Chapter 2: The Realization

9 0 0
                                    

Alas dose na ng gabi ng matapos kami ng mga kaibigan ko sa party.. 12:43am na ako nakauwi ng bahay.  Actually hindi naman talaga iyon party, parang get-together lang naming magbabarkada.. Ang saya grabe! Masayang masaya ako kahit na pagod na pagod ako..Ramdam ko ang saya sa puso ko.. Hindi na nga maalis alis ang ngiti sa labi ko eh. Kahit na brutal ang mga kaibigan ko, ramdam ko kung gaano nila ako kamahal. Alam kong mahalaga ako sakanila. At ganoon din ako sakanila, mahalaga sila sa akin at para ko na silang mga tunay na kapatid. Kulang na nga lang magkapalit-palit kami ng mukha dahil lage kaming magkakasama eh..gayunpaman, hindi kami nagsasawa sa company ng bawat isa. We always enjoy being together.

Sumampa ako sa kama at dinama ang malambot na kutson sa aking likod. Isa-isa kong inaalala ang masasayang bagay na nangyari ngayong araw na to. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang saya sa pakiramdam na nakasama mo ang mga mahal mo sa buhay.. Masaya ako at hindi ko kayang ieexplain kung gaano ako kasaya dahil sa mga taong nakapaligid sa akin..

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at binasa isa-isa yung mga text na nareceive ko simula kaninang umaga.. Napangiti ako.  Andame palang nagmamahal sa akin.. Sarap sa pakiramdam ng ganito.

Tinignan ko ang oras. 1:05am na.. Hindi ko na birthday. Tapos na ang kaarawan ko.

Pinikit ko ang mata ko.Pero wala pang limang segundo, dumilat ako agad dahil sa halip na masasayang alaala ang pumasok sa isip ko, iba ang laman ng isip ko ngayon..

 Naalala ko na naman yung isa kong kababata. Nangilid ang luha sa mata ko dahil sa naalala ko. May kung anong bumara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga kaya bumangon ako..Nagpakawala ako ng buntong hininga. paulit ulit kong ginawa ang inhale-exhale process na yan habang nakatingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang umatake sa mata ko..

After 5 minutes.. ok na ako.  I feel better now. Pero hindi pa rin nawawala sa isip ko si Marc, ang kababata ko.

Childhood friend ko si Marc at bestfriend namin ang isat-isa.  Nirereto nga kami ng mga nanay namin sa isa’t isa eh kahit na mga bata pa kami noon.

Tuwing birthday ko, andito yan noon sa bahay maghapon .. nakikipaglaro, nakikipaghabulan, nakikipag-asaran at nakikialam ng mga gamit ko. Never nya akong kinalimutang bigyan ng regalo . Madalas niyang ibigay sa akin ay manika.. kamukha ko daw kasi yung mga manika dahil pareho kaming maganda.. Bata pa noon si Marc pero marunong ng mambola ng babae, tuwang tuwa ako at agad agad ko itong kinukuha sa kanya. Ayaw niya daw sa doll dahil lalaki siya pero sa tuwing makakakita daw siya nun, naiisip nya ako..

Kadalasan naming nilalaro ay bahay-bahayan, ako ang nanay at siya ang tatay, yung mga doll na binigay nya ay mga anak daw namin.. Napangiti ako dahil sa ala-alang iyon. Ipagluluto ko daw siya at aalagaan tulad ng ginagawa ng nanay niya sa tatay niya.. Siya naman daw magtatrabaho para may pambili kami ng pagkain.. Napakabata pa namin noon ni marc pero napaka lawak na ng pag-iisip nya tungkol sa mga bagay-bagay.. Matalino siyang bata. Lageng nasa ranking. Kung hindi first honor, second honor siya.. 

Tuwing birthday ko wala kaming ibang gagawin maghapon kundi maglaro hanggang sa abutin na siya ng gabi sa bahay at doon na siya maghapunan. Nakikipag unahan pa nga siyang hipan yung candle ko eh at madalas akong umiyak dahil doon. Susuyuin niya ako at papatahanin hanggang sa mapangiti nya ako dahil lamang sa candy..at maglalaro na ulit kaming dalawa..

Pagsapit ng alas dose ng gabi, magpapaalam kami sa magulang ko para pumunta sa bahay nila Marc. Ihinahatid pa nga kami ng tatay ko eh kahit na sa katabing bahay lang naman ang bahay nila Marc. Simula kinder ganoon na kasi kami ni marc, naging routine na rin namin kaya nasanay na siguro ang mga magulang namin at hinahayaan na lang kami tutal pag birthday ko lang naman ako nakikitulog sa ibang bahay. Pagpatak kasi ng alas-dose, hindi ko na birthday, Birhday na ni Marc, kaya ako naman ang pupunta sa bahay nila para icelebrate ang birthday niya. Magkasunod kaming pinanganak, oras lang ang pagitan naming dalawa. Para kaming kambal pero hindi magkadugo. Cool noh?

The Unnoticed ReminderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon