Chapter 31

502 25 2
                                    


"Dito po ma'am. Tamang-tama lang sa iyo ang laki ng lugar, tahimik pa at malapit sa dagat," masiglang sabi ni manang Liz, ang dating kasambahay namin.

Napilitan akong ibenta ang aming lupain matapos ang nangyaring trahedya. I can't live there anymore, patuloy ko lang maaalala ang nangyari.

At kahit ayaw ko man, kailangang umalis ng mga kasambahay. Pero binigyan ko naman sila ng sapat na pera para makapagsimula ng negosyo. Kaya ito, nagpagawa si manang ng apat na bahay paupahan.

Lucky enough, I still had her number. Hindi na ako nag atubili pang tawagan siya para humingi ng tulong, walang pagdadalawang isip naman itong pumayag. Siya at ang binatang anak niya na mismo ang sumundo sa akin sa terminal ng bus.

Nagawa kong iwala sina Fergus kanina. Mabuti at hindi nila ako naabutan bago pa man makarating sa syudad. I am sure they are tracing me now. But I got my friends back. Tamang arte lang nilang dalawa, siguradong makakalusot kami. Nasabi ko na sa kanilang si manang ang una kong tatawagan. They had her contact number too, so checking on me will never be a problem.

As for the car I stole, iniwan ko ito sa terminal. Samantalang ang telepono'y sinira ko naman at itinapon sa basurahan.

"Salamat po manang. This is not a free stay, babayaran kita-"

"Naku, huwag na po," ilang ulit itong umiling.

"Negosyo mo po ito."

"Dahil naman sa iyo kaya nakapagpatayo ako ng ganito ngayon. Huwag ka na pong magmatigas ma'am. Libre lang itong pagpapatira ko sa iyo, basta ipangako mo lang na magiging maingat ka."

Hindi lingid sa kaalaman nito ang gulong pinasok ko. Napilitan akong aminin sa kanya ang totoo, dahil ayaw tigilan sa pagpapaulan ng mga tanong.

"Opo, pinapangako ko iyan," itinaas ko ang aking kanang kamay.

Pareho kaming napalingon kay Lukaz habang naglalakad ito palapit, dala ang susi ng bahay na tutuluyan ko. He was wearing white shirt and khaki shorts. Malaki at maganda ang hubog ng katawan niya. He has thick brows, pointed nose, thin lips, mapupungay at sa parehong pagkakataon ay mapanganib ang pares ng kulay-kapeng mga mata. His curly black hair was slightly disheveled, and his golden colored skin made him look stunning under the setting sun.
Hindi maipagkakaila ang kanyang kakisigan at kagwapuhan. Manang-mana lang sa kanyang ina na halatang nagsusumigaw din sa ganda noong kabataan.

He opened the door for me. Siya na rin mismo ang nag ayos ng mga kagamitan para sa akin. Inilagay nito sa tamang pwesto ang mga pinagdugtong na upuan , saka inalis ang mga telang nakatabon sa mesa at lagayan ng iilang kubyertos.

Si manang Liz naman ay dumiretso sa kwarto upang ayusin ang kama.

"You don't need to do this po," nahihiya kong usal.

Nakikitira na nga lang ako, magpapasilbi pa. Parang ang sama namang pakinggan.

"Naku, ayos lang sa amin anak."

Anak.

It's been a while since I heard someone calling me that. I suddenly remember my parents.

"Sige na nga po."

Wala akong ibang nagawa kundi ang hayaan sila sa kanilang gusto. Tumulong na rin ako sa pagtutupi ng mga tela. Mabuti at marunong naman. I am not that useless afterall.

Lihim kong pinasadahan ng tingin ang paligid. It was a bamboo house, decorated with shells as a curtain. Gawa sa kahoy ang mga mesa at upuan, sa dingding naman ay may iilang nakasabit na litrato ng mga bulaklak at isda. Hindi gaanong kalakihan ang lugar, sapat lang para sa akin. Mula sa sala, may kusina at dining agad sa gilid, saka dalawang kwarto naman sa kanan.

Body In Exchange (Book 1 of Exchange Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon