Ohh sht!!! Nakalimutan ko na naman I.D ko. Patay na naman ako nito kay kalbong guard na feeling principal, tsk!"Mico, dala mo ba yung isa mong I.D lace?" tanong ko kay Mico a.k.a Mica. Minsan narin naman nito ma-try makalimot ng I.D kaya bumilli ito ng extra I.D lace sa may 'coop.'
"Andito ba yon?... Ay, oo wait lang!" sabay halungkat nito sa pinakailaliman ng bag nitong parang pang construction worker. Ano ba yan, napakaburara naman nitong baklang to! "Oh eto, arkilahin mo muna. Limang piso hanggang mamayang uwian na." seryosong sambit nito na ikinakunot nang nuo ko.
"Seryoso!? Mico bente nga lang baon ko eh. Libre muna aking napakagandang kaibigan sa buong world." pang uuto ko dito. Uto-uto to sa jowa niyang gago eh, try ko lang kung mauuto ko hehe.
"Ako lang kaibigan mo, shunga! Pero sige papahiram ko sayo ng libre, pero...pakopya muna assignment mo sa t.l.e, science, math. Ano deal!?" hamon sa 'kin ni Mico. Tsk!
"Oo na. Oo na. Bilisan mo na magagalit na si kalbo." sabay baling ko sa guard na ma attitude, attitude ka ghOrl?!o_O .
Sinuot ko na yung lace na walang I.D sabay suot ng bag ko nang paharap.'Di naman ako nasita ng guard na attichoda. Sabay na kaming pumasok sa classroom ni Mico dahil mag kaklase naman kami. Paupo palang ako ng mapansin ko ang nakakaasar na tingin ng mga klasmeyt kong hambog. Sinalat ko muna ang upuan para masigurado, pero pagkasalat ko biglang dumikit yung kamay ko sa upuan na may double-sided tape! Napapikit ako ng mariin. Nagtitimpi. Okay, Denise. Inhale.. exhale.. inhale.. exhale.. argghhhh nakakapikon!!!
"Ow! Mukhang may problema ang ating dakilang anak sa labas oh." pang-aasar ni Stella. Sabay-sabay nagtawanan ang mga hambog kong klasmeyt kaya napabaling sa akin ang nag seselpong si Mico. Ewan ko ba, dati marami naman akong kaibigan kaso nung nalaman ni Stella na anak ako sa labas pinagkalat nito. Kaya ayun nawalan ako ng kabigan...kung kaibigan nga ba talaga!?... Si Mico lang ang nakilala ko na tunay, kaya pinang hahawakan ko ang pag kakaibigan namin.
"Oh, anyare sayo Denise?" tanong sakin ni Mico habang magkasalubong ang kilay."Hoy! Wala ba talaga kayong magawang matino sa buhay. Para kayong walang pinag-aralan!" sigaw nito sa mga klasmeyt namin. Laking pasalamat ko talaga na naging kaibigan ko si Mico, kaso ayaw kong nadadamay ito sa away ko. Hinawakan ko ang kamay ni Mico para patigilin na lang ito. Kaya ko namang labanan ang mga ito dahil tinuruan naman ako ng aking namayapang lolo na nag t-taekwondo. Pero 'di ko na lang pinapansin ang mga ito para 'di na lumaki pa ang gulo.
Hinayaan ko nalang ang mga ito. Dumating na rin ang teacher namin at nag discuss na. Mabilis lang natapos ang oras ng mga sumunod na subject kaya break time na.
"Lika na, baba na tayo Den." yaya sa 'kin ni Mico matapos nitong mag pulbo at lip tint.
"Ano sayo? Ako na bibili upo ka na lang doon." sabay turo nito sa dulong upuan sa canteen para 'di kami masyadong kita.
"Burger lang. Palagyan ng hot sauce." sabi ko. Yon lang ang kakainin ko dahil sampung piso lang ang burger dito kaso malamig at plain lang pero nakakabusog naman. At may dala rin akong tubigan para makatipid. May matitira naman akong sampu na ihuhulog ko mamaya sa alkansiya ko.
Inilibot ko ang paningin ko. May mga tumitingin sa 'kin na halatang pinagbubulungan ako sabay tawa. Liek, srsly? 'Di pa natatapos yung issue niya? Ilang buwan na yon hah?!..
Pinabayaan ko na lang ang mga ito. Mabilaukan sana kayo dyan! Dumating na rin si Mico dala dala ang mga pagkain namin. Nagsimula na rin kami sa pagkain at hindi nag-imikan. Kumakain kami ngayon kaya walang pakielamanan.
YOU ARE READING
My Boss Is A Jerk
FanficWhat if your boss is the one you hated the most? Would you still work for him even you learned that your love for him never fades? Can you take all the pain that'll come? Or you'll just give up and never fight back?