Kabanata II

8 3 0
                                    

Kabanata II

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan habang naghahapunan kami ni tatay. Gusto kong sabihin sa kanya ang trabahong nabanggit ni Mia, ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.

"May sasabihin ka ba?" tanong ni tatay sakin.

"A-Ahm.. k-kasi 'tay may trabahong inaalok si Mia kanina, sinabi ko pong mag papaalam muna ako sayo." pautal kong sagot sa aking ama.

"Anong klaseng trabaho iyon, Violet?" tanong ni itay sa mababang tono.

"Waitress daw po sa isang okasyon sa bayan, 'tay." mahinang sagot ko dahil sa kabang nararamdaman.

Nagkaroon ng katahimikan pagkatapos kong sumagot sa tanong ni itay. Mas makadagdag pa sa aking kaba ang mapanuring titig ni ama. Mukhang hindi niya ako papayagan sa uri ng pagtitig niya.

Mabait si itay sakin, sa katunayan lahat ng hilingin ko ay ibinibigay niya. Ngunit isa sa mga ayaw niya ay ang magtrabaho ako kaya lagi akong kinakabahan tuwing magpapaalam dahil baka hindi siya pumayag.

"Alam mong ayaw ko ang nagtatrabaho ka, anak. Ikaw na ang gumagawa ng mga gawaing bahay at alam kong nakakapagod iyon." sagot ni tatay.

"Pero 'tay okay lang po ako.Sayang din naman po kasi yung kikitain ko kapag nagkataong sasama ako kina Mia."

Bumuntong hininga si tatay bago sumagot.

"Pasensiya na anak kung nagkukulang tayo sa pera. Maliit lang din kasi ang kita ko sa pagbebenta ng gulay sa palengke. Kasya lang sa pang araw-araw natin dito sa bahay." mahinang sambit nito.

Dahil kaming dalawa nalang sa buhay, gusto niyang siya ang maghanap buhay para sa aming dalawa. Ayaw niyang magkaroon ako ng mabigat na trabaho dahil ayaw niya akong mahirapan. At isa pa,  alam kong nakikita niya sakin si inay. Tsk. Kahit iniwan na kami ng babaeng iyon mahal parin siya ni tatay.

"Sige papayagan kitang sumama pero umuwi ka rin ng maaga at huwag kang magpapagod doon." pagsang ayon ni tatay.

Nagulat ako sa kanyang pagsang ayon kaya hindi ako nakasagot agad. Buong akala ko ay hindi siya papayag!
"Basta mag iingat ka roon at huwag kang lalayo sa mga kaibigan mo. Maliwanag ba, Lila?"

Si Mia lang naman ang kaibigan ko dito. Sa isip-isip ko.

Well, dati marami akong kaibigan. Pero nang malamang anak ako ng prostitute ay bigla nalang silang lumayo sakin. Kung makalayo sila parang may nakakahawa akong sakit.

At isa pa, madalas akong pag tsismisan dito. Na dahil anak ako ng prosti ay gagaya na ako sa nanay ko. Like wtf?! Alam kong maganda ako pero hindi pang prostitute ang mukhang ito no!

At oo nga pala, madalas din akong pagbintangang umaagaw ng boyfriend. Gaya ng ex-friends ko, naghiwalay sila ng boyfriend nila at sinisisi nila ako kung bakit sila naghiwalay. Like may paki naman ako sa kanila e ang chaka nila!

Kaya si Mia lang ang masasabi kong kaibigan ko dahil hindi niya ako hinuhusgahan, minsan nga siya pa nagtatanggol sa akin.

"Opo 'tay!" sagot ko habang may ngiti sa labi.

Hindi na ako magtataka kung hindi alam ni tatay ang mga tsismis tungkol sakin. Maliban sa nirerespeto si tatay ng mga tao rito, takot silang makarating kay tatay ang usapan dahil alam nilang magagalit ito.

Pagkatapos kumain at agad akong nagligpit ng pinagkainan bago pumanhik sa kwarto upang maghanda ng matulog.

Bago matulog ay nagtext muna ako kay Mia upang ipaalam ng pagpayag ni tatay.

Maagang umaalis si itay upang magbenta ng mga gulay sa palengke, madilim pa lang ay wala na siya sa kanyang kwarto dahil bago magpuntang palengke ay nagpupunta muna siya sa bukid upang manguha ng kanyang ibebenta. Sa hapon ay madalas si itay sa bukid upang tignan ang kanyang mga gulay at umuuwi lamang kapag oras na ng hapunan.

Mas maaga akong gumigising upang ipaghanda siya ng makakain bago magpunta sa palengke, naghahanda rin ako ng kanyang magiging tanghalian dahil minsan ay umaabot siya ng tanghali sa pagpapaubos ng kanyang benta. Pagputok ng haring araw ay saka na ako nagsisimula sa gawaing bahay. Simula magkamuwang ako ay iyan na ang aking aking ginagawa.

Maliban kay inay at sa akin ay wala ng naging babae sa buhay ni tatay kung kaya nasanay na ako sa mga gawaing ito.

Nagwawalis ako sa likod bahay ng marinig ko ang boses ni Mia sa aming gate, katatapos lang ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya nagpasya akong maglinis sa likod bahay dahil sa mga nagkalat na dahon ng mangga.

"Lila?! Nandito na ang uniform na susuotin natin para sa linggo!"

"Teka sandali!"

"Nasan ka ba?"

"Punta ka nalang dito sa likod. Iwan mo nalang sa may sala yang uniform!" sigaw ko upang marinig ako ni Mia.

Ilang minuto ay nasa harap ko na si Mia. Ang maiksing buhok nito ay ngayo'y may mga hairclip sa magkabilang gilid upang hindi matabunan ang kanyang mukha. Walang make up ang kanyang mukha ngayon at nangyayari lang 'yon kapag wala siyang lakad sa buong maghapon.

Patuloy ako sa pagwawalis habang tahimik naman si Mia sa ilalim ng puno ng mangga. Nagmadali akong tapusin ang pagwawalis upang masamahan ang siya roon.

Ilang minuto na kaming nakaupo ngunit wala pa ring imik si Mia. Feeling ko may problema ang babaeng 'to.

Likas ang pagiging madaldal niya to the point na lahat ng mapapansin nito kahit na maliit lang na bahagi ay may masasabi niya, kaya nakakapagtaka ang katahimikan niya ngayon.

"May problema ba, Mia?"

Tinignan lang niya ako at lumipas ang ilang minuto bago sumagot.

"Ano kayang feeling ng nakapagtapos ng kolehiyo?" tanong niya.

"Hindi ko rin alam. Magtatanong ka e pareho tayong hindi nakapagtapos." sagot ko sa kanyang tanong.

Mapait akong ngumiti sa kaibigan dahil pareho kami ng nararamdaman. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi kami nakatapos ng kolehiyo. Nakapag aral naman kami kaya lang dahil nga mahirap lang kami patigil tigil kami sa pag aaral hanggang sa tuluyan na kaming nag stop.

"Kaya ako humahanap ng maraming raket upang makapag ipon para makapag kolehiyo ulit." sambit ni Mia.

"Gusto kong maging guro. Sayang 'no? graduating na sana tayo ngayon kung hindi tayo tumigil. Itutuloy mo ba ang course mo dati? Nursing hindi ba?" dagdag pa ni Mia sa naunang sinabi.

"Sana, kung may pera lang bakit hindi? Kaya lang naaawa rin ako kay tatay, kulang pa sa amin yung kinikita niya e. Ayaw ko ng dumagdag sa mga gastusin niya." tanging sagot ko nalang.

"Sabagay. Bakit kasi ipinanganak tayo na mahirap!" sagot niya habang ginugulo ang kanyang buhok.

Natawa nalang ako sa ayos niya. Mukha siyang sinabunutan dahil sa sobrang gulo ng buhok niya.

"Huwag kang mag alala, kapag ako naging guro, mangongotong ako sa mga bata para yumaman tayo, HAHAHA!" birong sabi nito.

May saltik talaga itong babaeng ito. Tsk. Ngunit alam kong hindi gagawin ni Mia iyon. Mas gugustuhin niya pang magutom kaysa gumawa ng hindi tama para magkapera.

Sana nga matupad natin lahat ng pangarap natin, Mia. Magsisikap talaga ako upang umangat sa buhay.

Darating ang araw, makakapagtapos ako. Magiging mayaman ako! Nakakasawa kaya maging mahirap. Tsk.

CEO's Nasty AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon