III.

239 6 5
                                    

Condo. School. Bar. Condo. School. Bar.

For a whole week iyan yung routine ko. Minsan nga mas matagal pa ako nag-stay sa bar kesa sa condo e. Minsan hindi ko na napapasukan yung classes ko. Wala e. Ansakit.

It's a friday night.

Nandito ako sa bar malapit sa condo namin. Ito yung naging tambayan ko for the past few days.

Sa sobrang kalasingan at ingay ng paligid ko, hindi ko na napansin na kanina pa pala sakin may tumatawag at nagtetext.

8 missed calls.
24 text messages.

Habang hinihintay ko yung beer ko, napagdesisyunan ko na basahin muna yung mga texts. Baka kasi mapalo ako ni Nicole kapag di ko siya pinansin. Alam kong nag-aalala siya.

'Agnes nasaan ka na naman?'

'Hoy. Hinahanap ka nila Pres kanina sa meeting!' Bahal siya. Magsama sila ni Patricia.

'Magsisimula na yung practice for Freshie Night sa Monday!' Shit. Oo nga pala.

'Nasa bar ka na naman ba?'

'Agneeeees! Magreply ka naman'

'MARISTELLAAAAA!'

'Hoy! Hinahanap ka sakin ni Pat. Lagot ka boy! Hahaha.' Hayaan mo siya. Dun siya kay pres.

Bago ko pa buksan yung ibang messages, nagring yung phone ko.


Shit. Si Pat tumatawag. Sasagutin ko ba o ano? Ang hirap naman.

Bago ko palang sagutin, namatay na yung call. Hay. Hayaan mo na nga. Baka may itatanong lang.

Pagkamatay ng call, dalawang text messages agad nakuha ko.


'Pupuntahan kita. Dyan ka lang.' -Pat

'Agnes, sinabi ko kay Pat kung nasaan ka kasi hindi ka sumasagot. Hehehe. Balitaan mo nalang ako. Labyu! Ingat. Use protection!' -Nicole

Jusko naman. Bat naman may ganto akong kaibigan?

Bago ko palang replyan si Pat na wag na pumunta dahil uuwi na ako, may kumakaway na saakin muna sa pinto ng bar. Naglakad siya papalapit saakin at habang nagkakagulo ang paligid, tila napayapa ako nang siya makita ko.


Hay. Pat. Bat ka ganyan sa puso ko?


"Madaya ka Agnes. Hindi ka nag-aaya a." Sabi niya pagkaupo sa upuan sa tabi ko.


"Ako madaya? Ikaw nga yung hindi nagkukwentong kayo pala ni pres."


Napahinas siya sa batok. "Ah. Iyun ba? Mahabang kwento." Pagkatapos nito ay tinawag niya na ang waitress. "Miss, isang bucket naman ng beer dito. Thanks!"


"Mahaba rin naman yung gabi. Handa naman akong makinig." Sigurado ka ba self? Gusto mo ba talagang masaktan? Ready ka ba?


"Parang hindi mo gugustuhing pakinggan kapag nalaman mo na yung istorya. Hahaha. Sobrang gulo." Hindi ko talaga gusto. Pero gusto kitang pakinggan. Gusto ko alamin kung anong sinasabi ng utak at puso mo. "Kamusta muna pala? Nung nagbantay ako ng PE class niyo, wala ka. Nagkasakit ka ba?"

PatNes: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon