"Elie, bilisan mo" marahas na sabi saakin ni Ysay. Tumakbo kami palabas ng eskwelahan dahil nag-cutting kami. Yup, nag-cutting kami at ngayon binibilisan na naming ang pagtakbo. Matagal na kaming magkaibigan ni Ysay simula pa lamang noong kinder kami ay tandem na kami sa kalokohan.
"Ano ka ba Elettra bilisan mo naman mahuhuli tayo nito" Ito na naman siya sa pangalan na Elettra na kinakainisan ko. Ayoko ng sabihin kung bakit.
"Ito na nga bininibilisan ko na para hindi tayo mahuli mamaya ay ipapatawag na naman tayo a guidance" malapit na kami sa gate ng biglang may sumigaw ng apelyido ko.
"Adejar, saan ka na naman pupunta, talagang nag-cutting na naman kayo ni Romania" may epal na naman na humarang kala mo ay hindi siya tumatago at tumatambay sa gilid ng pader ng school.
"Pakialamero ka talaga kahit kalian Rafferty tumigil ka nga at wala akong pakialam sayo" Tumingin ako kay Ysay na nakatingin sa amin ni Adiel.
"Halika ka na Ysay mahuhuli tayo nito" Dire-diretso ang lakad naming ni Ysay hanggang sa sumigaw ulit si Adiel.
"Sige lang Adejar matatapos din ang maliligayang araw mo" Ang demonyo talaga nakakaloka.
Nakalabas na kami ng gate at pupunta kami sa GIP para ano pa tumambay at maglaro ng bilyard. Kung nagtatanong kayo kung bakit walang mga manong guard na nakatambay sa gate ng school ay dahil sa umiikot sila ngayon sa elementary department. Hindi naman talaga ako masyadong marunong nito slight lang, natuto lang ako nito dahil sa pagmamasid.
"Ang boring naman dito Elie wala na ba tayong ibang gagawin kung hindi ang maglaro nito?" Tumitira lang naman ako dito habang siya ay nakatingin saakin.
"Ano pa ba ang gusto mong gawin? wala na akong ibang maisip Ysay ang mahalaga ay nakatakas tayo sa teacher natin walang ibang gusto gawin kung hindi magpasulat at magpa-explain" paliwanag ko sa kanya habang ang bolang nilalaro ko ay nakapasok na. Hindi ko naman ugaling mag-cutting talaga pero may mga teacher na ang tamad magturo kaya mas okay na mag-cutting na lang kami pero wag niyo kaming gagayahin ni Ysay.
"Elie andito si Marquis mukhang hinahanap ka ata halika bilis magtago tayo baka isumbong tayo niyan kay Dean" Shit, eto na naman siya ano ba talaga kailangan nito nakakainis na.
Yumuko ako at tumingin kay Adiel kung saan siya nakatingin habang may kausap siya ay unti-unti kaming bumababa sa hagdan ng GIP at dumiretso ng plaza para magtago at kumain. Umorder kami ng kwek-kwek at syempre ng buko juice, ang sarap talaga nito kahit ito lang mabubuhay na ako.
"Bakit ka ba hinahanap noong Marquis na iyon Elie baka mamaya may hindi ka sinasabi saakin" Hindi sinasabi eh wala nga rin akong alam kung bakit ako hinahanap ng mokong na iyon hindi naman kami close at magkakilala feeling close pwede pa.
"Hindi nga ewan ko ba doon wag mo na lang pansinin, okay?" Tingin ko sa kanya habang siya ay hinihihawalay ang balat na kulay orange sa itlog, ang arte naman nito pwede naman isubo na lang lahat pero syempre joke lang yun.
"Anong hindi papansinin eh kanina bago tayo lumabas ay tinitingnan ka niya na parang may ginawa kang malaking kasalanan" Nakakainis talaga yung Marquis na iyon sa araw-araw ba naman na pumapasok ako sa unibersidad ay ngayon niya lang ako pinapanasin ng ganito, sabagay kailangan ka lang naman nila kapag may kailangan sila. Ay hugot na ba to.
"Hindi ko alam saka hindi ko na rin problema iyon ang mahalaga ay nakatago ako saka baka mangungutang lang iyon saakin wala naman akong pera" saad ko.
