..
Tinawagan ko agad si Adrian about sa Nangyari ngayon at papunta na sya.
Buti nalang matapos nang nangyari ay dumating narin si Jiji."Ano?! Hinalikan ka?" Gulat na gulat sya,pero parang natuwa pa.
"Bakit parang okay lang sayo?" Inirapan ko sya.
"Wala naman.Hihi,masarap?" Pang- aasar nya.
I Crossed my arms.
Nakakainiss!
"Hindi ! Arghh" Inalisan ko sya dahil tinawanan nya lang ako.Kumuha ako ng tubig na may yelo at pamunas para dun sa bwiset na lalaking yun.
Dinala ko sya sa Secret Ground.
Inangat koyung malaking Carpet at in-open gamit ang Kamay ko sa may Hand detector. Bumukas ang sahig at bumungad sakin ang hagdan.
Nakasunod na si Jiji saken.
"Sure ka talaga,Hindi?"Pag ulit nya pa.
Tinitigan ko lang sya ng masama,pag babadya na Isang tanong nalang masasapok ko na sya.Dinala ko sa baba yung Guard na si 'Mark' DAW sabi nya e. Nawala ako sa sarili noong hinalikan nya ko pero bumalik naman sa huwisyo at naisip ko agad yung Electric Pen para Makuryente sya saglit at maka tulog.
Hinila ko pa sya sa Secret Ground dahil 'di ko naman sya kayang buhatin at baka makita pa sya ni Mom sa kwarto ko. Nag palusot nalang ako kanina kay Mom na may naiwan akong kung ano sa kwarto or what para di na mag tanong pa.Pinatong ko ang Panyo at Bowl na may tubig at yelo tsaka sumandal sa lamesa sa may harapan nya.
Namamaga kasi ang mukha nya.
Sinampal ko sya ng hagot habang tulog sya. Una Hinalikan nya ko, pangalawa pinahirapan nya ko na higitin sya sa baba at pangatlo Kung 'di ko sya nakita baka napatay nya na kami. Naiinis parin ako!'Di ko maipag kakailang may maganda syang mukha at magandang pangangatawan pero sayang kung masama ugali. Ehz.
"Bakit ayaw mong buksan aircon?" Nag tatakang tanong ni Jiji at pinay pay ang kamay sa sarili. Tumaas naman ang kilay ko sa kanya.
"It's good for him,Para mag hirapan sya. Pasalamat sya at di ko sya binubugbog gaya sa mga movies na napapanood ko" I crossed my arms.Pawisan sya at kita kong tagaktak ang pawis nya. It makes him more hot. dumagdag pa ang sira nyang botones at bumukas ito dahilan para makita ko ang dibdib nya. Nasira ko kase kanina habang hinihigit sya.hehe.
Nakatali ren ang kamay nya at papa kaya hindi sya makakatakas."Kung pinupunasan mo na kaya sya noh? Pupuntahan ko narin si Adri sa labas" Suggest nya.
"Ayoko. Bahala sya mag punas." Pag mamatigas ko.
"Boba ka? Naka tali kamay nyan tska ayokong mag punas nyan 'di naman ako nag dala nyan dito e." Pag iinarte nya ren.
"Fine" I rolled my eyes.
Lumapit nako sa kanya dala ang bowl at panyo. Si Jiji naman pumunta na sa labas para sunduin si Adri."Ano ba kasing pakay mo dito? Nakakaasar" Pag mamaktol ko kahit alam kong walang sasagot sakin dito
Pinunasan ko muna sya sa pawis nya at tiningala sya.Binalot ko yung yelo sa Face towel tska dinampi-dampi sa mukha nya.
Napag isip-isip ko rin na alisin nalang yung pan-taas nya dahil gusot narin naman. My mouth turned '0' when I saw his Body. Shiizz. So masculine.
Nag wo-work out ba 'to?
May chexpwak abszxc."Alam kong pogi ako pero 'di mo ko kailangan titigan ng ganyan" He smirked while biting his lips.
"W-what?? Wag kang feeling! Ikaw nanga tinutulungann" inalis ko yung hawak kong yelo sa pisngi nya at napa ngiwi sya.
"Sinapak mo ba ko??" Nag tatakang tanong nya dahil sumakit yung sampal ko.
"Noo, I dontt" It's not lying, right? His Asking if I punch him.Sinabi kolang yung totoo 'di ko naman sya sinapak ehh. Sampal OO pero 'di nya tinanong.Hehe."Sorry natagalan–" napatigil si Jiji dahil sa Itsura namin.
Nakaluhod kase ako sa harapan nya tapos topless pa tong lalaking 'to.
"I don't really like your mind" Inirapan ko sya at tumayo na.
Sumulpot naman si Adri sa likod.
"Nakwento na ni Jiji sakin yung nangyare" lumapit sya at tinignan yung lalaki
"Lahat??" Kinakabahang tanong ko.
"Don't worry" sabat ni Jiji sabay tawa.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang hindi nya sinabi yung Halik blabla haysttt. Nakakainisss!