Sacrifice- Isa sa mga Pinakamahirap na gawin. Ito ay pwedeng sa pagbibigay ng kung anong meroon ka para sa iba. O di kaya pag gawa ng isang bagay para sa ikabubuti ng iba.
Ang pag sasakripisyo ay pwede ring maging halimbawa ng isang matinding Pagmamahal.
Halimbawa:
- Yung nanay mo kinulang sa pera, ngayon dahil kulang isa lang sa inyo ang pwedeng bumili. Pero dahil mahal ka nya magsasakripisyo sya para sayo. Ikaw nalang ang bibilhan niya.
- Yung ate mo. Iisa nalang yung ulam dahil may biglang dumating na bisita, magsasakripisyo sya para sayo para maka kain ka. Kasi mahal ka niya.
At Syempre ang pinakamahalaga at ang ipinag didiwang natin ngayong buwan na ito.
-Si JESUS CHRIST. Nagsakripisyo siya para sayo dahil sa Matindi niyang PAGMAMAHAL. Bumaba siya mula sa langit upang tubusin ang ating mga kasalanan at para maibalik ang dating relasyon nang tao sa DIYOS.
(Juan 1:1)
Maraming halimbawa na maaari nating mapansin o gawin. Pero sana sa pagsasakripisyo mo wag kang humingi ng kapalit. Dahil
Ang pagsasakripisyo ay ginagawa dahil sa matinding Pagmamahal mo sa kanya, Ganoon mo sya kamahal para magsakripisyo ka.
~~~~
Morning. :)God bless everyone.
12/19/14 - Created.

BINABASA MO ANG
RANDOM
General FictionRandom na mga bagay na na iisipan Kong isulat. All Right is reseved. Dec.1, 2014 - Created.