"Promise me that you will never leave my side, Ianna." Sumimangot ako. Lance is here early in the morning para pagalitan ako dahil sa nangyari kahapon.
"Lance.. masakit talaga ulo ko." I pouted, ang rami kong nainom kagabi.
Tunayo na siya, "Change, then we'll eat." Lumabas siya sa kwarto ko pero napatalukbong lang ako ng kumot.
I sighed, napakakulit naman kasi, Ianna.
Kahit na medyo masakit pa rin ang ulo ko, pumunta ako sa banyo para maligo.
Today is the prenup shoot, then mamayang gabi ang party. Magka-iba ang venue ng party dahil nga bachelorette pero makulit si Lance at sinabing sasamahan niya ako.
Ano siya guard ko? 'tsaka siya lang lalaki roon. Ang kulit talaga.
I wore an old rose-dotted above-the-knee spaghetti strap dress that showed my upper chest and collar bones. Hinayaan ko ring nakalugay ang buhok ko at naglagay ng red lipstick para bumagay sa suot ko.
Lumabas na ako sa room ko. Akala ko nandoon si Lance pero iba ang nakita ko.
"What are you doing here?" tanong ko kay James na nakasandal sa pader.
"Sam told me to pick you up. Nauna na si Lance kasama si Zandro." He looked away and coughed.
Tumango ako at nauna nang naglakad sa kaniya. We stopped to wait for the elevator.
May naunang pumasok na dalawang lalaki sa amin kaya nasa harap kami. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinignan kung may message ba si Lance doon.
I flinched when I felt someone touch my butt.
Nilingon ko 'yung dalawang lalaki na mukhang nagc-cellphone na.
Ibinalik ko ang tingin ko sa harap. Mukhang nasanggi lang ng phone nila kaya hindi ko na napansin.
Napaharap na ako sa kanila noong maramdaman ko ulit ang bagay na 'yon pero nagulat ako noong bumagsak na sa sahig ng elevator 'yung lalaki sa likod ko.
"Fucking pervert," bulong ni James.
Nanlaki ang mata ko noong dalawang beses niyang suntukin 'yung lalaki. Pumunta ako sa harapan niya para awatin siya.
"James, stop it."
Inaabot niya pa rin 'yung collar nung lalaki, "Stay away." Aniya sa akin.
Tinulak ko siya para tumigil siya. "Goddamit, stop it!" He stopped when he heard me shout.
Lumabas kami ng elevator habang mabilis na tumatakbo 'yung mga staff sa lalaking sinuntok ni James.
"Kulang pa 'yon," he whispered.
Lumapit ako sa kaniya, "And what? kill him to lose your license?"
"I'll fucking kill anyone who will do something stupid to you, Rain."
Napahinto ako. "Then kill yourself."
Mabilis akong lumabas sa hotel. Kill whoever will do something stupid to me? Lose his license and what? Will he blame me?
He fucking did the stupidest thing, yet I didn't kill him. He cheated on me. Nakalimutan niya na ba 'yon?
BINABASA MO ANG
Hey, James
Ficção Adolescente[COMPLETED/UNEDITED] Rain, a senior high school student residing in Amsterdam, Netherlands, harbors a long-standing crush on James Esquillo, a renowned soccer player and accomplished Legal Management 2nd year student. Their paths initially crossed a...