Pag uusap. - Hindi ito yung pag uusap na karaniwan na ginawagawa, ito yung sinasabi na Masinsinan na pag uusap. Yung Puso sa puso, Atay sa atay, Bituka sa bituka or organ sa organ. Hindi yung puro isip lang ginagamit dapat kahit minsan mag usap din naman kayo ng Masinsinan.
*Gaano ba kahalaga yung pag uusap nyo sa isat isa?. Pwedeng sa pamilya, kamag anak, kaibigan, kasintahan at especially sa Diyos.
Napakalaki!. - Alam mo bang Pwedeng mabago ang pagtingin/ pananaw , pagtrato at pagrespeto sayo nang isang taong makakausap mo.
- Maari rin gumaan yung saloobin mo sa taong ito, kung may hindi ka nagustuhan sa ginawa nya, kausapin mo sya. Ipaliwanag mo yung sarili mo.
- Pwede ma develope o mas maging malapit sayo yung taong yun. Kung dati hindi kayo masyadong close, eh close na kayo ngayon.
- Nag papatibay nang kahit ano mang relasyon, kung mas malalim yung pagkakatanim nang samahan nyo mas mahirap tibagin ng mga pagsubok yung relasyon nyo.
- Kung pakikingan mo lang yung mga saloobin ng kausap mo, mararamdaman mo yung pakiramdam nya. Kahit hindi mo naranasan. Maiintindihan mo sya.
Wala namang mahirap kung susubukan mo. Malay mo sya na pala yung makakaintindi sayo, sa nararamdaman mo. Lahat tayo kailangan ng kausap, ang mahirap lang hindi natin alam kung sino. Kaya try mo lang. Wag susuko kung wala talaga eh. Anjan naman si GOD ang higit na kakaintindi sayo sa kahit na sino.
~~~~
Good night. Ayaw lang akong patulugin dahil dito sa na isip kong to.God bless everyone!.
12/16/14 - Created.
BINABASA MO ANG
RANDOM
General FictionRandom na mga bagay na na iisipan Kong isulat. All Right is reseved. Dec.1, 2014 - Created.