Day 1: The Big reveal

1 0 0
                                    

"Oh bat natahimik kayo? May dumaang anghel??" tanong ni Maya sakanila.

*pruuuuut...*

"Ano ba yan!!!! Napakabaho naman!!! Sino yon?!!" - Tito Navy

Tinginan ang lahat. At napunta kay Maya ang mga titig nila.

"O!! di ako ha! sisimula nanaman kayo!!" habang tunuturo at pinandidilatan sila ng mata.

Hinahain na ni Gumiho ang pagkain habang pasayaw sayaw pa.

"Tara na't kumain kanina pa kayo nagbubugaan dyan!"

"Ayy wow. Sino kaya ang di nakikisawsaw??" - Tito Orange.

*pruuuuut....wuuuuuuuuuut...*

Maya, Tito Orange, Tito Navy,Tito Gumiho "SINO BA KASI YON!!!"

Dahan dahang tumayo si Werner mula sa hapagkainan at pumunta sa banyo.

"Hay si Kuya Werner talaga!!! Di na nahiya!" komento ni Prince.

"Tito, hayaan mo na.. baka nasira lang ang tyan. Teachers Day kahapon e" sabat naman ni Maya.

"Anong konek???" - Tito Orange

"Syempre teachers day gaganti mga estudyante sa mga teachers! Mamayw hinaluan ng dasal yung binigay sakanyang pagkain!" - Tito Guniho

*tawanan lahat!*

"Shhhhhh! Shhhh! Mga tito talaga! E malay nyo naman kase may pa foods don sa school nila na libre. Alam nyo naman si Tito Werner e hanggat kaya matipid at mapunta sa libre ay syang papatulan!" pag saway ni Maya.

"Katulad mo.?" - Tito Prince

"Medyo. Pero di pa naman nasisira tyan ko ano!" sagot ni Maya habang medyo natatawa.

May dumating na courier habang ineenjoy nila ang kanilang weekend breakfast. Si Orange ang tumanggap ng bokey ng bulaklak at may maliit na papel.

"Para daw ba talaga sa atin yan?" - Tito Navy

"May manliligaw na si Maya?!!!" - Tito Prince

Inagaw ni Werner ang bokey at saka binasa ang nakasulat sa maliit na papel.

Good day bookstore and cafe. 9:00am sharp.

Isang address.

Nakapaligid silang lahat sa bokey na tila may hint na sa kung sino ang nagpadala nito.
Nag usisa naman si Maya at pilit na pinapatabi ang mga tito nya para makita nya kung ano ang pinagkukumpulan nila roon.

"A---n...o ba yan pa secret secret pa kayo." sabi ni Maya nang makita na kung ano ang tinatago ng kanyang mga Tito.

Lahat sila ay blanko ang reaksyong humarap kay Maya. Pinaupo nila ito sa sofa ng sala habang sila ay umupo rin katapat nya.

"Hello?? So ano na? Joke time nanaman ba to? Baka mamaya para sakin talaga yan tapos nag ambagan pa kayo para kunwari sa manliligaw ko galing!" sabi ni Maya habang nakataas ang isa nyang pa at may hand gestures pa na parang alam nya ang sinasabi nya.

*Sabay sabay na humingang malalim ang mga Tito*

"Galing to sa fiance mo." Werner just spill the tea.

Gulat ang expression ng lahat dahil hindi nila inasahan na si Werner ang mangunguna sa pagsasabi kay Maya.

"Fiiiiiiiance?!!!!!!"

"Oo Maya, sa tagalog mapapangasawa mo..." - Tito Prince.

"Teka teka. Di na April Fools mga tsong ha! Di to nakakatuwa!"

















Binenta ka namin. 








"ANO?!!!" gulat at pagkabanas na tono ni Maya.

magwawalk out na sana sya nang pigilan sya ni Orange.

"Maya sandali, pakinggan mo muna kami.. " pagsusumamo ni Gumiho sakanya.

"Sige makikinig ako dahil mahal ko kayo at nirerespeto ko kayo. Pero sana sabihin nyo sakin lahat.. lahat lahat! yung totoo" ang monotone na respone ni Maya habang may namumuong bulto ng luha sa kanyang mga mata.

"Sino ang magpapaliwanag sakin?" sabi nya habang bumalik sa kinauupuan nya kanina.

"Ako." sabi ni Orange.

"Hindi ka namin binenta Maya. . pero parang ganun na rin kasi yun.. Sanggol ka palang nang makita ka namin sa likod ng kotse ni Navy. Nung mga panahon na yun, college kami, malaya, masaya may mga problema pero kahit pano nareresolba. Tumingin tingin kami sa paligid, nagtanong tanong kung sino ang nag iwan sayo dun pero wala, sinubukan namin na ilapit ka sa police station pero pinagtawanan lang nila kami at baka isa lang daw sa amin ang tatay mo pero ayaw namin panagutan kaya baka yun daw ang dahilan bat ka sa amin iniwan. Nag decide kami nila Werner na iuwi ka sa apartment namin at maghintay ng kung sino man ang kukunin ka ulit. That same day, kinailangan naming palitan ang damit mo. Kaya si Gumiho na ang gumawa. Habang kinakalas nya ang baro mo, nakita nya ang isang sulat. Na pagka 17 years old ka na ay may kukuha sayo. Hahanapin daw kami ng taong yun dahil ikaw daw ang kabayaran sa utang ng biological parents mo. At ang mga nangyari ngayon ay nakalagay mismo sa kung paano ito sinulat sa liham. Pag nahanap na nila kami ay may dalang bulaklak at nakalagay ang adress kung saan ka .. as in ikaw mismo ang pupunta. Bawal kaming sumama sayo pag nangyari yun.."

Itinuloy ni Gumiho ang pagpapaliwanag.

"Hindi kami naniwala noon na kaya nila kaming sundan. 17 years? Sino ba naman ang susunod at mamanmanan ka ng ganun katagal at hihintayin ang tamang panahon para mabawi ka."

"Pero yung binalewala namin noon, ngayon ay nangyari na." medyo malungkot at dismayadong pahabol ni Navy.

Tahimik ang lahat. Na parang nagkakapaan sa mga damdamin ng bawat isa.

"Wala na akong choice. Kung namanmanan kayo for 17 years, ibig sabihin hindi basta bastang tao itong pinagkautangan ng nanay at tatay ko."

ang sabi ni Maya bilang pagbasag sa katahimikan na bumalot sa buong sala.

Niyakap nilang lahat si Maya dahil kahit masakit sa kalooban nito ay napili niyang intindihin ang sitwasyon.

Ahjushiis and me & Dodong(📌MAYWARD SHORTSTORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon