CHAPTER 1:
THE SHADOW OF DEATH.
I heavily sigh and put my sunglasses as I step out on my condo and went to my part-time job. I grip my shoulder bag as I walk along through the bus stop.At nang tumigil na ang bus ay saka naman ako pumasok, medyo natigilan ako at pinakiramdaman ang mga taong nakasakay.
“Miss, upo kana. Uusad na tayo.” napabaling naman ako sa conductor, saka tumango at umupo sa may bintana.
Kahit na may suot akong sunglass ay kinakabahan parin ako.
Pero pinilit ko parin ng sarili ko na maging matatag at gaya ng sinabi ni papa na ‘Wag pansinin, at baliwalain.’ yon ang palaging niyang sinasabi sakin nung nabubuhay pa siya.Muli namang huminto ang bus, saka pumasok ang isa sa kapit-bahay ko.
Kahit medyo, maitim ang paningin ko dahil sa sunglass, ay kita ko naman ang paningin niyang bumaling sa gawi ko, kasunod naman niyang pumasok ang isang babaeng ka edad niya, mga nasa 30's.
Akmang uupo siya sa tabi ko ng bigla siyang pigilan ng kapit-bahay ko saka bumulong.
“Wag kang uupo sa tabi niya, delikado. Tatayo Malang tayo.”
Umikot naman ang mata ko. Sana wag nalang kayong bumubulong, kung maririnig ko din naman pala.
“Huh? Bakit naman? Nakakapagod kayang maglakad.” saka akmang uupo ng pigilan ulit siya.
“Tiisin mo nalang, kung ayaw mong makatabi sa baliw na yan.” rinig kong bulong nito.
Napabaling naman ako sa harap, at gamit ang gilid ng mata ko, kita ko namang bumaling ang babae sakin.
“B-baliw.. Ang babaeng yan? Paano mo naman nasabi?... Pero parang hindi naman.”
“Maniwala ka sakin, Bigla nalang kasi yang magwawala eh, kaya dumistansya ka sakanya.” saad nito saka hinatak ang kakilala niyang babae papalayo sakin.
Mahina naman akong napabuntong-hininga saka isinandal ang ulo ko sa bintana.
‘Hindi naman bago sakin na sabihan nila akong baliw, saka totoo naman ang mga sinasabi nilang bigla-bigla nalang akong magwawala dahil sa nakikita ko, na hindi nakikita ng ibang tao.’
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, saka ako nag-angat ng tingin saka napabaling sa kalsada. Medyo malapit-lapit nako sa pinag tatrabahuhan ko kaya hindi nako natulog pa.
“Sinong bababa. Bumaba na kayo.” saad ng conductor.
Tumayo naman ako saka nilapitan ang conductor para magbayad kasi hindi pa ako nakakabayad.
BINABASA MO ANG
Shadow
HorrorVidia is an un-ordinary girl who keeps seeing scary things and can tell how people will die, for seeing a Black Shadow behind. (ON-GOING.)