Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi namin namamalayan matatapos na ang unang linggo ng pasukan. Nandito kami sa classroom at dismissal na. Friday na at nagkayayaan ang barkada na tumambay sa bahay ng isa samin at magrelax dahil alam namin na simula next week ay magiging busy na kami sa mga gawain sa school lalo't graduating na kami pare parehas. Sa susunod na taon ay college na kami.
"Oh, lahat sasama ha! Walang KJ!" Gab.
Lahat ay napatingin sakin pagkasabi nyan ni Gab.
"Bakit sakin kayo nakatingin?" tanong ko sa kanila.
"Syempre sino bang madalas KJ satin at hindi sumasama sa mga gala o tambay?" Reeze.
Lahat sila tumatango habang nakatingin sakin.
"Sasama naman ako ah! Hahaha. Wait lang, magpaalam lang ako kay Mom"
"Yes!!!!" sabay sabay na sabi ni Irene, Reeze at Amber.
Napailing ako sa kanila. Parang ewan tong tatlo to, akala mo hindi kami nagkikita lagi at mga tuwang tuwa. Lumabas muna ako ng classroom para tawagan ko si Mommy.
"Hello? Mom?"
"Yes anak? Any problem?"
"Mamaya pa po ako uuwe. Nagkayayaan po na tumambay muna dahil friday naman ngayon."
"Oh, I see. Saan kayo?"
"Uh. Hindi pa po nakakapagdecide kung saan pero sa isa sa mga bahay lang po nila!"
"Okay sige. Just text me the address para mapasundo kita."
"Wag na Mom! I can manage. Kaya ko naman magcommute!"
"Hays! Alright, just update me. Okay?"
"Yes Mom, Thanks. Bye, I love you!"
"Take care anak! I love you too!"
Pagtapos namin mag-usap ay bumalik na ako sa loob. Naabutan ko na tinatanong nila si Timothy.
"Wala ka naman siguro pasok sa company nyo, Timothy?" Keith
"Sumama kana bro! Para makapag catch up din tayo." Neith
"Okay." simpleng sagot nya.
Ang dali naman kausap nitong taong 'to.
"Ayon! Its' settle. Prim, we decided to go for Charles' house!"
Tumango nalang ako, ano pa bang sasabihin ko don napagdesisyunan na nila.
Dumiretso na kaming lahat sa parking lot. Dahil lahat ng lalaki ay may sasakyan na dala napagdesisyunan nilang ang bawat isa samin ay sumakay nalang sa sasakyan ng bawat isa sa kanila. As usual, si Irene ay kay Gab sasakay.
"Babe sakin ka sasabay ha!" Keith
"At bakit naman ako sayo sasabay, pwede naman ako makisabay kila Irene saka -----!"
Hindi pa nakakatapos sa pag angal si Reeze. Wala na syang nagawa ng hinila na sya ni Keith papunta sa sasakyan nya.
"Neith! Why are you there paba? Lets go na!" tawag ni Amber kay Nieth at nakapwesto na agad ito sa pintuan ng kotse Neith.
"Aish!" iritang wika ni Neith. Wala na itong nagawa at lumapit na kay Amber.
Hindi ko namalayan na tatlo nalang kami naiwan. Ako, si Charles at Timothy. Bago pako makapagsalita naramdaman ko ang paghawak sa aking kamay.
"Let's go, Prim!" sabi ni Charles sakin.
Wala na kong nagawa ng hinila na ako ni Charles papunta sa kotse nya. Pinagbuksan ako ng kotse ni Charles, bago pa ako makasakay ay tumingin ako kay Timothy at kitang kita ko ang masama nyang tingin kay Charles. Tingin na parang handa ng sugudin si Charles ng suntok.