chapter four

216 1 0
                                    

Jasper's POV

nakaupo na kaming lahat dito sa likuran at magkakatabi, any minute kasi darating na ang teacher namin pero dahil wala pa naman si maam, nag-usap usap muna kami. 

kung pag-uusap nga ba ang tawag dito -_-

"ui, mamayang lunch, saan tayo kakain??" - tristan

"ano ka ba naman tristan 8:00 a.m pa lang, lunch na agad ang iniisip mo?" -andrea

"eh, sa yun ang naisip ko eh"

"wushu, and sabihin mo, yun lang palagi ang laman ng kukute mo." - andrea

"huy grabe ka naman, hindi naman palagi noh" - tristan

at nagsimula ng mag-asaran ang dalawa.

napatingin naman ako dun sa direksyon kung saan nakaupo sila Mitchie and Adrian.

"ui, adrian. pakinggan mo nga kasi tong music na to" pangungulit ni mitchie kay adrian na kasalukuyang naka headset.

"adriaaaaannn"

hahaha, kawawa naman si mitchie, niyuyugyug niya na si adrian pero di pa rin siya pinapansin nito.

maya-maya biglang tinanggal ni Mitchie ang headset ni adrian sa tenga nito.

"What the hell Mitchie??" medyo napalakas na sigaw ni adrian kaya naman napatingin ang iba naming classmate sa kanila. well, except kina andrea at tristan na hanggang ngayon eh busy pa rin mag-asaran.

"huy, adrian. classroom to. wag ka ngang sumigaw" pananaway naman ni mitchie kay adrian na halata mo namang nang-aasar.

"ano ba kasi ang kailangan mo??" naiinis na tanong ni adrian.

"hehehe, pakinggan mo nga kasi to." sagot naman sa kanya ni mitchie sabay abot kay adrian nung ipad niya.

"how many times do i need to tell you that i don't want to listen to your music??" poker face na tanong ni adrian and mitchie just pouted.

"you're so mean" - mitchie

haaay, talaga naman oh. mag pinsan ba talaga tong dalawang to.?

siguro nagtataka kayo kung bakit nag-aaway ang dalawang yan, paano ba naman kasi magkaiba sila ng taste when it comes to music, pero sadyang makulit lang talaga tong si mitchie at palagi niyang pinipilit si adrian na makinig sa mga choice of songs niya tapos yung isa naman eh masyadong pikon kaya, ayun nagkakapikunan sila.

"ARAaaaayyyY!! AMAZONA KA TALAGA!!" bigla naman akong napatingin kay tristan ng bigla siyang sumigaw.

"bagay lang sa'yo yan. kung anu-ano kasi ang pinagsasasabi mo" mataray naman na sabi ni andrea.

nakita ko namang papalapit sa akin si ryuu.

"paupo muna ako dito ha" sabi niya sa akin habang umuupo dun sa bakanteng upuan sa tabi ko

"oh, di mo ba sila aawatin??" tanong ko naman sa kanya.

si ryuu kasi ang dakilang tagapag-awat sa amin. siya kasi ang pinakamatanda kaya siya ang matured mag-isip.

well, actually isang buwan lang naman ang tanda sa akin ni ryuu talagang ayaw ko lang awatin yang dalawang pares na yan na nag-aaway. masakit kasi sila sa ulo.

"pass muna ako pre. total first day pa lang naman. yaan na lang muna natin sila" -ryuu

"kung sa bagay, baka miss lang nila ang isa't-isa"

always and forever yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon