Bored akong bumaba sa hagdanan.
Papasok ako ngayon. Mabuti na lamang ay hindi na gaanong pugto ang mga mata ko at hindi nadin ako nahihilo.
Naabutan ko si Kuya na nag aantay sa hamba ng pintuan ng dining area.
Nang makita nya ako tumayo sya ng maayos.
"Casey kumain ka muna bago ka umalis"
"Hindi ako nagugutom"
He pinch his nose bridge at madiin na pinikit ang mga mata bago nagmulat at huminga ng malalim.
"Look I'm sorry.. I'm sorry for lying to you pero wag naman ganito Casey. Wag mo akong saraduhan"- frustrated na sabi nya.
"Masaya kaba kuya?"
Napansin kona man ang pagkunot ng noo nya.
"Masaya saan?"
"Sa pagbabago ko. Hindi nako nakikipaglaro diba?, pero dahil sa ginawa nyo narealized kona sana hindi ako nakinig sa inyong dalawa"
"Casey don't be mad at her"
"And now you're defending her?, Bakit ano bang koneksyon nyo sa isa't-isa?"
Ginulo ni Kuya ang buhok nya.
"She's a friend of mine. We met each other in abroad. Look, wala sa plano nya ang lokohin ka pero nandun na e. Pinangatawanan na nya ang magpanggap na mag aaral ng university na kalaunan ay pwede nyang manahin"
"Wala na akong pakialam. Aalis nako"
Tinalikuran ko si Kuya pero bago ako tuluyan lumabas nilingon ko ulit sya.
"Don't expect me to be kind to her after all of these. I still hate the both of you"- I said bitterly
"It's all my fault. Sa kagustuhan kong tumino ka---"
"Pero it doesn't change the fact na niloko nyo ako.Pinaniwala na lahat ay totoo pero simula umpisa nakaplano na pala!!"
Pabalibag kong sinara ang pintuan at nagtungo ako sa kotse ko.
I'm still mad.
Nagdrive na ako papuntang school at pagdating ko duon nagulat ako ng kalat na sa buong campus na ang so called Red nila ay apo ng may ari ng school na ito.
Hindi ko alam kung sinong nagkalat pero wala na akong pakialam.
Sa buhay ko ako ngayon magfofocus.
Pumasok ako sa classroom at naupo sa pwesto ko.
Pansin ko ang mga nagtatanong na tingin ng barkada.
"Wala akong alam at wala akong pakialam"- malamig na turan ko at hindi na sila pinansin lahat.
Badtrip!, Wag na wag lang talaga may kumausap sakin at baka sa kanila ko mabaling ang galit ko.
Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Liam.
"Anong kailangan mo?"
Humarang kasi sya sa dinadaanan ko.
"Ano kasi.. Ate Red wanted to talk to you"
"Pakisabi hindi na kailangan"
Lalagpasan kona sana sya ng humarang ulit sya sa dadaanan ko.
Para tuloy kaming nagpapatintero.
"Look hindi ako matanda gaya ng iniisip mo. I'm just 21. At sinusunod ko lang ang utos nya sakin bilang mas matanda sa akin"
"Wala akong pakialam"
BINABASA MO ANG
The girl with a red hair
Ficção GeralIT'S A SHORT STORY ! Red is not your typical type of girl. She's cold and distant but despite of that, everyone around her wanted her to be theirs. What they don't know is that she already set her eyes to that clumsy beautiful girl on their neighbor...