Prolouge

855 18 7
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, place, events and businesses and incidents are all product of the author's imagination. Any similarity to actual persons or events are purely coincidental.

This book is also unedited so expect typo, gramatical error.

Plagiarism is a crime.

Date Started: May 11, 2020
Date Finished: ??

Copyright © Seya Karelle
(shanekaryle)

Prologue

"Lisa malaki na si Alice baka pwede na nating sundan" nabulunan naman ako sa sinabi ni Jungkook kaya naman umubo ubo ako at tinapik tapik niya ang likod ko

"Oh misis, dahan dahan naman kasi sa pag inom" anito kaya naman sinamaan ko siya
nang tingin

"Tantanan mo'ko Jeon Jungkook tsaka anong malaki baby pa si Alice ano! Kung alam mo lang kasi yung hirap nang pagbubuntis at panganganak" singhal ko dito, nung nakaraang buwan niya 'pang sinabing sundan na namin ang bunso namin na si Alice

Tatlong taong gulang na ito habang ang kuya niyang si Justin ay walong taon na. Kasalukuyang naglalaro sila Papa at Justin doon sa garden madaldal kasi ang panganay ko kaya aliw na aliw si Papa

Habang si Mama naman ay karga ang bunso namin, bumisita kasi sila ni Papa dito sasama sana si Jin at Jisoo kaso may sakit ang bunsong anak nila kaya hindi sila nakasama

"Sige na misis" yinakap ako nito at nagpacute, noon dalang dala ako sa ganyang mga titig niya pati naman ngayon may epekto pa rin pero ayoko na talaga ayos na na may dalawa kaming supling

"Ayoko.." sambit ko tsaka nakipagtitigan sa kanya naka pout ito, kamukhang kamukha niya talaga si Alice at Justin. Mata lang ang nakuha ni Alice sa akin

"Kapag nag five na lang si Alice" anito tsaka ipinakita na naman niya sa akin ang bunny smile niya, umirap naman ako at itinuon ang pansin kina Papa at Justin dun na naglalaro nang habulan

"Ang bilis nang mga panyayari ano, Misis parang kailan lang nung karga karga mo si Justin eh ngayon ang bigat bigat na" tumango naman ako sa sinabi niya

"Oo nga 'noh parang kailan lang nung ipinanganak ko si Alice" sambit ko naman, lumalaki na ang mga anak namin at mas lalong nagiging kamukha ni Jungkook si Justin namana din nito ang galing sa pagkanta at nakuha niya din naman ang galing ko sa pagsasayaw

Lumapit naman sa amin si Papa kasama ang pawisang si Justin "Oh anak pawis na pawis ka oh" kinuha ko yung towel tsaka pinunasan ang pawis niya, pinaghubad ko din siya nang damit para mahanginan ito. Kaya naman naamoy ko bigla ang matapang na pabango ni Jungkook

"Did you use Daddy's perfume?" tanong ko dito tumango naman ito

"Yes Mom, sabi kasi ni Ninong Jimin mas gusto daw nang mga chika babes yung lalakeng mabango kaya ginamit ko yung pabango ni Daddy" sambit nito, tumawa lang si Jungkook at nakipag apir pa dito

"Si Jimin talaga kakatusan ko yun! Kung anong sinasabi sa anak ko" angal ko

"Hayaan mo na magbibinata na rin ang apo ko" sabi naman ni Papa, heto na naman tayo sa pagtatangol kay Justin

"Pa, baby pa si Justin tsaka di pa siya binata tsaka anong chika babes saan na naman niya nakuha yan pag talaga naging babaero tong anak ko humanda saken si Jimin!" inis na sabi ko, palagi kasing pumupunta kina Jimin ang anak ko magkaibigan kasi sila ni Jack yung panganay na anak nina Jimin at Rosé.

Si Russell yung bunsong anak naman nila na tatlong taong gulang na magkakasing edad lang naman kasi ang mga anak namin at magkakapitbahay pa lumipat kasi sila dito sa village namin dalawang taon na ang nakalilipas

Pumasok si Mama sa loob dahil tulog na si Alice habang si Papa at Justin naman ay lumabas dahil ipapakita daw ni Justin sa kanya yung playground sa village.

"Ganito pala yung feeling na may sarili ka nang bahay, may mga anak ka at may malambing kang asawa" sabi ko kay Jungkook na kasalukuyang yakap yakap ako ngayon

"Ang sarap sa feeling, Misis" anito tsaka hinalik-halikan ang balikat ko

"Tumigil ka Jungkook makikita tayo nina Mama" sambit ko pero hindi siya nakikinig, hilig niya kasing halikan ang balikat ko

"Bakit asawa naman kita ah"

"Kahit na ano!" sambit ko nang bigla namang tumunog ang cellphone niya at hindi naka register ang number nito. Tinignan ko naman siyang pinatay ang telepono nito

"Bakit mo pinatay?" tanong ko dito

"Eh si Yugyeom kasi binigay yung number ko sa nurse dun sa hospital nila nung dumalaw ako" sagot naman niya na ikinatawa ko, kahit tumatanda na kami gwapo pa rin ang asawa ko tsaka kahit may mga babaeng nagtitinginan jan kampante ako dahil alam 'kong hindi niya ako ipagpapalit.

Tumunog ulit ang cellphone nito and its the same number again, mukhang makulit ang isang toh ah. Si Yugyeom naman kasi naku

"Sagutin mo na para manahimik" natatawang sabi ko dito pero pintay niya iyon.

"Ang asawa ko talaga masyadong loyal saken. Kaya mahal na mahal kita eh" sabi ko tsaka ngumiti hinalikan naman niya ang mga labi ko

"Mas mahal kita, Misis" he said as our lips touched again.

My Love (Sequel Of Love Scenario) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon