!
Sa lahat yata ng pagkakataon na nandoon ito sa hotel upang bumisita ay wala itong ibang ginawa kundi ang asarin siya. Noon nga iniisip niyang baka crush lang siya nito kaya ito sobrang magpapansin, pero siyempre asyumera lang siya dahil kaliwa't kanan ang babaeng nahuhumaling dito na—sa pagkakaalam niya ay pinapatulan naman nito. Kaya nga ba hindi niya malaman kung bakit ito nagaaksaya ng oras sa pangaasar sa kaniya.
Well, maybe he was just bored.
Mapait na napangiti si Fritz dahil iyon mismo ang sinabi ng animal niyang ex-boyfriend sa kaniya nang makipaghiwalay ito sa kaniya. The nerve! Ni hindi nga siya gwapo 'no? Kung katulad nitong si Loyd ang hitsura niya ay malamang na natanggap ko—
Naiinis na iwinaksi niya ang isipin at agad na tumayo dala ang folder na kailangan niyang ibigay kay Ms. Joanna, ang assistant general manager ng hotel.
Magsasalita sana siya upang paalisin ang uninvited visitor niya ngunit nang lingunin niya ito ay wala na ito sa may hamba ng pinto. Baka na bored na nga. Nagkibit balikat siya saka lumabas ng kwarto.
Dumaan siya sa front desk upang tignan kung maayos ang lahat doon pagkatapos ay tinulungan niya ang dalawang dalagang guest na nais pumunta sa spa, gayun din ang isang pamilya na nakasalubong niya at hinahanap kung saan ang yoga room nila. After a little bit of detour natagpuan ni Fritz ang sarili sa third floor ng hotel and she cursed herself for remembering that she and Josh met in that same floor.
It's been three months since the breakup but still, there are times that her feelings caught her off guard. Why is she still a mess?
Pumasok siya sa elevator, she pressed the 9 and lean her back on the cold wall. She let herself think of the reason why she's a mess. Maybe it's because she can't accept the fact that the jerk find her boring and that he dump her... That son of a—
Natigil siya sa pag-iisip ng bumukas ang elevator. Umayos siya ng tayo at hindi niya naitago ang pagsinghap ng mabungaran ang nakangiting mukha ni Loyd. Ayaw man niyang aminin pero ngayon na nakikita niyang nakangiti ito sa kaniya na walang halong pangaasar ay medyo bumilis ang tibok ng puso niya kaya naman napahigpit tuloy ang kapit niya sa folder na dala.
"W-what?" nauutal na tanong niya rito nang hindi ito natinag sa pagtitig sa kaniya. May dumi ba ako sa mukha?
"So, single ka na pala?" tanong nito habang inilalapit ang mukha sa kaniya. "May chance na ba ako sa 'yo? Can I be the man that will make you happy?" Napamaang lang siya dito pero ang puso niya...it's beating so freaking fast!
Stop it heart! You will get us in big trouble if you continue this. While she argue with herself he pushed the emergency button and everything stopped.
"What did you do? Are you crazy?" may pagpa-panic at kaba sa boses niya.
"Don't worry, they'll rescue us...soon" nakangiti pa rin nitong sabi.
"We don't need rescuing if you did not push that button you pea-brain!"
"Ah, such endearment you have for me, love," tumawa ito ng malakas sabay kabig sa kaniya. "Don't worry I'll protect you and your heart, love. Just give me a chance, okay?"
"I'll never surrender my heart to the likes of you. Now, let go of me!" balak niyang magpumiglas pero nang iangat niya ang mukha at makita ang mukha ni Loyd ay natigilan siya.
She saw for the first time how solemnly he watched her.
"Why are you doing this to me? I haven't done anything wrong to you but you always tease me, " mahinang sabi niya. "It's not funny anymore so just stop."
"Hindi mo ba alam 'yong expression na the more you hate, the more you love? I tried that," natawa ito. "Pero hindi ko naman alam na ang slow mo kaya hindi umepekto," nang sumimangot siya ay hinalikan nito ang noo niya.
"Don't scowl love, it only makes you even more beautiful," napangiwi ito ng suntukin niya. "Okay kidding aside, I wished every day that you broke up with that Jerk. You're too good for him and seriously, I'm madly, stupidly, and irrevocably in love with you. So give me a chance okay?"
BINABASA MO ANG
A Little Bit of Love and Chance
Short StoryLove is power in itself, and when given the chance to share it, give it and be in it, well... that could only be equated to happiness, isn't it? The stories within will give you a glimpse of love in the truest of form and the fastest of ways. It wil...