Engineer's Love [08]

21 2 3
                                    

-Dalevien-

Paikot-ikot ako habang hindi mapakali dito sa labas. Sinugod ko siya sa hospital dahil bigla na lamang siyang nahimatay. I know her, alam kong siya iyon. Ilang araw din akong hindi nakatulog dahil sa kanya tapos makikita ko lang pala siya na mag a-apply sa kompanya ko. Hindi ba siya nag breakfast? Pinakaba niya ako ng sobra ngayon. Tapos hindi pa ako mapakali. Akala ko halik lang katapat para gumising siya pero hindi e 'di tumalab.

"Ikaw ba ang husband niya?" agad naman akong napatingin ng biglang magsalita itong Doctor. What husband?

"Hindi po Doc," sagot ko naman. "why?" pahabol ko pa.

"She's 3 weeks pregnant at medyo masilan ang pagbubuntis niya," halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. She's pregnant? Don't tell me?

Pumasok ako sa room at nakita siyang gising na. "how are you? May gusto ka bang kainin or what?" agad na tanong ko sa kanya. I know she's still in shock kung bakit nandito siya sa hospital. "Nahimatay ka bigla," sabi tyaka pa lang siya tumingin sa akin.


"Ikaw? Ikaw 'yong boss sa pinag aplayan ko?" tumango naman ako tyaka nagsalita. "Akin ba yang pinagbubuntis mo?" kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. "What I'm pregnant?" i see di niya pa alam. "Yes," sagot ko.


"If that's mine, pananagutan ko so don't worry," sabi ko pa.

"Pwedeng lumabas ka muna, please?" walang pang segundo ay sinunod ko ang utos niya. Siguro nabigla rin siya halatang-halata naman.

But fudge, totoo ba to? I'm going to be a dad? Ito na ba yong pangarap kong magkapamilya?

Engineer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon