Runaway
"Good morning Ma and good morning daddy" I kissed my parents' cheeks after I greeted them.
"Good morning, too. How's your school and your plates?" Eto na naman tayo sa school kumustahan. Okay, my parents prioritize our school. Well, they said that education is the most powerful weapon to be successful someday, which I agreed.
"Well my plates are already finished kakatapos ko lang po gumawa kagabi ng isang building and I think makakakuha naman ako ng mataas na grades sa plate na ginawa ko" I said habang kumukuha ng bacon at fried rice. Yummy! The most important thing to do in the morning is to drink water two glass or it depends on what you prefer, drink your coffee and eat your breakfast.
"That's good always aim high grades at wag kang makokontento kung ano lang ang mayroon ka you should always do your best" My mom said. May mga magulang talaga tayo na ipe-pressure tayo sa mga bagay-bagay at syempre tayo namang anak ay susundin ang gusto ng magulang natin.
"Yes po mommy, saulo ko na nga po iyang motto niyo in life." I looked at my mom and then I smiled to her. Tapos na akong kumain at mali-late na ako sa papuntang school. Inis niya akong tiningnan and of course magsusumbong na naman siya kay daddy na nakatingin sa aming dalawa.
"Elpidio pagsabihan mo iyang bunso mo at ayokong ma stress sa kanya" she said to my dad. Okay, eto na naman tayo.
"Alright, Elettra anak gusto lang namin ng mommy mo na matapos mo iyang kursong kinuha mo at magtrabaho sa kompanya natin and don't pressure yourself okay? Take care I love you" Oh! I love my dad so much pero magtrabaho sa kompanya? I will think about it. He's so understanding and supportive on the other hand my mama is slight kontrabida but I love her though.
"Thank you dad I love you both" I kissed their cheeks and say goodbye to them.
"Take care text your kuya" sigaw ni mommy.
"Yes mommy take care, too." Kinuha ko na ang bag ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.
I have an eldest brother so obviously I am the youngest. My kuya is a doctor and nasa BGC siya nagwowork St.Lukes for short. I'm gonna call him instead of texting nakakatamad kaya.
"Hey Kuya, good morning! how are you?" I said. Oh! Someone is grumpy.
"Hey you too, what do you want?" Ako na nga nangangamusta siya pa tong masungit at mukhang aburido kung hindi lang sana nagsabi si mama na i-text ko to.
"Mama said I should text you so now I am calling you, don't you miss me? and you're grumpy early in the morning" I told him coolly and I know mamaya magsusungit to or bababaan ako ng tawag.
"You should text me and not called me, okay? I love you; I'll text you later and I'm fine by the way" He hanged up the phone at hindi man lang ako kinamusta ang sungit talaga.
Sometimes boys or should I say men are fan of being rugged or baka meron lang ngayon si kuya. Joke lang.
Pinark ko na ang kotse ko at kinuha ang bag sa likod. Naglakad na ako papasok ng Engineering at Architecture building at dahil may sari-sariling building ang bawat course dito sa school hindi ka na mahihirapan kung nasaan ang mga Engineering, Business Management, Arts and Sciences, Education, Computer Studies etc.
"Hi Elie kumusta, ano g ka ba mamaya?" Tanong ni Tin saakin ng nakasalubong ko siya.
"Hindi eh may gagawin ako kayo kayo na lang muna" Sagot ko. Sa totoo lang tinatamad lang talaga ako maglalaro lang naman sila at maya-maya ay magkakaya-yaan na uminom. Pass muna ako ngayon.
"Sige, ikaw bahala basta kapag nainip ka mamaya sumunod ka na lang at kapag nagbago ang isip mo" Tumango ako kay Tin at pumasok na ako sa room naming. Maaga pa naman ako ng ten minutes at wala pa si Ysay.
Speaking of an angel "Hi Ysay, in fairness nauna pa ako sayo ng ilang minuto." Ngumiti ako sa kanya at nakita ko na mukhang pagod na pagod siya.
"Oh anong nangyari sayo?" I asked her while she is putting her bag on her chair "Haynako Elettra may nasagap lang naman akong balita dumaan kasi ako sa College of Arts and Sciences." Anong balita na naman kaya ang nasagap nito. Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siya na ayusin ang kanyang buhok.
"So, ano ang nasagap mong balita sa CAS at talagang dumaan ka ba doon or may pinuntahan ka lang talaga?" Tanong ko sa kanya habang inaabot ang kanyang ipit.
"Okay, so patapusin mo muna ako Elie dumaan ako sa CAS kasi akala ko mali-late na ako, wag ka munang sasabat, ganito kasi nakita ko may bagong student dito sa University natin at transferee at ang nakakaloka ang gwapo mukhang model ng isang brand ah basta mukha siyang modelo" I can see it in her eyes na kinikilig siya pero wait pwede pa ba iyon.
"Ang dami ko ng nakitang gwapo Ysay, pero wait pwede pa bai yon? we're in the middle of our semester at mag mi-midterm exam na" I'm just concerned with him kung sino man siya or kaya niya pa bang humabol sa semester na ito knowing na mahirap makapasa kapag midterm na.
"Ano ka ba Elie I heard na anak daw ng presidente ng school at galing ng America" Oh! Imported kaya pala may special treatment.
"Good for him atleast mararanasan niya kung gaano ka init sa Pilipinas" Sabi ko kay Ysay at umupo na ako sa aking upuan. Hindi ko napansin na onti-onti kaming dumadami. Hindi kami magkatabi nasa likod ko lang siya at wala akong katabi absent ata. Pumasok na ang prof naming at tumigil na nag mga kaklase ko sa kanilang mga negosyo.
"Get one half sheet of paper we'll have a quiz; I hope you studied your lesson" Umagang umaga naman quiz agad hindi pa nga nag pray eh. Kumuha ako ng papel at binigyan ko si Ysay kasi alam ko na wala siyang papel.
"Thanks love you bitch'' She whispered. Second year na kami at ngayon hindi pa rin sa kanya uso ang papel.
Hindi ko na siya sinagot kasi matalim na ang tingin ng prof naming sa mga kaklase kong maingay.
"Keep quiet and listen carefully...number 1. What are the convergences and differences between critical and creative thinking? Elaborate your answer and mind your own paper" Ang hirap naman nito may convergences at differences pa higit sa lahat may elaboration pa. Help me Lord.Habang sumasagot ako kung ano ang convergences ng critical at creative thinking ay narinig ko na may kumatok at lumapit ang prof namin, hindi ko na pinansin because I am focusing on our quiz.
Sinipa ni Ysay ang paa ko, hindi ko pinansin baka magtatanong lang ng sagot mamaya ko na lang siya papakopyahin pagkatapos ko nito.
Naramdaman ko na sinipa niya ulit ang paa ko tiningnan ko siya and I mouthed at her mamaya na lang pero may nginunguso siya sa labas na hindi ko ma gets.
"What? ang ingay mo baka mamaya mapagalitan tayo at makuha ang papel ko" Sabi ko sa kanya.
"Tumingin ka sa labas dalian mo" Sabi niya saakin habang tumitingin siya sa papel ko para-paraan din itong si Ysay.
I looked outside at may kausap si prof na lalaki, eto na siguro yung sinasabi ni Ysay na transferee na lalaki hmm okay medyo pwede na. Pwede na maging bodyguard ko. Charot! But seriously speaking hindi naman siya gaano ka gwapo okay lang, I don't know bakit ko ba siya dini-describe.
Bigla na lang siyang tumingin saakin habang kina-kausap siya ni prof and he smirked at me and mouthed runaway. Hindi ko maintindihan kung bakit kasi hindi ko naman siya kilala. What a weird man. Tumingin na lang ako sa papel ko at tinuloy ang pagsagot.
