CHAPTER TWO

32 3 0
                                    

SCAR

"Ano nanaman kaya ginawa ni Zailee doon at napasigaw siya?" Tanong ko, but both of them just shrugged their shoulders. "Baka may nakitang daga? Like yung nangyari dati!" Sambit ni Luna at tumawa ng malakas. Itong batang 'to.

"A-argh..." napalingon kami ni Luna kay Blaze, nakakunot yung noo tapos pumapawis. "Kad— Blaze, okay ka lang!?" Nag-p-panic na tanong ni Luna at lunapit sa kanya. Lumapit din ako sa kanya. "Best par—"

"Something will happen any second now. Stand up!" Kahit parang gusto na niyang mahimatay, tumayo parin siya at tinignan ako ni Luna bago siya tumayo. I signaled her to do so and stood up din when she did.

"Hoy Blaze, nanakot ka nanaman! This is making me—"

"Aaaaaah!" We stared at each other, oo kaming tatlo, nung narinig nanaman namin yung sigaw ni Zailee.

"Anak ng—" mura ko sana kaso nawala yung kuryente bigla. Dali-dali kong kinuwa yung cellphone ko sa aking bulsa at binuksan ang flashlight no'n. Kitang-kita ko si Luna na yumakap kay Kaden at parang gustong umiyak habang si Kaden naman ay nakakunot-noo parin.

"Pumunta tayo sa Quarters natin! Bilis!" Sabi ko at hinila si Luna pati Kaden. "Luna, stay beside Kaden!" Good thing the phone's flashlight guided us patungong Quarters. Nung nakarating kami sa Quarters ay binuksan ko yung pintuan.

"K-kuya Dmitrivio!" Sigaw ko nung nakita ko siya, hawak-hawak si Ate Hera na nawalan ng malay. "Oh, kids! Okay lang ba kayo!? Nag brownout dito at bigla nalang nahimatay si Maria. Buti nalang at katabi ko siya. And good job, you brought your flashlight." Sabi niya at umupo malapit kay Ate Hera. I mean, nakahiga ngayon si Ate sa couch ng Quarters namin pero wala parin siyang malay.

"Ang suspicious po eh... never naman nawalan ng kuryente itong agency na 'to, 'di ba? Paano nalang po yung ibang trainors, what if po nag-p-panic din po sila? Anong mangyayar— Oh my gulay kuya Blaze!" Hindi natuloy ni Zailee yung sinabi niya nang nawalan din ng malay si Kaden.

Teka, nawalan ng malay si Kaden!?

"Tulungan niyo po kami!" Wika ni Luna. "Luna, ako nalang niyan. Manatili ka sa tabi ni Zailee." I ordered, at ginawa niya rin. Tinulungan ako ni Dmitrivio pati Isaiah sa pag-dala ni Kaden at doon nalang katabi ni Ate Hera.

"Rold, sana hindi rin ako mawalan ng mala—"

"Hala! Yes! And at last I see the light~" umawit si Luna at pinagalitan ito ni Zailee. Wala na yung brownout. May liwanag na. Basta 'yon!

"Scar, call the other trainees. You have their numbers right? The newbies." Tanong ni kuya Dmitrivio sa akin at tumango ako. Tinawag ko si Kai Akiyama at thank you rold, sumagot siya.

"What is it, Scar? Okay lang ba kayong lahat diyan?" I hummed in response. "Ah, Kai. Can you tell the other newbie trainees— yung boys ah!— na pumunta dito sa Quarters ng Quadrumvirate? We need four or more..."

"Yeah, yeah. Okay!"

"Thank you!" Pinatay niya agad yung tawag. "Sabi ni Kai na pupunta na raw sila dito." kahit wala talaga siyang sinabi na papunta na sila dito...

Tinignan ko phone ko nang nag-vibrate ito

MESSAGE FROM USER akiyamugh

OPEN | REMOVE

hello, bunny kai speaking

papunta na sila diyan !!

okay thank tou ulit ah!

you*

mahal ka talaga ng typo

balakajan

I shove my phone back to my pocket. Okay, hindi na talaga scam yung papunta sila rito.

"A-aray..."

"Mother Trainor! Okay ka na ba!?" Lumapit kaming lahat kay ate Hera, who is blinking her eyes. Para ata ma regain vision niya.

Rold! Speaking of vision... yung Vision ata ni Kaden ang rason kung bakit siya nahimatay kanina! I'll talk to him later kapag gising na siya. Nako, bes par..

"Ito Maria oh..tubig." Sabi ni Isaiah at umabot si Dmitrivio sa baso ng tubig at binigay ito kay Ate Hera. "Inom ka ng tubig para mapa sa'kin ka"—nag-ayiee kaming lahat—"Pero siyempre biro lang, in-love ka parin sa ex mo." Binatok ito ni Ate Hera at tumawa naman ako ng malakas. Ah, adults.

Ano kaya feeling kapag in-love ang isang tao?

"H-hello po... balita po namin ay nawalan ng malay si Mother Trainor kaya nandito po kaming tatlo..." may tatlong lalaki na nasa tapat ng pintuan.

"Ah, oo. Salamat, boys! Please carry Mr. Parker papunta sa clinic natin. You'll receive a great bonus for volunteering, boys!" Tumayo si Dmitrivio at pumalakpak. Eh?

"Ay.. actually po umangal kami kaso pinagalitan kami ni Kai at hahamon ng boxing match kapag aangal kami... tapos siyempre...takot kami. Hehe..." wika ng newbie number two. Wow, lalaking-lalaki sila pero takot kay Kai?

"Angas! Yun talaga yung sinabihang 'Girls rule the world'!" Sabi ni Luna na abot tenga yung ngiti.

"Eh? Sino nagsabi niyan? Wala 'di ba?" Inis na tanong ni Zailee. Nakasimangot naman si Luna. "Ako!" Tumawa ang dalawang babae.

Kelan pa kasi mabuhay si bes par ulit....

Hindi ko namalayan na dinala na pala ng boys si Kaden sa clinic. Umupo ako kung saan umupo si Kaden kanina. Oo na, alam kong ayaw niyang tawagin namin siya ng Kaden pero ako bes par niya, since kindergarten ako nag 'Kaden' sa kanya.

"Hey. I'm home." Nagulat ako nang biglang may nag salita. Lumingon ako at..ay owow! Nandito na si kuya Ash!

"Idol Ash!" Sambit ko at ngumiti. Nakipag high five siya sa akin. Idol ko talaga!

"Maligayang pag dating, Ash." Natatawang sabi ni Isaiah. "Ayan ka nanaman. Maligayang pag dating nga, kaso may bad news ako." Wika ni Kuya Ash.

Tumahimik kaming lahat. "A-ano 'yon?" Tanong ni ate Hera.

"Teka...ano ito?" Tanong ni Dmitrivio at kinuha yung papel na nasa table katabi ng couch.

"Basahin mo, Dmitri...."

"There's one agent there who is also working in my company. Good luck, SPECERE. Your downfall is coming."

THE VISION
E N D O F C H A P T E R T W O

THE VISIONWhere stories live. Discover now