During a total solar eclipse, a 25-year-old 21st century woman, Go Ha-Jin, is transported back in time of Goryeo Dynasty.
She wakes up in the year 941, in the body of Hae Soo and there, she encounters the many royal princes of the ruling Wang family...
Narito ako ngayon sa park, nakaupo, nagmamasid, malalim na nag-iisip kung ano ba ang nagawa ko sa buhay ko upang makaramdam ng ganitong klase ng sakit.
Muli kong kinuwa ang alak na binili ko kani-kanina lang at nilagok iyon, wala pa man sa kalahati ang naiinom ko ay natigil na ako nang maramdaman kong may nakatingin sakin.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang isang lalaking---uhm pulubi?---well, he looks like a beggar. Madumi ang kaniyang mukha, mabaho ang damit niya at puno ng uling. Hindi ko na sana siya papansinin nang bigla siyang lumunok habang nakatitig sa hawak kong alak.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
At dahil may awa naman ako, I offered him my drink na agad naman niyang tinanggap at ininom. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kawalan.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
'Hindi naman siguro masamang magkwento ng nararamdaman ko sa isang estranghero diba? Hindi naman siguro ako papaulanan ng judgements nito.' Sabi ko sa utak ko.
Tumikhim ako bago napagpasyahang kausapin siya, "Manong, alam mo ba yung pakiramdam na gusto mo nalang matulog ng daan-daan o libo-libong taon?" Bumuntong-hininga ako at kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag-iyak.
'Huwag ngayon, Ha-Jin! Huwag kang umiyak ngayon! You're the ultimate Go Ha-Jin slash the strong woman, diba? Kaya huwag kang umiyak! Hindi worth it ng mga luha mo yung mga mapansamantalang taong katulad nila!' Pinipilit kong itatak sa utak at sistema ko.
Nang hindi magsalita si manong ay iniiwas ko na ang paningin ko sa kanya at muling tumingin sa kawalan, "I'd rather go to sleep forever and never wake up." Muli kong sambit.
Mapakla akong tumawa nang muling maalala ang mga nangyari sakin.
*Flashback*
"Bes! Pwede mo ba akong ayusan? Mag-me-meet kasi kami ng boyfriend ko ngayon!" Ani ng kaibigan ko. Natawa nalang ako sa kanya at tumango. Ngayon ko lang ulit siya nakitang masaya kaya hindi ko dapat ito biguhin.