[Macy's P.O.V]
~*~
"P-PERO—"
Sambit ko gusto ko na talagang bumitaw, total ito naman 'yung gusto ko, diba? Ang tapusin na lang ang buhay ko.
Bibitaw na sana ako nang marinig ko siyang nagsalita.
"KAYANIN MO MACY ANNE VERNICE! HINDI KA PUWEDENG MAMATAY TANDAAN MO 'YAN!"
Ewan ko kung paano niya ako nakilala at sabihing hindi ako puwedeng mamatay, pero may kung anong lakas na sumapi sa akin at nakaya kong ilambitin ang binti ko at humigpit ang hawak ko sa bakal ng tulay, seconds after nasa ibabaw na ako habang hingal na hingal. Ligtas na ako.
"Good! Akala ko katapusan ko na,"
Inangat ko ang paningin ko sa kanya at kita kong nakangiti siyang pinasadaan ng palad ang kanyang buhok.
"Muntik na 'yun a?"
Dagdag niya pa.
Pagod ako ngayon pero 'di ko maiwasang tumulo ang luha sa pagkakataong ito.
"Anong klaseng nilalang ka?" Huli kong nasambit pagkatapos ay wala na akong makita.
-
Daan-daan kong iminulat ang mata ko, una kong nakita ang ceiling sa tapat ko. Teka, nasaan ako?
"Nasa hospital ka." Tinignan ko ang nagsalita at—
"Oh, my goodness! Totoo ka! Hindi ako nananaginip!"
Sumigaw ako nang mapagtanto na ang kaluluwa ni Edward Shawn ang nasa aking harapan. Hindi maaari ito! Patay na siya!
"Ma'am, relax lang. Nasa hospital po kayo, dinala po kayo ng isang lalake dito," Pag-aalo ng babaeng nurse sa akin ngunit mabigat parin ang aking paghinga.
Bungaran ka ba naman ng isang kaluluwa ng patay, ewan ko na lang!
"I-isang lalake?" Nginig kong tanong, hindi kaya—?
Dumapo ang tingin ko sa aking kanan at—
"Hoy wag mo akong tignan ng ganyan, kaluluwa lang ako! Feeling mo naman kaya kitang buhatin?" Sambit ni E-edward?
(All went black)
Edward's P.O.V
Oh no, not again.
Kainis na talaga a? Kanina pinakaba niya ako dahil akala ko natuluyan na siya e 'di kawawa ako? Pinaghintay niya pa ako doon sa tulay habang nakaandusay siya hanggang sa may nakakita sa kanya at dinala dito sa hospital.
Buong magdamag din akong naghintay na magising siya, a? Tapos ngayon nag colapse na naman? Pambihira, ilang beses ba siyang mag co-colapse sa tuwing nakikita niya ako? Paghihintayin na naman ako nito hanggang magising, tang*nang buhay.
Kagabi lang habang gumagala ako dito sa hospital ay kita kong, ang daming ka school mate ko na nandito.
Lahat sila nag-iiyakan at take note! Karamihan mga babae! Nang sabihin ng doctor na I'm clinically dead na tubo na lang ang bumubuhay sa akin, akalain mong parang kakalibing lang sa akin kung makaiyak! Well, hindi ko sila masisisi, sa gwapo ko ba namang ito.
Tsaka hindi na ako mabubuhay, klaro na 'yan! Gumagawa na nga ako ng mission para makapasok sa langit o impyerno diba? Tantiya ko after one-month patay na talaga ako, that's the time na haatulan na ako. It's either sa langit o impyerno ako makakapunta. Tsk!
Kung ako kay mommy, papayag na ako sa sinabi ng doctor. Isang pirma lang, wala na ako! Ititigil na nila ang pag revive sa akin. Kagabi lang halos limang beses akong ni-revive. May pagalit-galit pa siya sa doctor!