Accidentally Fall in loved ( Part 8 )

92 3 0
                                    

Dumaan na ang Sabado't Linggo pero si Chad parin ang lagi kong iniisip, Bakit ba hindi siya maalis sa isipan ko. Gusto ko lagi siyang Makikita, Kung baga hindi buo ang 24 hours ko kapag hindi ko nakikita yung maamo niyang mukha, naririnig yung malakas niyang tawa, at yung mga biro niya na minsan ay nakakainis na

Siguro ganun lang talaga maglambing si Chad, Hindi niya masyadong ine-express yung feelings niya sa iba para walang dahilan para ma-fall sila, 

( Ang Utak niya noh ? ) 

Sometimes you want to protect someone who doesn't care about you,
while there's another person quietly protecting you ..

Ganyan yung nararamdaman ko kapag  nakikita kong may lumalandi o dumidikit sa kanya
Madali akong magselos inaamin ko, Pero hindi naman maiiwasan ang pagseselos lalo na't 
sa taong marunong magmahal ng Totoo...

( Tama ba ako ? )

Siguro kaya natatakot akong landiin siya ng iba, kasi nga natatakot ako na baka mahulog yung loob
niya sa taong yun, Natatakot ako na baka saktan nila si Chad. Kung baga paasahin sa wala :(

Dadaanin nila sa mga pa-sweet words, Dadaanin sa Lambing, Dadaanin kung saan man yan
na nagiging dahilan ng madaling pagkafall ng mga lalaki .

Ang daming pumapasok sa isip ko na kung ano anong bagay noh ?

*Nahiya*

Ganito talaga ako masanay na kayo, Masasanay kayo sa kadramahan ng buhay ko :)

MONDAY NA NAMAN,

Siguro makikita ko na naman si Chad ngayong araw na ito, Kung makikita ko man si Chad ngayon
at nakita niya rin ako, Sana naman hindi laging Haggard yung mukha ko .

"Nakakahiya kaya"

( Naglalakad ako papasok sa School )

Ito na nakapasok na ako sa room namin, 

*Pagod ng konti dahil sa paglalakad*

Nakipag beso beso sakin si Scarlette at Catherine, Then after that usap usap about sa nangyari nung friday, Sabi nila ang saya daw nun, gusto daw nilang ulitin.

Kung sila gusto nilang ulitin, Eh Paano pa kaya ako ? Natural Gustong gusto ko yun XD

Pagkatapos ng First Subject namin, nilabas ko agad yung Cellphone ko then tinext ko si Chad

" Goodmorning, Chad *smiley face insert pa* "

Afterwards my phone vibrates, 

Goodmorning :) - "

*dissapointed*

Hindi man lang niya inalis yung guhit sa dulo para hindi ko nahalatang Group message pala yun.

Nakakaiyak noh ?

Nag-effort kapa na i-pm siya ng goodmorning tapos papadaanan ka lang ng GM niya na Goodmorning, Mahirap bang mag PM ng Goodmorning ng hindi kailangang i-GM ?

Siguro kaya siya ng GM ng Ganun kasi marami rin nag-pm sa kanya ng Goodmorning, Kaya pinagsama sama nalang niya para isang text nalang, baka daw kasi mahirapan siya kapag iisa-isahin pa dba ? ( Mautak talaga )

Akala ko hindi papansinin ni Chad yung Text ko sa kanya, Yun pala nagkamali ako,

Goodmorning Candice :) "

Kinilig ako that time kasi nga akala ko de-dedmahin niya lang yung text ko, pero hindi ko alam na maglalaan pala siya ng oras para pansinin yun :) 

Nakakainlababo siya noh ?

Yung taong akala mong walang pakielam sayo,

Yun naman pala ...

May tinatago siyang pake sayo hindi lang niya talaga naipapakita at nae-express ng maayos.

Siguro nga..

Nahihiya din yun si Chad kasi nga lalaki siya, pagkakaalam ko kasi sa mga lalaki mataas ang mga pride niyan, Yung Pride nila mahihiya buong universe sa sobrang laki at taas, Pero kahit ganun kataas yung pride nila, Pero kasing rupok lang ito ng itlog kapag nabasag. Nakapag nagkaroon ng kasalanan o nagkamali man lang, kaya niyang ibaba at basagin pansamantala. Para lang hindi magbago yung pagtingin sa kanila :)

Umuwi ako after ng uwian ng school, 

Then nag GM ako

Tinext ko si Chad:

"Chad"

"Ow?"

"Nasaan ka?"

"Dito ako shake house"

"Ahh, Text mo nalang ako kapag nakauwi kana"

"Sige :)"

Text mo’ko pag uwi mo. Simple lang, pero ang sweet ng dating diba? Tipong alam mong mag aalala ako sayo kapag anong oras na wala ka pa rin sa bahay niyo.Alam ko Kahit malayo tayo sa isa’t isa. isa lang ang gusto ko yung palaging safe siya?

Grabe yung pagka-concern ko kay Chad no? Dinaig ko pa yung mga OFW, sa pag-aalaga sa taong mahal ko. Ayuko lang kasi talagang may mangyayaring masama kay Chad, Kasi once na may mangyaring masama dun, hindi ko matatanggap. 

*Concern Overload*

Paano ka magiging masaya, Kung alam mong yung taong mahal mo hindi man lang makuhang ngumiti, para bang binagsakan ng dalawang malalaking daigdig.

*O.A na*

Basta, Bahala na . Basta ako mahal ko si Chad.. at ayukong may mangyayaring masama dun sa taong yun. Mahal ko kasi kaya ganun .... 

Hindi ko na nga ata siya CRUSH ngayon eh :)

SIGURO. INIIBIG KO NA TALAGA SYAAAAA .....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon