Chapter 5

45 21 1
                                    

Ynah's Point of View

Pagkatapos naming mamili ng ibat-ibang mamahaling damit ay nagpasya na kaming umuwi dahil lumulubog na ang araw at gumagabi narin.

Naglalakad kami patungo sa parking lot kung saan nandon ang aking kotse

Dada parin ng dada si Relly at napaka hyper nya talaga

At si Rixie naman balisa at parang malalim ang iniisip

Nauunang maglakad si Rixie habang hinila ko si Relly .

"Anong nangyari kay Rixie?" tanong ko kay Relly .

"Yon nga din ang pinagtataka ko , kanina okay pa naman sya"

"baka masama ang pakiramdam?" tanong ko . Nagkibit balikat nalang sya.

Naglakad kami ulit ni Relly at nauuna parin si Rixie saamin

Hindi ko alam kung bakit bigla syang natahimik

Nagalit ba sya sa amin?

Dahil sa dress na pinasuot namin sakanya

Nakarating na kami sa parking lot

Dahil hindi na talaga ako makatiis. Kinausap ko na si Rixie

"Rixie? masama ba ang pakiramdam mo?" lumapit ako sakanya at sinalat ang kanyang noo . Hindi naman sya mainit.  

Umiling lang sya at sinabing "umuwi nalang tayo" sabay ngiti.

Pumasok na sya sa kotse at umupo sya sa front seat gaya ng kanina

Nagkatitigan muna kami ni Relly at parehong nagtaka sa nangyayari ngayon kay Rixie

Pumasok na ako sa kotse at ganon din ang ginawa ni Relly . At sinimulan ko ng magmaneho .

Buong byahe tahimik lang kaming tatlo. 

Binuksan ko ang radyo at nakinig nalang sa mga sinasabi ng radyo dahil nakakabingi ang katahimikan naming tatlo

Diretso lang ang tingin ko sa daan

At biglang nag stop light kaya huminto ako

"Isang babae patay sa Tondo , Manila . Matapos saksakin ng ilang beses , duguan ang babae at may sugat ito sa leeg . Inaalam pa ng mga pulisya kung ano ang nangyari sa babae , malupit at masakit batay sa mga sugat nito , ako si Rodrigo Velez taga-pagbalita ngayong araw nato , magbabalik ang TV series radyo "

Nagulat ako sa balita na narinig ko ngayong araw nato. 

Sa panahon ngayon uso na talaga ang mga krimen na nangyayari sa bansa at hindi natin maiiwasan yon.

Pinatay ko na ang radyo at wala paring imik ang dalawa .

Bumaba na si Rixie dahil malapit na rin naman daw ang bahay nya kaya sinabihan nalang namin sya na mag-iingat sya at ganon din ang sinabi nya.

Matapos bumaba ni Rixie tinanong kaagad ako ni Relly

"ano kayang nangyari sa babae nayon?" nagtataka na tanong ni Relly dahil maging ako ay nagtataka rin

"Baka may nakain lang" overthinker pa naman tong si Relly . Kaya baka may nakain lang na hindi maganda .

"siguro" tanging komento nya .

Bloodmoon (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon