PAPEL

1 1 0
                                    


“Nakita mo ba yung papel ko?” tanong ko sa katabi ko. “Aling papel? Yung naka-ipit diyan sa may notebook mo?” tanong niya. Tumango ako bilang sagot. “Ah! Kinuha yun ni Tristan kanina e.” sagot niya. Bigla naman akong nataranta ng marinig ko ang pangalan niya. Naalala ko naman yung papel ko. “Alam mo ba kung saan siya nag-punta?” tanong ko. “Sa pagkaka-tanda ko e lumabas siya at nag-punta sa garden.” sagot niya. Agad ko namang tinakbo yung daan papuntang garden. 
At doon ko siya nakita habang binabasa yung nakasulat sa papel ko. Lumapit ako sakanya at hinablot ang papel na hawak-hawak niya.
“Bakit mo 'to kinuha!?” sigaw ko sakanya. Tumayo siya at hinarap ako. Halatang nangingilid na yung mga luha niya.
“B-bakit hindi mo sinabi sakin Cole? Bakit lumalaban ka nang mag-isa!?” sigaw niya.
“Wala akong alam sa sinasabi mo Tristan. ” tugon ko. Pinipigilan kong wag tumulo ang mga luha ko. Hangga't maaari ayokong makita niyang mahina ako.
“Huh! Ngayon ay ikinakaila mo? Ano ba Cole!? Hindi mo kailangang lumaban mag-isa! Nandito ako e! Para saan pa at naging boyfriend mo ako!?” pasigaw niyang tanong. Damn it, Tristan.
“Hiwalay na tayo di ba? Wala nang tayo, Tristan. Stop imaging things.” saad ko. Akmang aalis na ako ng maramdaman ko ang mga braso niya sa bewang ko.
“C-cole please? Comeback to me. Di k-ko kaya nang hindi ka naka-kasama at nakikita. Lalaban ka kasama ako. Lalaban tayong pareho, Cole. Lalabanan natin yang sakit mo.” umiiyak na siya. Nararamdaman ko na yung mga butil ng luha niya sa braso ko. 
Tinanggal ko yung mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko at hinarap siya.
“I'm sorry, Tris. I'm sorry.” umiiyak akong yumakap sakanya. 
“Sshhhh. Okey na. Bumalik ka lang saken, Cole. Sabay tayong lalaban.” saad niya habang hinahaplos ang aking buhok.
----------
After 6 years...
“So, are you saying mom na hindi kayo magkakabalikan ni dad kung wala yung papel mo?” tanong ng anak kong si Tania.
I chuckled. “Yes, baby. At kung hindi dahil dun sa papel ko ay baka wala na ako dito.” sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.
“At kung hindi ko nabasa ang papel ng mommy mo ay wala ka dito, anak.” singit ng asawa kong si Tristan. Yup, he's my husband now, for four years. 
“And I'm thankful na binasa mo yun, luv.” I smile.
“No, mas thankful ako dahil bumalik ka sakin.” he said as he kissed my forehead.
“Too much for my eyes today, mom and dad.” singit ng anak namin. Then we all laugh.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon