Angela's POV
A new chapter in our life has begun. Kasalukuyan, graduate na kami ni Kent ng college and I'm a Licensed Police while Kent is already an Engineer.
Pinaplano palang namin magpakasal kase masyado pang maaga for us, and masyado ring maraming projects ang nakalatag ke Kent kaya di pa namin napapagplanuhan ng maayos yung kasal. But he promised me na kapag natapos lahat ng projects nya, he will marry me.
Actually nakatira kami sa isang condo. Medyo malaki sya, and pagka graduate na pagka graduate namin napagpasyahan na mag live in. Adik rin kase yung manyak na'yun e. Naalala ko pa ung sinabi nya para mapapayag akong tumira with him.
" Sige na pumayag kana, ayaw mo ba nun mas makakasama mo'kong matagal? Tsaka ngayon pa na girlfriend na kita? Aba e baka pag wala ako sa tabi mo e may aali aligid sayong mga tukmol, di naman ako papayag ng ganun. Kaya sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo hehe."
Potek ganyan sya kaadik HAHAHAHAHA kala mo namay maaagaw ako sa kanya ei HAHAHAHA.
About our relationship...
Okay naman yung mga years na we're together, going strong parin. Actually, magti 3 years na kami hihi. And habang tumatagal mas nagiging sweet, mas nagiging mature, mas caring lalo and mas minamahal namin ang isa't isa.
Eto nga sya, nakatulog na sa hita ko habang nandito kami sa sala. Pagod sya masyado e. Nakaka stress daw ang work and andami pang projects na inaalok sa kanya. Well ganun ata kagaling 'tong boyfriend ko hihi. Kyut nya matulog, nakanganga pa ampotek HAHAHAHAHA. Gabi na at di na sya naka pag dinner deretsong higa na kagad sakin. Miss na raw nya nung mga panahong di pa sya masyadong busy sa trabaho, ung nakakapag bonding pa kami. E ngayon halos uuwi nalang sya para magpahinga tas trabaho na ulet. Hays, gawd how I miss this man. Pero iniintindi ko naman, kase para narin sa future namin yung ginagawa nya.
Kinabukasan
Maaga akong nagising kase pag kapa ko sa kama, wala nakong katabi.
Hmm? Hays mukhang maaga na naman syang umalis :<<
Pero nawala sa isip ko yun nang may maamoy akong niluluto, hm amoy sinangag.
Dali dali akong nagayos at lumabas ng kwarto, pag punta ko sa kitchen nakita ko syang nagluluto, shet. Nakaboxers lang sya, ang macho pa ng likod nya, hm yummy HAHAHAHAHA. Erase erase erase. Gawd nahahawa narin ako sa kamanyakan nya, buti nalang nakatalikod sya. Di nya alam na pinagnanasaan ko na ung likod nya HAHAHAHA.
Nilapitan ko sya at niyakap sa likod. Tinignan nya naman ako.
"Hi baby, Goodmorning" humarap sya sakin at kiniss ako sa noo, gawd how sweet.
"Goodmorning, bakit ka nandito? Kala ko may work ka?" I ask kase Saturday ngayon, at sa pagkakaalam ko tuwing Saturday e nag o OT sya kase sooobrang dami ng works.
"Nagpaalam ako kay boss, sinabi kong mag babakasyon ako ng two weeks. Miss ko na kasi yung girlfriend ko." sabay pisil sa ilong ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Lintek na lalaki 'to agang aga e pinapakilig ako.
"Answeet naman po ng boyfriend ko" sabay kiss sa cheeks nya.
"Aba syempre naman, si Kent ata 'to ung mahal na mahal mo" sabay pogi sign pa HAHAHAHAH nay ungas.
"Ulol, kapal mo ha"
"Tunay naman ah? Bakit di mo bako love?" Sabay pout, psh weakness ko pa naman yun.
"Aysus pacute kapa, oo na iloveyouuuuuu" °3°
"AyieEee iloveyoumore bhaby qhouh HAHAHAHAHAAH" mokong nato.
"Sya kumain na muna tayo at akoy gutom na gutom na, sarap mo kasi" sabi ko at di namalayang nasabi ko yon.
Napatingin naman sya sakin ng nakakaloko.
"Anong sabi mo baby?"
"Ansarap mo kako, magluto" psh buti't nakapagpalusot.
"Ahhhh kala ko kase ako yung masarap HAHAHAHAAH" apaka assuming.
"Sya sige na maghain kana't akoy pasal na pasal na"
"Eto napo madam baby HAHAHAHA"
Pagkatapos namin kumain, nanood kami ng tv maghapon then movie marathon nung gabi tapos natulog na kaming masaya kasi nakapagbonding na naman kami hihi. Gosh di'ko ata maimagine buhay ko ng wala 'tong lalaking to beside me.
YOU ARE READING
Manyak! (Part Two)
Teen FictionIt all started with the simple relationship of two people who had feelings for each other and came to love each other, but could they survive the trials that would come to both of them? would they end up being together until the end? or will they fo...