Chapter 3

12 1 0
                                    

"I miss you"

Napatigil ako at nahigit ko ang paghinga ko sa sinabi nya. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya malayo. Hindi ko alam kung nabibingi lang ba ako o sinabi nya talaga ang mga salitang iyon. At hindi ko alam kung para kanino o para sakin ba ang mga salitang 'yon.

Naramdaman nya sigurong nakatingin ako sa kanya, kaya napabaling sya ng tingin sakin. Ang mga mata nya ay matiim na nakatingin sakin.

"A-anong sabi mo?" nauutal kong pahayag sa kanya.

Hindi ko mabasa kung ano emosyon ang mayroon sa mga mata nya. 

"Viann.."

Nanlaki ang mga mata ko sa binanggit nyang pangalan. Paano nya nalaman ang pangalang yon. Biglang may pumitik sa utak ko at kinabahan ako. Bigla akong nabalisa. Bago pa ako makapagsalita ay may tumawag na sakin. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa taong tumawag sakin.

"Prim!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. 

"Tara na. Pasok na tayo. Tapos na ang vacant!" Irene.

Tumayo na ko mula sa pagkakakaupo ko at nagmamadaling umalis sa pwesto na iyon. Hindi ko matagalan ang klase ng titig na ginagawad sakin ng taong yon. Hindi ko na sya nilingon at dumiretso na kila Irene.


BUONG afternoon class ay tulala lang ako, buti nalang walang masyadong pinapagawa ang mga teacher. Puro pagdidiscuss lang ng mga syllabus at mga expectations sa mga klase nila. 

Hindi ko alam kung bakit nya binanggit ang pangalang yon. Ang mga kaibigan ko ay alam ang pangalan na yon, pero ni hindi nila binabanggit yon. Dahil nakasanayan na nilang itawag sakin ay Primrose at hindi ang second name ko na yon. Hindi naman sa ayaw kong tawagin ako sa pangalan na yon pero ayaw nila Mom and Dad na tinatawag ako sa second name ko. Dahil isang beses na tinawag ako sa pangalan na yon ay matinding kirot sa ulo ko ang naramdaman ko at nahimatay ako. Dahil sa takot nila Daddy na mangyari ulit yon ay pinagbawal na nila na tawagin ako sa second name ko.  

Dahil lumilipad ang isip ko, hindi ko namalayang tapos na ang afternoon class. Nagsimula nakong magligpit ng mga gamit ko at narinig kong nag-uusap sila, nagyayaan na gumala.

"Tara! Mall muna tayo!" Keith.

"Mangbabae ka na naman. Dinadamay mo pa kami!" Reeze.

"Babe, ikaw lang ang babae ko no!" sabi ni Keith kay Reeze pero inirapan lang sya ng huli.

"Ikaw Prim? Sama ka?" tanong sakin ni Irene.

Umiling ako. "Hindi. Mag-aadvance study ako."

"Haluh! First day palang Prim, tapos advance study na agad!" pang aasar ni Amber.

"Hindi kapa nasanay dyan sa babaeng yan. Kulang nalang tumira sa libro! Hahaha" dagdag pa ni Reeze.

Natawa nalang ako sa kanila. Sanay naman sila sakin. Minsan lang ako sumama sa mga gala kapag nasa mood ako. Ngayon, mas gusto ko magpahinga sa bahay at dinahilan lang na mag-aadvance study ako.

"Ikaw Timothy, sama ka?" tanong ni Neith. 

Napatingin naman ako sa taong yon at nakita kong nakatingin ito sakin.

"Nope. Kailangan ako sa company namin" sagot nya na hindi inaalis ang tingin sakin.

"Nireready ka na talaga ng Daddy mo para ihandle yang company nyo ah!" sabi naman ni Gab.

Nginisian lang sya ng huli. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at hindi na sya tinapunan pa ng tingin.

"Susunduin ka ba ng driver nyo?" tanong naman sakin ni Charles.

Young LoveWhere stories live. Discover now