"Hello, walang pera eh ang yaman yaman niyo kaya kayo kaya ang may pinakamaraming food of chains, may kompanya at may sariling gas station saan ka pa? kaya nga kaibigan kita eh" inggrata talaga tong babae na to. Well, hindi naman ako mayaman sa magulang ko iyon.Gusto ko rin na ako mismo ang magpapa angat ng sarili kong pangalan hindi dahil sa mayaman kami at marami kaming kompanya kundi dahil sa magaling din ako. Minsan, kailangan lang natin na magtiwala sa sarili natin na kaya natin at hindi umaasa ng tulong sa ibang tao.
"Mayaman ka diyan hindi ako mayaman sa magulang ko iyon na pera kayo rin ah mayaman kayo may sarili kayong mall, food of chains at airport mas mayaman kaya kayo kaysa sa amin" tinaasan niya lang ako ng kanyang magandang mata at tinarayan. Mag business partners ang mga magulang naming kaya kilala na naming ang isa't-isa.
"Elie kapag sinabi ko na tumakbo ka tumakbo ka ha" Nalilito ko na tiningnan si Ysay bakit may marathon ba?
"Bakit? anong meron? bigla mo ba akong isinali sa marathon at ngayon ko lang nalaman yan" Natatawa kong tiningnan si Ysay na nakatingin sa likod ko.
"Basta tumakbo ka na lang isa, dalawa tatlo tumakbo ka na Elie" Tumingin ako sa likod ko at Nakita ko si Adiel na tumatakbo papunta sa pwesto namin.
Andito na naman siya "Bakit ngayon mo lang sinabi Ysay?" Tumatakbo ako habang sumisigaw kay Ysay "Kita na lang tayo mamaya sa next class" Binilisan ko ang takbo hanggang sa lumusot ako rito sa bichara, nakakahiya ang daming nakatingin. Binilisan ko ulit ang takbo ko hanggang sa nakalusot ako sa maraming tao at nahagip ko ng tingin si Adiel na malapit niya na akong masundan.Tumakbo ulit ako hanggang sa makarating ako sa harap ng Master Square mga bilihan ng gamit at groceries. Tumingin ako sa likod ko at nakitang hindi ako nasundan ni Adiel buti nga sa kanya. Nakakapagod pala tong marathon na nasalihan ko hindi ako na inform. Lumingon ako sa likod ko ng nakitang hindi pa rin ako nasundan ng Marquis na iyon.
Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako ng LCC supermarket, yup marami talagang market dito sa Naga City. Bumili ako ng paborito kong ice cream na cookies and cream sobrang sarap lang talaga nito. Kukuhain ko na sana ang binili kong ice cream ng biglang may bumulong saakin.
"I got you" Kinilabutan ako sa boses niya akala ko ba naiwala ko na ito at hindi na ako nasundan.
"Ano ba Marquis ano ba ang kailangan mo saakin?" Unti unti niyang kinuha saakin ang hawak ko na ice cream at unti-unti niya rin akong inakbayan.
Tiningnan niya lang ako at parang may sinasabi ang nakakainis niyang mukha na shut up let me eat this ice cream first.
"Teka lang ha chansing ka na kasi saka bakit ba ang lapit mo saakin at kinain mo pa talaga ang paborito kong ice cream mahiya ka naman" bulong ko sa kanya habang siya ay hawak pa rin ang ice cream at sinusubo ito sa bibig niya bakit ganon bakit parang ang sarap kapag galling sa bibig niya, charot!
"Let's talk may kailangan akong sabihin sayo" bulong niya ulit saakin.
"At anong kailangan nating pag-usapan? Unang una hindi tayo close at hindi tayo magkakilala" Sigaw ko sa kanya at bigla na lang tumngin sa amin ang mga tao.
"Let's talk somewhere in private or tayo lang dalawa or gusto mo dito na lang" he smirked at yung puso ko bigla na lang nahulog at syempre charot lang.
"Anong somewhere somewhere in private ka diyan dito mo na lang sabihin at ayokong makasama kita kahit saan na lugar" tiningnan ko siya ng masama.
"You need to marry me or I will tell your parents that you are cutting classes to your class" bulong niya ng madiin saakin at bigla na lang dumilim ang paningin ko at sinipa ko ang kanyang kinaiingatang yaman at tinulak ko siya.
Tumakbo ako at sumigaw siya ng "Papakasalan mo ako kahit ano man ang mangyari" Tiningnan ko siya at nakita ko ang nagmamayabang niyang mukha. Wala akong pakialam kung marami na ang nakatingin saakin. Tumakbo ako hanggang sa nakalayo na ako kung nasaan siya.
