CHAPTER 2

0 1 0
                                    

CHAPTER 2:
THE SAVIOUR.


Nakayukong naglakad naman ako sa hallway ng University, habang binabalewala ang mga kapwa ko studyanteng nakatingin sakin.

Pero pinagpatuloy ko parin. Bahala sila.

Napatigil naman ako ng biglang may humarang na apat na lalaki sa dadaanan ko.

“Move aside.” saad ko.

Kahit madilim ay kita ko namang nagtaas ng labi ang lalaking nasa harapan ko.

“What if I don't want to.” asar niya sakin.

Bumuntong hininga naman ako saka naglakad sa kabila pero hinarangan naman ako ng kasama niya. “Hindi pwede.” saad nito.

Inis naman akong bumaling sa lalaking nasa harapan. “Ano bang problema niyo?!”

Bigla namang tumalim ang titig niya saka ako dinuro. “Ikaw! Ikaw ang problema namin!” saka siya lumapit sakin, dahilan para mapaatras naman ako. “Alam mo bang hindi nababagay sa isang baliw na katulad mo ang school nato!? Ang dapat sayo sa Mental!” saka niya kinuha ang sunglass ko.

“Akin na yan!!” agaw ko sakanya, pero inilalayo naman niya sakin.

“At bakit ka ba nag sa-sunglass sa school?! Saka hindi bagay sa iaang baliw na katulad mo ang magsuot nito.”

“Akin na sabi eh!!” agaw ko, pero ipinasa naman niya sa kasamahan niya tapos sa isa pa niyang kasama. And vice versa.

Habang ako naman ay pilit na inaagaw pabalik sakin.

“Akin na sabi eh!!—” napatigil naman ako, ng nakakita ako ng itim na anino sa likod ng isa sa mga kasamahan ng lalaking nambully sakin.

Napaiwas naman ako, tapos ganun nalang din ang gulat ko ng makitang silang apat ay may anino sa kani-kanilang likuran.

“Oh! Ano ka ngayon! Ha!” saka niya ako tinulak dahilan para may biglang imahe na pumasok sa isipan ko.

Nakahandusay siya sa isang room. Nagkalat ang dugo sa sahig at dingding. Nakauniform siya. At gabi siya pinatay. Tapos isinilid siya sa sako at inihagis sa ilog.

Napahiyaw naman ako saka tinakpan ang magkabila Kong ulo, saka umiiling.

“H-hindi!!!” sigaw ko.

“Oh! Tingnan niyo, nababaliw na.” rinig Kong saad niya.

Napabaling naman ako sakanya. “Umuwi ka ng maaga! Wag kang magpapagabi dito sa University!! Mamamatay ka! Please makinig ka sakin!!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon