My Unchained Melody

160 7 2
                                    

MY UNCHAINED MELODY.

THIRD PERSON POV

Valiente High is a prominent school in Descentian City. Isa sa kanilang ipinagmamalaki ay ang mga napanalunang tropeyo ng mga piling mag-aaral pagdating sa pagpipinta.
It was the first day of school. Lahat ng mga estudyante ay nagmamadaling naglalakad sa hallway ng paaralan. Kitang-kita sa kanilang mata ang pananabik na muling makita ang kanilang mga kaibigan. Sa kabilang banda, isang lalaki ang walang buhay na naglalakad. Walang ngiti, walang sigla at walang pananabik. Pa’no ba naman eh naparusahan ang kaniyang mga magulang dahil sa vandalism niyang ginawa sa likod na bahagi ng kanilang paaralan. Papasok na siya sa isang kwarto nang mag-iba ng direksyon ang kanyang paglalakad.
Isang binibini ang nakaupo sa gilid ng bintana, wari ko’y naghihintay sa pagdating ng kanyang mga kaibigan. Her name is Mea. Bumaling ang kanyang tingin sa dalawang babae na nasa may pintuan. Biglang nagtilian ang tatlo na ikinagulat naman ng buong klase. Mabuti at wala pa ang kanilang guro dahil kung hindi, napagalitan na sila. Nagyakapan muna ang tatlo saka tumungo sa bakanteng upuan na ni-reserve na ng binibini para sa kanila. Akmang uupo na si Mea nang mapansin niya ang isang lalaki na nakaupo sa bandang dulo ng bleacher. Siya si Carl. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa estudyanteng halos sampu na ang nauwing tropeyo dahil sa kakapanalo pagdating sa pagpipinta.

“Sa aking bawat pagpikit, matatamis niyang ngiti ang gugulo sa aking isip
Bawat detalye ng kanyang mukha ay nakabisado na ng aking isip.”

Ilang mga buwan na ang lumipas, ilang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon, hindi makagawa ng anumang mga kaibigan si Carl. Hindi dahil sa hindi siya gusto ng kanyang mga kamag-aral, but because Carl doesn't want to befriend any of them. Mea, however, noticed how lonely Carl seems like. During recess, tulad ng dati, nagpatuloy sa pagguhit si Carl ng anuman sa kanyang kuwaderno, at nagpasya si Mea na subukan at makipagkaibigan sa kanya. At habang naglalakad siya sa upuan ni Carl, napansin siya ni Carl at mabilis na lumingon sa kanyang notebook. Kumuha si Mea at hinila ang isang upuan at umupo sa harapan niya. And with a smile, she asked him, "Anong dino-drawing mo diyan?" but she was replied with silence. Hindi siya pinansin ni Carl.
"Ang snob." she teasingly glares at him pero patuloy na hindi siya pinansin ni Carl. Carl heavily sighs at lumingon sa kanya, medyo inis ang mukha niya, "Bakit mo ba ako kinakausap?"
"Hindi ba iyan halata? Dahil gusto kong makipagkaibigan sa iyo!" Carl heaves an annoying sigh as he turns away from her.
"Hinihintay ka na ng mga kaibigan mo doon, ouh." tinuro ni Carl kung nasaan ang mga kaibigan ni Mea na nakatayo lang lamang sa may pintuan. With a teasing face, Mea looks back to him and waves it off, "Oh, okay lang iyan sila~ No problemo!"
"Total, hindi naman ako gutom ngayon." tinaasan ng kilay si Carl sa kanya.

“Bawat paggalaw ng aking pangpinta
Puso at isip ko ang binubuhos para sa napakagandang obra.”

Paano ko sasabihin sa kanya? It just feel so weird. She’s the girl in my dreams. Hinding-hindi ako magkakamali. Bawat detalyeng nakita ko ay kaagad kong isinusulat sa isang malinis na papel upang hindi ko ‘to makalimutan. Dapat ko na bang sabihin? Naduduwag pa rin ako. Yes, I’m still a coward. Natatandaan ko pa no’ng maliit pa lang kami. Kung paano umamin sakin si Mea. And guess what? Tinitigan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Tama ba ‘yon? Tama bang hindi ko man lang siya sinagot? Tama bang hindi ko sinabi sa kanya na gusto ko rin siya? Siguro tama nga, maliliit pa kami non eh. Pero bakit ngayong malaki na ako hindi ko masabi-sabi sa kanya na hanggang ngayon gustong-gusto ko pa rin siya? Am I still a guy? Napakaduwag ko naman para sa isang lalaki.

***

Matagal na akong may gusto kay Carl.
Carl is a cold person .Halos wala rin reaksyon. Pero kahit ganon, siya parin ang gusto ko, hanggang ngayon.
"Mea si rheymart oh" asar sakin ng kaibigan kong sila Doreen at Raniah. Nakainis! Lagi nila akong inaasar doon si Carl lang naman ang gusto ko.
"Ano ba, wala akong gusto dyan" iritado kong sagot.
"Bakit ba ayaw mo kay Rheymart? Gwapo naman, mabait---" hindi kona pinatuloy ang sasabihin niya.
"Kahit na. Hindi ko siya type" nakita kong tumingin sa'amin si Rheymart. nakakainis!
"Eh sino kapartner mo sa balldance natin bukas?"
"bukas na ba yon?"
"Oo sira ka. Wag mong sabihing hindi ka pupunta Mea ha"
Bukas na pala yon. Gusto kong pumunta pero, paano kapag. bahala na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unchained MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon