Proposal

19 0 0
                                    

Jade Astrid's POV


"You're done, miss.", sabi ni Ellie, an attendant from the mansion, after she fixed my chic, messy low bun.

I checked myself out. Simple lang ang suot kong suit, and I only wore my gold earrings. Nonetheless, everything is presentable. 

"Thanks, Ellie.", I gave her a smile tapos kinuha ko mula sa dressing table ang purse ko.

Ngumiti lang din siya.

"Magpapasundo po ba kayo?", tanong niya.

"No. Sabihan mo nalang 'yung driver na ihatid ka pabalik sa mansion.", sabi ko. She knew me well, kaya 'di na siya nagsalita pa. I uttered my thanks again before she left. 



Dahil nasa 31st floor yung pad ko, medyo matagal bago ako makarating sa parking. Habang nasa elevator, busy ako sa pagta-take note sa mga sasabihin ko mamaya. I reviewed the company's business status, lalo na sa mga shares of stocks with the Montañers kasi sila ang major stockholders namin.

Nasa 26th floor nang may pumasok na lalaking parang men in black yung pormahan, wala nga lang shades. What makes him more noticeable ay yung buhok niyang parang dinilaan ng kalabaw sa sobrang kinang.

May kausap din siya sa --- wait, is that a two-way radio?

"Wala siya dito. Floor 16 at 6 nalang ang natitira. Oo, baka di natin maabutan."

Hindi naman sa nakiki-chismis pero ako lang at si kuyang naka black suit ang nandito sa elevator kaya 'di maiwasang marinig ko siya.

Napansin niya atang napalakas yung boses niya kaya siya napalingon sa gawi ko. I automatically looked at may phone, avoiding his glance.

Nag beep ulit yung radio niya.

"6! Nasa 6th floor!"

Pagkarinig niya nun, para bang nag-panic siyang pindutin yung open button.

"Papunta na! Hold him off!", si kuyang naka black suit. The elevator door finally opened kaya nagmamadali na itong tumakbo. Maybe he'll take the stairs para makapunta sa 6th floor? Anong meron sa 6th floor?

Teka, may shooting ba ng action film dito?

I shrugged the thought. 

Impossible

Baka trip lang talaga nila kuya yung ganung role play. Nagiging weirdo na mga tao these days.



Finally, nandito na ako sa loob ng kotse.

Matapos mag seat belt, I checked the time. 

5:33 PM

Mom also sent a message, telling me that they're already at the hotel. Nandoon na rin daw si lolo.

I sighed after reading the text. I just hope that everything goes well tonight.

Ilang blocks lang ang layo ng hotel. It didn't take me 15 minutes para makarating on time.

Habang pina-park ko si Beepie, napansin ko ang papasok pa lang na black BMW i8. I rolled my eyes nang pinili nito ang katabi kong parking space. 

Showoff talaga kahit kelan.

I grabbed my purse and went out of the car. Dire-diretso yung lakad ko papuntang lobby nang bigla itong sumabay ng lakad sakin.

"Is that your way to greet your cousin, Assi?", there was a hint of mockery in his voice. 

Battle RoyaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon