Third Person's P.O.V
~*~
NAGLALAKAD si Edward along the hallway nang may mapansin siyang isang babae. Hindi naman talaga niya hilig mamansin kaya lang ay napakalakas ng boses ng babaeng ito sa loob ng isang silid.
"Please. Aksidente po talaga 'yung nangyari Sir, bigyan niyo pa po ako ng isa pa pong chance, by monday po makaka submit na po ako ng project, parang awa niyo na!"
Sambit ng isang dalagang nagmamakaawa sa guro para bigyan ng pagkakataong gumawa at i-pasa muli ang proyekto na nawasak nito.
"Ms. Vernice, I said that today is the deadline and no more extensions! And this?" Saad ng guro sabay pakita sa sira-sirang proyekto ni Macy na hawak nito, "this is trash! I don't expect you to give me this kind of project, I've given you enough time so I'm sorry if you'll fail this subject and that's final!"
Sambit nito sabay tapon ng project ng kawawang dalaga sa harapan nito.
Napansin naman ni Edward na ito 'yung sinabihan niyang ugly nerd na nakabungguan niya kanina lamang sa corridor.
Ipinagsawalang bahala niya na lamang ito at dumiretso na sa kanyang sasakyan sa parking lot ng paaralan.
Habang sa kabilang banda naman ay maluha-luhang pinulot ni Macy ang kanyang nasirang proyekto na ipapasa sana niya sa araw na ito. Macy Anne Vernice ang buo niyang pangalan.
Mahalaga ang proyektong 'yon sa kanya para hindi siya magkaroon ng bagsak na grado, scholar pa naman siya sa paaralang 'yon, bukod pa doon ay siya lang ang sumusuporta sa kanyang pag-aaral dahil ulila na siyang lubos sa kanyang mga magulang at siya lang mag-isa ang bumubuhay sa sarili niya.
labis ang pagpupursige niya sa pag-aaral kaya nakakuha siya ng scholarship na ngayon ay nanganganib mawala dahil bawal ang magkaroon siya ng kahit isang bagsak man lang. Saan na lang siya maghaanap ng pera para pang-aral sa sarili kung sakali man?
_
Bagsak ang balikat ni Macy nang lumabas ng paaralan, inutang niya pa naman ang pera na pinambili ng materyales sa proyekto niya doon sa gabi-gabi niyang tinatrabauan. Marami na siyang utang. Halos wala na nga siyang nakukuhang sweldo buwan-buwan dahil pambayad na 'yun sa mga advance payment niya.
"Nakakainis naman kasi 'yung taong ''yon e! ''yun pala si Edward Shawn? E malay ko bang siya ''yon? Pangalan niya lang naman ang alam ko e! Nadamay pa tuloy 'yung project ko!" Pagdadabog niya sa sarili. Patungo siya ngayon sa pinagta-trabauan niya para bumale na naman. 'Pakapalan na lang ng mukha!' Saad niya sa kanyang isipan.
Maya-maya lang ay nakarating na siya sa fastfood na kung saan ay doon siya nagt-trabao.
"Boss pwede po ba—" umpisa niya pa lang ngunit pinutol na siya kaagad ng boss niya.
"Ay nako Macy Anne a! Mag a-advance ka na naman? Hindi pwede, kaka-advance mo pa lang tsaka para sabihin ko sa'yo, may natitira ka pang utang!" Agad na sigaw ng kanyang boss.
"Pagta-trabauan ko po ng ilang buwan, sige na po, kinakapos na po talaga kasi ako," Halos luluhod na nga si Macy sa pagmamakaawa dito ngunit nananatiling matigas ang ekspresyon ng kanyang amo.
"Ay naku, hindi na pwede! Ano ka sinuswerte? Nalulugi na ako Macy sa kakautang mo! Advance ka nang advance!"
"Wala na po kasi akong pera boss e, alam niyo naman po na ako na lang mag-isa, hindi po ba kayo naaawa sa akin?"
Iyak na paayag ng dalaga, hinaluan niya na rin ng pagpapaawa sa boses niya baka sakaling maawa pa ang kanyang amo.
"Macy, naaawa ako sa'yo, kaya bilang pagkaawa ko, hindi ko na sa'yo pababayaran ang lahat ng utang mo,"
Bigla namang nagliwanag ang mata ni Macy sa kanyang narinig kaya lubos ang kanyang kasiyaan.
"Talaga po? Hindi niyo na po pababayaran 'yung utang ko? Naku, maraming salamat ho!"
"Oo hindi ko na pababayaran ang utang mo." Aning amo sa mainaong boses.
"Dahil simula ngayon, fired ka na! Hindi ka na magtatrabao dito kaya umalis ka na kundi ngayon ko mismo pababayaran lahat ng utang mo!"
Okay na sana ang sinabi nito e, may kadugtong pa pala! Kaya mabilis na napalitan ng kalungkutan ang kanina ay masayang ekspresyon ni Macy.
Lumuluhang umalis na lamang ang dalaga, wala na siyang magagawa pa, baka magbago pa ang isip ng amo niya at pagbayarin pa siya agad-agad.
'At least wala na akong utang' gagad ng kanyang isipan.
Minsan hindi niya maintindihan kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan sa mundo at pinaparusaan siya ng ganito.
Tinatanong niya ang Diyos kung bakit sa dinami-rami ng tao, bakit siya pa?
Mag-isa na lang siya sa buhay niya, kahit nga isang kaibigan wala siya, walang sino man ang nagmamahal sa kanya kundi siya lang. Ano bang klaseng buhay meron siya? Ganito ba talaga ka lupit ang tadhana sa kanya? O sadyang hindi niya lang alam kung paano mabuhay ng maligalig ga'yong mag-isa lang siya di tulad ng iba?
Maraming katanu'ngan si Macy na naglalaro sa kanyang isipan na hindi niya mismo kayang sagutan. Para sa kanya ay isa itong komplekadong bagay na kahit pagpugtuin mo man lahat ng brain cells mo kakaisip ng sagot ay mananatiling blangko ang papasok sa utak mo na mas lalong nakakadagdag lamang ng kalungkutan, kainisan o galit. Dahil 'yon 'yung nararamdaan niya.
Kung noon ay meron pa siyang natitirang pag-asa sa buhay, ngayon wala na. Walang-wala na, para saan pa kung mabubuhay lang naman siya ng mag-isa malungkot at walang pag-asa? Tsaka meron ba talagang 'pag-asa' para sa kanya?
Hindi niya alam kung nasaan 'yung lugar na 'masaya' katulad nang sinasabi ng iba.
She's very vulnerable.
When you look at her, you can sense automatically that she's too lonely.
She doesn't know how to smile.
She wanted to be angry but to whom? She's all by herself, for pete's sake!
Sawa na siya sa kakasisi sa Diyos, sawa na siyang kakadasal ni wala naman kahit isang sagot sa kanyang ayam o kahit ang tumulong man lamang sa kanya o 'yung sinasabi nilang 'miracle' ay iniiwasan din yata siya.
Hindi siya tanga para isiping darating din ang himala sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa, sinubukan niya ang lahat, nagpakatatag at binuhay ang sarili sa sariling sikap, ngunit suko na talaga siya, pagod na siya.
'Natutulog ba ang Diyos? May pinipili ba ang Diyos na tulungan? Wala atang Diyos e! Dasal na ako nang dasal! Pilit kong sinasabi sa sarili kong totoo Siya na balang araw maaawa din Siya pero kahit k'unti, walang nagawa 'yung dasal ko! Mas lalong lumalala lahat ng problema ko!' Sambit niya sa kanyang isipan.
Naglakad pa siya hanggang sa nakarating siya sa isang park at umupo sa isa sa mga benches na naroon at patuloy na umiiyak.
sa ngayon, iyak na lang muna ang kanyang gagawin.
Alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya pero, ito lang rin ang magagawa niya sa mga oras na ito. Ang umiyak.
_
To be continued...