Simula

10 0 0
                                    



Mikael Dame,

Kamusta? Isinusulat ko itong liham na ito para mailabas lahat ng tinatago ko at pilit pinipigilan na mga damdamin. If this letter, whatever the reason, finds its way to you, please don't let anyone know that it exists. I'm leaving, so I think it's healthy for me to let go of these unsaid thoughts through these words.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano 'to nagsimula. Nung una, hindi ako naniwala. Hindi ko matanggap sa sarili ko dahil sobrang desidido na ako na ang pagmamahal ay hindi para sa akin. The first time I saw you, my body responded with pain— my heart hurt and my stomach churned. I didn't mind it back then. I thought it was a normal feeling when you meet someone new.

Mali. Maling mali. I was stupid to treat something this heavy ever so lightly. Hindi ko napapansin, unti- unti mo akong binubulabog. You were slowly getting into my system. Nagising na lang ako isang araw, ikaw ang lagi kong hinahanap. Naging bukambibig kita sa mga taong estranghero sa iyo. You were clinging onto every part of me. You were everywhere.

Hindi ko alam kung ako ba ang may kasalanan? Masyado ba akong nabulag ng kagustuhan kong magkaroon ng lugar sa buhay mo kahit papaano man lang? Binigyan ko ng malisya lahat ng kabutihan mo, kahit na wala lang naman ata yun para sa'yo. Hindi mo naman siguro ako masisisi kung aasa ako sa tuwing susubukan mong pahabain ang oras mo para sa akin.

Ang dami kong tanong na gustong masagot.

Pero sa ngayon, siguro matututo muna akong makuntento. Hindi dahil hindi sapat ang nararamdaman ko para sa'yo, kundi dahil alam kong kahit sabihin ko sa'yo ay walang mangyayari dahil matagal pa bago tayo muling magkikita.

Sa ngayon, dito na muna ako.

Sa pagitan ng kaibigan at ka-ibigan.

Sa pagitan ng oo at hindi.

Sa pagitan ng kasiguraduhan at pagbabaka sakali.


Kaya sana kapag pwede na, pwede pa.

Mahal kita.

- Raffy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa PagitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon