Chapter 27

18 2 0
                                    

Chapter  27


NASA SASAKYAN  si Clynt kasama si blu hndi niya alam kung pano naubos ni Mike ang lahat ng nandon. Hndi niya rin makita si Matteo kaya namn iniisip niya na baka napatay na din ito ni mike.

Napalingon siya saglit sa batang winawagayway ang maliliit na binti  habang nakaupo sa passenger seat.

"Didi where's mimi? Blu miss mimi" nakanguso nitong tanong sa kanya. Mula ng kinuha niya si blu bukambibig na nito si Red.

"Mimi is gone now. And she's never coming back on us again blu" saad niya.

"Blu feels mimi is just everywhere" sambit nito.

Hindi na siya sumagot dahil mukhang miss lang ng bata ang babae kaya kung ano ano ang sinsasabi.

Napadaan sila sa bahay ni red na ngayon ay parang walang buhay. Pero dumiretsyo siya sa bahay niya para magpahinga.

Nang maipasok ang sasakyan sa garahe. Bumaba siya at pinagbuksan ng pinto si Blu. Kinuha na din niya ang gamit ng bata sa backseat.

"Come on blu, it's late you need to rest now" sambit niya habang naglalakad papunta sa pinto ng bahay.

"Blu house is mimi's house, didi" inosenteng saad nito. Napalingon siya sa madilim na bahay.

"From now on blu's house is Didi's house" nakangiting saad niya.

Sumilip ang bata sa madilim na bahay sa kabilang bakod at nakita niyang malungkot ito. Pero tumango rin namn ito at tahimik na sumunod sa kanya.

Binuksan niya ang isang guest room na katabi lng ng kwarto niya at pinapasok si blu. Inayos niya din sa kabinet ang gamit nito.

"Didi can you sing mimi's song for blu" request nito ng makahiga sa kama.

Hindi niya alam kung anong kanta yon pero baka namn alam niya mahilig din kasi siya sa mga musika.

"What song baby blu" nkangiting tanong niya at naupo sa uluhan ng bata.

"Mimi say to blu it's  called rainbow" inosenteng saad nito at sumiksik sa kanya.

Rainbow such a good song sambit niya sa isip.

"Oky but didi didn't good at singing" natatawa nyang saad at tumikhim pra ihanda ang boses.

"Fallin' out, fallin' in
Nothing's sure in this world no, no
Breakin' out, breakin' in
Never knowin' what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no"

"Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we
Never could understand
Why some things begin then just end
We can really never tell it all no, no, no"

Nakikita na nyang napapikit na si blu kaya namn dineretsyo na niya sa chorus ang pagkanta.

"Take a little time baby
See the butterflies color's
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be"

"Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain"

Naging malalim na ang pahinga ng bata kaya namn dahan dahn siyang umalis sa kama at nagtungo sa silid niya. Naghalf bath siya bago matulog dahil bukas totoong mundo na ulit kahaharapin niya.

                                    *********

NAGISING  si Clynt sa sinag ng araw pagmulat niya sa alarm clock agad nagtungo ang mga mata niya alasotso palang ng umaga.

Bumangon siya at umalis sa kama nagtungo siya sa banyo para maghilamos at mouthwash bago lumabas ng kwarto.

Agad siyang nagtungo sa silid ng bata para silipin ito pero laking gulat niya ng wala don ang bata.

Nagmamadali siyang bumaba ng sa salas."Blu where are you?" Tawag niya dito.

Nahalughog na niya ang buong bahay pero wala ang bata pero may naalala siya agad siyang lumabas at nkita nyang bukas ang gate at pinto ng bahay ni Red.

Mabilis siyang pumasok sa loob una nyang pinasok ang kusina pero wala ang bata don. Umakyat siya sa pangalawang palapag at doon niya nikita si blu na pilit binubuksan ang isang pinto.

"Blu what are you doing here?" May pagaalalang tanong nya pero lalo siyang nagalala na mkita itong naluluha na.

"Blu thirsty again and water can't help, mimi said blu need medicine to erase thirsty" naluluha nitong saad. "Mimi hide medicine inside this room" dagdag pa nito.

Doon niya lang nakita na berde ang mga ito pero nkakapagtaka dahil kung kagaya niya ito dapat magkaiba ang mata nito.

Lumapit siya sa pinto napansin niyang iba ang doorknob nito mukhang pinapalitan pra di mabuksan ng bata. Sinubukan niya buksan at nagulat siya ng bumukas yon.

Hinawakan niya ang kamay ni blu bago pumasok kinakabahan siya na baka kung ano makita niya sa loob.

Nagulat siya na laboratoryo pala ang kwarto madaming papel at iba't iba kulay ng likido ang nandoon pero isa lang nkaagaw ng pansin sa kanya ang nakadikit na tatlong larawan sa gitna ng isang malaking board.

"Blu sit here oky? Didi will find your medicine" utos niya sa bata at tumango namn ito bago naupo sa isang upuan.

Naglakad siya sa papalapit sa board madaming research na nkadikit. Ibat ibang formula ng likido at ibang ibang bloodcell result mukhang may hinahanap ito o ginagawang gamot ang dalaga.

May nakita siyang isang malaking lumang libro na nakapatong sa desk. Kinuha niya yon at sinubukang buksan ang isang kabinet. May nakita siyang maliit na babasagin ng garapon na may kulay asul na liquid capsul kaya kinuha niya din yon.

Lumapit siya sa bata na tahimik na nakaupo sa silya. "Blu is this your medicine?" Tanong niya.

Tumango namn ito kaya inakay na nya ito palabas dala ang gamot at ang lumang aklat. Bago niya isara ang pinto muli niyang sinilayan ang mga larawan sa board.

Bumalik sila sa bahay niya. Pagpasok ng kusina kumuha siya ng tubig at pinainum sa bata ang gamot. Unti unting bumalik sa normal ang kulay ng mata nito na nagbigay ng mga tanong sa isip niya.

Napatitig siya sa garapon at iniisip para saan ba ang gamot na yon at ano epekto nito.

Nagluto siya ng agahan nila ni Blu buti na lang marunong siya magluto. Dadalhin niya din ito sa hospital dahil wala namn siyang pagiiwanan ng bata.

I Love The Sweet Blood Of Him (Red's Story) [COMPLETED]Where stories live. Discover now