Panaginip

37 6 0
                                    


Sa pagsikat ng araw ay minulat ang mga mata

At muling napagtantong wala ka na nga pala

Sa aking pagtulog ay muli kang nakita

Ngunit paulit-ulit isinasampal na hanggang panaginip lang talaga.

------------------------------------------------------------

Di makatulog kakaisip kung ano ang dahilan

Kung bakit tila ba nagmadali ang  ating orasan

Kung bakit hanggang ngayon ako'y di makaahon sa nakaraan

Patuloy na naglalayag sa dagat ng kalungkutan.

------------------------------------------------------------

Lahat ng sakit ay pinapaalala sa akin ng umaga

Tanging sa panaginip lang ang tagpuan nating dalawa

Minsan nga'y hinihiling na sana'y hindi na muling gumising pa

Na sana'y haharapin ko ang bukas na ikaw ay akin ding makakasama.

------------------------------------------------------------

Tinatanong ang sarili kung ano nga ba ang pakiramdam

Yakap at haplos mo ay ang pinaka-inaasam

Siguradong pagkasabik ko'y hindi nila alam

Nais kang makasama ngunit mahirap ding mamaalam.

------------------------------------------------------------

Ano nga ba ang pakiramdam na kahit pagod ay makakahanap ng pahinga?

Na kahit malungkot ay magkakaroon ka ng saya't pag-asa?

Na kahit mahirap ang sitwasyon ay may mayayakap at may matatawag kang "ama"

Sana'y meron din ako, kahit man lang mapanghahawakang alaala.

------------------------------------------------------------

Sadyang mananatiling pangarap kung hihintayin kitang bumalik

Kahit pa lumipas na ang panahon ay hindi nabawasan ang aking pagkasabik

Alam ko namang balang-araw ay magkikita tayong muli

At sa panahong iyon ay hindi na sa isang... panaginip.

Enit-sirhC

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon