WHO'S THE CULPRIT?

0 1 0
                                    

Xiah's POV

Kasalukuyan akong naka-upo sa may bench habang hinihintay ang aking kaibigan na si Evé.

Biglang may nag-chat sa 'kin, si evé pala.

evé: xiahq? nasan kana? kanina pa kita hinahanap, jusko. Nandito ako sa may cafeteria, treat kita ng lunch.

Dahil wala naman na akong ginagawa ay pumunta agad ako.

“xiaaaaah” pag-tawag niya sa akin.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko sa kaniya dahil di naman 'to basta-basta nanlilibre kung wala kameng pag-uusapan na matino.

At nag-umpisa na nga siyang mag-kwento. Ang bruha wattpad lang pala ang ikukwento sa 'kin.

“Nagbabasa kaba ng wattpad, xiahq?” tanong niya.

“Hmm, minsan lang.” sagot ko.

“Ano na yung mga nabasa mo? Yun na lang pag-usapan natin. Para naman dalawa tayong nagdadaldal dito hindi lang ako. HAHAHAHA” baliw talaga.

“Project Loki palang.”

“Oooh sakto nabasa ko na den yan kaso diko pa tapos. Lahat ba ng volume nabasa mo na?”

“Second book na 'ko. Sa libro ako nagbabasa. I mean volume 2 pala. HAHAHAHA” saad ko habang kumakain.

“So ayon, nung binabasa mo ba yung project loki nagka-interes kaba sa mga codes?” nakapanga-lumbaba niyang tanong. Napa-kunot naman ako ng noo at tinapik siya.

“Wag ka ngang gumanyan. Anyways, hindi e. Ewan ko kung bakit. Ni hindi ko pinag-aralan. Pero nagegets ko naman.” ani ko.

“Ako kase nagka-interest ako don though medyo mahirap siyang aralin, alam mo 'yon? HAHAHAHA nakakabobo lalo na yung numbers.” napatawa naman ako.

“Boset, oo. HAHAHHA lalo na yung Mastermind. jusko.” saad ko.

“Ay oo tangena HAHAHHA mabaliw baliw nako kakaisip kung sino ba yung lintek na Moriarty na yan! hanggang ngayon diko pa den alam kung sino kaines HAHAHAHA nahinto nako sa pagbabasa non.” tatawa-tawa niyang saad. Muntik pang mabulunan ang bruha.

“Oo nga potek. Ilang pages na yung nasayang. HAHAHHA” sambit ko.

“Kakaines yon tas may pa-epal pa sa ship ko! isa pa yon sa kinaiinesan ko HAHAHHA”

“Loki tsaka si anong pangalan nung babae donnnnn. Nakalimutan ko naaaaa.” grr bakit ba kase nakalimutan ko?

“Nakalimutan ko na den potek. HAHAHAHA amber yata 'yon?” ang bruha nag-imbento pa ng pangalan.

“Maliii. Hindi ambeeeer.” saad ko. Nasa dulo na ng dila ko e diko lang mabanggit.

“Teka tingnan ko na nga lang amp.” ani niya at nilabas ang phone.

“Lorelei pala yung name HAHAHHA.” dagdag niya.

“Yon! Lorelei ang layo sa amber, gurl. HAHAHAHA” tawa ko.

“Oo nga e san ko ba nakuha yon? jusme HAHAHHA” bruha talaga.

“Ayos lang yan HAHAHHA”

“Yon nga-” hindi niya na natuloy yung sasabihin niya ng may lumapit samin na studyanteng hingal na hingal. Mukhang tumakbo pa yata 'to.

“Evé, pinatatawag ka ni Sir Devon. Haaaaah pumunta ka daw doon sa may field. Bilisan mo.” ani nito. Nagkatinginan naman kame ni bruha at nagtanguan. Sasama ako.

Evé's POV

“Yon nga-” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may lumapit na lalaki. Galing pa yata sa pag-takbo dahil hingal na hingal siya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon