Chapter 29

18 1 0
                                    

Chapter  29


BINUKSAN  ni Clynt ang pinto ng kwarto ni Red kung saan mahimbing na natutulog si Blu. Paguwi nila kagabi ay lagi na nitong sinsabi na nakita nito si Red. Maybe Blu just hallucinating because she really miss red.

Isinara na niya ulit ang pinto at sa kabilang kwarto pumasok. Sinuot niya ang lab coat at gloves after two years siya na ang gumagawa ng gamot ni Blu.

Nagumpisa na siya maghalo ng ibat ibang likido pra sa gamot. Ilang oras bago siya natapos sa gingawa  nilagay niya ang mga nagawang gamot sa isang malaking Glass jar.

Lumingon siya sa malapad na board at pinagmasdan ulit ang mga larawan don.

It's his solo picture ng binata pa siya at ginuhit lang yon and  Blu's solo photo with a sweet smile. Pero ang pangatlong letrato ang nagbigay ligaya sa kanya because it's him and blu sleeping in couch at ksama din si red na halatang ito ang may hawak ng kamera.

At lahat ng mga research na nandon ay connected kung pano nito maibabalik sa normal siya at si blu. But he knows red never be back them normal again pero alam niyang gamit ng asul na gamot kahit na may limitasyon magagawa nitong normal sila ni blu.

After 10yrs hindi ito tumigil na maghanap ng gamot at hndi ito tumigil sa paghahanap sa kanya pra matulungan.

Napangiti siya ng mapait."I'm sorry for everything red, i know na hndi maibabalik ng sorry ang buhay mo but i can say my heart belongs to you. Masyado akong nagpabulag sa galit at puot kaya natakluban nito ang tunay na nararamdaman ko."  Madamdamin niyang saad.

Lagi niyang npapanaginipan ang dalaga tuwing gabi at nakikita nya ang matamis nitong ngiti. Na para bang sinasbi ng ngiti nito na masaya ito kung nasaan man ito at masaya ito pra sa kanya.

Lumabas na siya ng laboratoryo at nag punta sa kusina pra magluto ng agahan. Kelangan pa niyang magbukas ng clinic niya.

Nagpatayo na siya ng sariling klinika. Usap usapan din sa dating hospital ang biglaang pagreresign ni Red madaming nagulat at nalungkot dahil isa si Red na madami ng nailigtas ang buhay at mabait na doctor pra sa lahat ng nandoon. Kahit si Mike nawala na din sa nasabing hospital kaya namn naisip na din niyang umalis at magtayo na lng ng sariling klinika.

Ngluto siya ng bacon at hotdog pra sa agahan at nagtimpla siya ng orange juice. Naghain na siya sa hapag pra kumain alam niyang mamaya pa magigising ang bata.

Pagkatapos niya kumain bumalik siya sa kwarto niya para maligo at magbihis. Bago siya lumabas ng kwarto kinuha niya ang cellphone niya at nagdial. Ilang minuto bago sinagot ng nsa kabilang linya ang tawag niya.

"Hello?" Bungad nito.

"Manang celine it's me Clynt paalis na po ako ng bahay wala po kasi makakasama si blu pede po bang pumunta na kayo ngayon? May niluto na po akong agahan dito na rin po kayo mag agahan pra may mkasabay si blu" mahaba niyang saad.

"Sige ho sir, maghahanda na po ako pra magpunta diyan"

"Maraming salamat ho manang celine, iiwan ko na lang po na bukas ang pinto at gate pra ho makapasok kayo" saad niya at pinatay ang tawag.

                                        *******

PAGKARATING  ni clynt sa clinic niya bukas na ito mukhang mas nauna ang nagiisa niyang nurse na sekretarya niya din.

Marami na siyang naging nurse bago pa dumating si nurse hanna. Mga nagkusang magresign ang mga ito na ipinagtaka niya pero ayos na yon dahil wala din namn ang mga itong gingawa kundi ang magpakyut at akitin siya sa oras ng trabaho.

Si nurse hanna lang ang ngpakita ng kawalan ng interest sa kanya kya namn nagpapasalamat siya na nagapply ito sa klinika niya.

Pagpasok niya sinalubong siya ng matamis na ngiti ng dalaga. "Good morning Doc Clynt nakapaglinis na po ako ng clinic at naayos kona din po yung mga sched nyo ng check up para ngayong araw"

"Good morning and thank you nurse hanna, pede kang magpahinga muna wla pa namang mga pasyente eh" nakangiting saad niya at tumango lang ito.

Magsusuot na sana siya doctor coat ng may sumagi sa isip niya binalik niya yon sa sabitan at naglakad palabas ng klinika.

"Nurse Hanna aalis lang ako pagmay mga dumating pakiresched na lng muna sila bukas" saad niya at hindi na inintay ang sagot ng dalaga.

Sumakay siya sa sasakyan niya at pinausad yon. Hindi niya maintindihan bakit bigla nyang naisip na pumunta sa lugar na yon. Dumaan lang sa isip niya ang mga sinabi ni Red bago ito mawala.

"Why do i feel that i can see you in that place red?" Bulong niya sa hangin habang nagmamaneho.

Ilang oras na byahe ang kinaharap ni clynt bago marating ang lugar. Bumaba siya sasakyan niya at humarap sa malaki at malawak na bakal na gate.

Mula doon nakikita nya ang isang mansyon. Nakita niyang bukas ang gate kya pumasok siya ng walang paalam.

Naglakad siya at lumilingon lingon sa paligid na paka linis ng lugar mukhang maalaga ang nakabili ng mansyon ng mga magulang nya.

Nakarating si Clynt sa gilid ng mansyon mula don matatanaw ang balkonaheng nakaharap sa isang hardin. Buhay na buhay parin ang mga bulaklak at ang gate nito ay mukhang pinaayos na.

Itong lugar na to ang nging saksi sa lahat at lugar na sinabi ni red na pinakamagandang alala nito. Binuksan niya ang gate at pumasok sa maze matagal na ng huli siyang pumasok kaya hndi niya alam ang daan papunta sa gitna nito.

Nagumpisa siya maglakad para hanapin ang daan napapansin niyang paikot ikot lang siya at mukhang naliligaw babalik na sna siya palabas ng makarinig siya ng isang magandang boses.

Sinundan niya ang pinanggagalingan ng kantang naririnig niya.

"Take a little time Baby
See the butterflies' colors"

Alam niya ang kantang yon dahil malimit na kantahin niya yon kay blu pra makatulog.

"Listen to the birds that were sent
To sing for me and you"

Napakasarap pakinggan ang boses pra nitong hinahaplos ang puso ng sino mang nakakarinig.

"Can you feel me
This is such a wonderful place to be"

Napangiti siya ng makita ang daang knina pang hinanap.

"Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns"

Pinag patuloy niya ang paglalakad at palapit na palapit na din ang boses nyang naririnig

"There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain"

Nasilaw siya sa kislap ng tubig na lumalabas sa fountain na nasa gitna. Nang mkabawi nakita niya ang isang babae na nakaupo sa table set at my mga pagkakain sa lamesa.

Dahan dahan siyang lumapit dito pero huminto din siya ng ilang metro sa kinauupuan nito.

"Do you love the song, zelus?" malambing nitong tanong.

Nabosesan niya ito kaya naman bumilis ang tibok ng puso niya hndi niya alam kung tama ang naisip niya pero isa lang paraan para malaman.

"R-Red?" Kinakabahan niyang tanong.

Nakita niyang naistwa ito ng ilang segundo pero dahan dahan din itong lumingon sa kanya.

"Clynt.." matamis itong nakangiti sa kanya.

Pero may isang bagay pang lalong nagpagimbal sa buong sistema niya at nagpahinto ng mundo.

Yun ay ang batang lalake na sumilip din sa kanya na nakaupo sa kalungan ng dalaga...

I Love The Sweet Blood Of Him (Red's Story) [COMPLETED]Where stories live. Discover now