06

3 1 0
                                    

Nasa C.R kami ngayon at inaayusan na ako ni Jiji

"3 mins. Nalang papunta na sila dito kaya kailangan nating bilisan ang pag aayos sa'yo"
Sinabi na nya sakin ang plano kaya may Clue na ako kung anong gagawin.
After ko syang i-seduce kailangan ko syang mapilit na maka punta sa condo nya at ma i-set up ang kailangan namin.

Pinasuot nya sakin yung simple Gold earings na may palawit na bilog.

"Para saan 'to?" Tanong ko habang sinusuot.

"Ayoko namang mapahamak ka so ilagay mo yan sa wine at ipainom mo sa kanya para makatulog" Naintindihan ko ang pinaparating nya.

Nilagay ko narin yung transparent na Airpods sa tenga ko and we test it kung okay ba yung audio. Naririnig ko naman sila. Meron narin nito si Drake at Adri.

Nilagyan ako ni Jiji ng Microwave Transplant para ma detect nila kung nasaan nako kung sakaling dalhin ako ni Ethan sa Condo nya.

———————
Microwave Transplant

Its a phasable satelite in the world where I can see you wherever you go.
——————
Nakaupo na kami ni Jiji sa sa pwesto namin kanina at hinahanap si Ethan. What a Coincidence. Nasa kabilang side sila ng lamesa namin at magka tapat lang.

Nakita ko syang kausap ang mga tropa nya at nag tatawanan at nag sisitayuan nayung iba at may tumabi ng babae sa kanya. Umiinom sila at nag kukwentuhan parang mga Mayayamang pokpok yung kasama nya. Ew. Halatang mga Golddigger. Another Eww.

Maya-maya parang nag sawa na sya sa mga babaeng kasama nya kaya iniwan nya ang  mga ito at pumunta na sa dance floor. Better luck next time Girls. Napatingin ako sa dalawang babae kanina na parang nalungkot dahil hindi interesado si Ethan sa kanila at ngumuso pa ang mga gaga.

"You can do it" sabay hawak sa balikat ko ni Jiji at ngumiti. Nginitian ko lang din sya pabalik.

Nang pa tayo na ako biglang hinawakan ni Drake kamay ko.

"Ingat" Nagulat ako dahil Hindi naman sya ganyan. Nag katitigan kami saglit. Iba ang mata nya ngayon. Parang nakita ko na dati. Shit! May mission kapa Max hayaan mo muna sya.

Niyakap ako ni Adri at tinuruan din ako saglit ng self defense kung sakali. Natawa naman ako dahil nag-aalala na siya nag bibiro pa.

Uminom muna ako ng alak bago umalis. Pang palakas lang ng loob.

Tumayo na ako at unti-unting lumapit kay Ethan. Sumunod si Jiji at Tinulak ako kaya napa subsob ako sa dibdib ni Ethan.

"Eyy.. " Naiinis na sabi ni Ethan.

"S-sorry sorry" Kinakabahang sagot ko pag ka angat ko ng tingin sa kanya.

"Ohh.. Hi" Nagbago ang expresyon nya nang makita ang mukha ko. Nagandahan ka noh? Tss.

"Sorry tinulak kase ko nung kaibigan ko" Kinagat ko ang labi ko sa kaba.

"No, it's fine" Ang bait ahh. Kala naman nya magugustuhan ko sya sa paganyan-ganyan nya. Neknek mo! HAHA.

Huminga ko ng malalim.
"Ethan right?"  Kinagat ko ulit ang labi ko at Humawak sa dibdib nya. Eew. Nandidiri ako sa ginagawa ko 'di ako marunogg! Argh.

"Yes, How did you know?" Ngumiti sya sabay hawak sa bewang ko at hinigit ako dahilan para mag ka dikit ang katawan namin. Napasinghap ako dahil nagulat sa ginawa nya.

"Just keep talking to him" Narinig ko sa Airpods si Jiji.

"You're a Governor's son so bakit hindi?" I smirked. Where's your brain Ethan Scott?? Anak ka ng Governor malamang sikat ka.

Secrets not a Lie [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon