Cee Jhay POV
Bakit ko kaya nasabi iyon? Dahil ba Emm? Dahil ba tinamaan agad ako dun kay Jane? Imposible naman agad-agad tinamaan ako sa kanya kakakilala ko lang sa kanya. Pero pede rin naman yun kaya nga Love At First Sight diba? Ewan ko piling ko kilala ko na siya matagal na. Pero bakit ganun? Mahal ko na ba talaga Siya o si Emm pa rin? Basta ang alam ko gusto kong maging kaibigan si Jane. Gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto kong maging Bestfriend siya. Gusto ko talaga. Gustong Gusto ko.
End of POV
Ikot, ikot, kanan, kaliwa, tayo, higa, lakad, tayo, lakad, higa. Hindi ako makatulog. Bakit? AlasDos na ng madaling araw. Bakit? Ang hirap. First Time. Ahh Shit Hihintayin ko na lang ang pagtilaok ng manok saka ako magluluto ng pangAlmusal mamaya.
Time Check 5:00 am
Oh Gross I am a Walking Zombie. Nakakhiyang pumasok ang laki ng Eyebags tapos Ang pula pa ng mata. Ano na lang kayang sasabihin nila? Drug Pusher ako? Haha Never. Pero isa lang ang Sigurado ko Hindi ako Nakatulog dahil nababagabag ako. Nababagabag ako hindi dahil sa mga lessons sa paaralan namin kundi dun sa taong aking minamahal pero hindi ko tiyak kung pag-ibig na iyon talaga or it is just infatuation o puppy love.
School Time
Tawa dito, tawa dun. Hahaha. Ang saya nila. Ako din masaya dahil nakikita ko silang maging masaya sa pamamagitan ko. Ang Sayang isipin na nakakapagpasaya ka ng ibang tao. Pero ang sarili mo hindi mo mapasaya at mapalaya sa mga pagdurusa na dulot ng problema. Tama na nga ang Kadramahan sa buhay Stress lang Ang Hatid nan Nakakadagdag pa ng Wrinkles at Pimples Haha.
