Mula noon hanggang ngayon
Wala man ang ama ay nariyan ka Panginoon
Salamat sa pagpapakita ng dapat kung piliin
Ng isa na namang desisyong dapat kong tahakinMula noon, hindi ka nagkulang sa mga pahiwatig
Ginamit mo ang kidlat, ang ulan bilang iyong tinig
Ngunit ako'y nagbulag-bulagan at sayo'y hindi nakinig
Maging ang teknolohiya'y ginamit mo, di pa rin ako nagpadaigNagpatuloy pa rin sa mga desisyong pinilit
Ininda ko lang lahat ng sakit
Inisip na baka ako'y sinusubok mo lamang
Iyo na pala akong sinasagip sa mga mapanlinlangPinagsisisihan ko tuloy kung bakit sayo'y hindi nakinig
Naging bulag at sarado sa mga salita mong walang tinig
Kung di ko sana binalewala'y hindi sana ako nawala
Nanatili lamang sana ako sa landas ng iyong pagpapalaAma, salamat sa Iyong pananatili,
Muli't-muli ay narito ka upang ipakita ang mali
Na dapat ko ng agad maputol at maiwaksi
Bago pa man humantong sa ano mang akin ring ikasisisiAko'y makakatulog ngayon ng may ngiti
Pagkat Ama ika'y nariyan sa'king tabi
Alam ko ngayon na kahit ako ma'y masaktan
May karamay akong hindi ako kailanman iiwan.
05.12.2020 3:34AM
BINABASA MO ANG
God's Timing
PoetryMinsan akala mo'y sinusubok ka lamang, pag-isipan mo uli at baka ika'y sinasagip na pala sa mga mapanlinlang.