Simula

11 3 1
                                    

Kabanata I

"Lila! May balita sayo!" dinig na dinig sa loob ng bahay ang boses ni Mia kahit pa nasa kalsada pa lang ito.

May Rianne Apostol, ang nag iisang kaibigan ko.

Tsk. Napaka ingay talaga ng babaeng ito kahit kailan.

"Ano na naman ba iyan?" Sigaw na tanong ko kay Mia.

Nasa kusina ako ngayon upang magluto ng aming hapunan, at ang walang hiyang babaeng 'to bigla na lang ipinasok ang maduming tsinelas sa aming sala!

"Sorry ipinasok ko na, tutal maglilinis ka rin naman ulit mamaya hindi ba?" nakangising sagot niya sakin ng makitang masama ang tingin ko sa kanyang tsinelas na puno ng alikabok at putik!

Ang gandang babae pero napakabalahura naman.

"May bago akong raket ngayon linggo, sasama ka ba?" Dagdag pa nito habang pinapampag ang kanyang shorts bago maupo sa aming upuan na gawa sa kawayan. 

Mahirap lang kami kaya hindi namin afford bumili ng malalambot na sofa para sa aming sala. Kuntento na kami sa upuang gawa sa kawayan.

Maraming pinagkakaabalahan itong si Mia. Since hindi na kami nag aaral, naghahanap nalang kami ng pagkakakitaan para magkapera.

"Anong raket ba iyan? Mamaya katulad naman yan noong mga napapalabas sa tv na masamang gawain!" sagot ko rito at pinupukol siya ng masamang tingin. Ang tinutukoy ko ay ang madalas mapabalita sa telebisyon patungkol sa mga krimen katulad ng pagbebenta ng droga at prostitusyon.

"Ano ka ba yan! Hindi naman ganon ang trabahong inaalok ko 'no!" pahisteryang sagot nito.

"Alam kong maganda ako pero hindi naman gan'on ang mga trabahong gusto ko. At alam kong mahirap lang tayo pero choosy pa rin ako sa trabaho. Nakakaloka ka!" dagdag pa nito sa naunang sinabi.

Totoong maganda si Mia. Ang maiksi at kulay itim nitong buhok na may highlights na kulay brown na umaabot lamang sa kanyang baba ay lalong nagpapa angat sa kanyang maamong mukha. Makinis ang kanyang mukha at bihira lamang tubuan ng tigyawat. Makapal ang kanyang kilay na bumabagay sa bilugan nitong mga mata at may katangusan ang kanyang ilong. Mapula ang kanyang labi na lalong nagiging pula dahil sa shade ng lipstick na gamit nito. Morena ang kulay nito na lagi kong kinaiingitan.

Hindi gaya ni Mia, maputi ang aking kulay. Kahit pa magbilad ako sa araw ay mamumula lamang ako ngunit hindi magbabago ang kulay. Makapal ang kulay itim na buhok na umaabot na sa aking bewang. May kakapalan ang aking kilay at bilugan ang kulay abong mga mata. Matangos din naman ang ilong ko at may kulay pink ang labi. Hindi ako mahilig sa mga kolorete kaya madalas akong sabihang may sakit dahil walang  kulay ang aking mukha.

Sabi ni tatay kamukha ko raw ang aking ina, half spanish at pilipino ang aking ina habang si tatay naman ay purong pilipino. Isang prostitute sa bayan ang aking ina. Nang malamang buntis ito ay tumigil na siya sa kanyang trabaho at sumama kay tatay. Pero pagkatapos akong ipanganak ay bigla na lang umalis at sumama sa isang mayamang lalaki. Hindi ko alam kung totoo bang kamukha ko siya dahil hindi ko pa naman nakikita ang babaeng iyon.

"So, ayun na nga. Ang sinasabi kong raket ay ang pagiging waitress sa gaganaping okasyon sa bayan. Isang gabi lang naman yun pero medyo malaki ang bayad!" nakangiting paliwanag nito. Tila nasa isip na nito na papayag ako sa offer niyang trabaho.

"Magkano naman?" tanong ko habang inaayos ang mga nagulong unan dahil sa pag upo niya.

"500 daw sabi ni Berta, ano payag ka? Sama tayo?" halata sa boses nito ang pananabik malaman kung sang ayon ba ako.

Napabuntong hininga na lang ako daw malaki nga naman ang sweldo lalo at isang gabi lang iyon. Ngunit hindi pa ako sigurado kung papayagan ba ako ni itay.

"Mia, hindi ko alam kung sasama ako, hindi pa ako nakakapag paalam kay tatay." sagot ko sa aking kaibigan.

"Gan'on ba, sige hihintayin ko nalang ang text mo mamaya. Magpaalam kana agad sa tatay mo para masabi natin ng mas maaga kina Berta. O siya, mauna na ako kung gan'on." tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay

"Sige. Mag iingat ka." ganting paalam ko kay Mia.

Nang makalabas ng bahay si Mia ay ipinagpatuloy ko na rin ang aking pagluluto.

--

Hindi ko alam kung anong outcome nito haha. Anyways, please VOTE and COMMENT. THANKYOU ❤

CEO's Nasty AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon