"Her POV"
March 20, 2019 umuwi ako kila mama bago ang lockdown.
Bakit may lockdown? May kumakalat kasing virus na tinatawag na Covid-19. Pina lockdown nila ang lahat ng bansa para maiwasan ang sakit na ito. Nagsimula ang lahat ng ito sa China at madaming namatay dahil dito. Yumakap or kausapin mo lang ang isang taong may virus meron ka na rin, ganiyan kabilis ito kumalat.
May curfew, liquor ban at madaming nawalan ng trabaho dahil dito. Isa na doon sila mama at papa.
Hindi ko rin masabi kung may pasok pa kami sa eskwelahan. Kahit nga moving up naming mga Grade-10 hindi na natuloy. Nakakatakot na tuloy makipagsalamuha sa ibang tao baka kinabukasan hindi ka na masisikatan ng araw.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan si mama naman ay panay ang contact kay papa dahil exact 12:00pm ay totally lockdown na dito sa barangay namin. Tapos ang lahat ng boundaries ng mga lugar ay may nagbabatay na at pahirapan na makapasok.
--------------------------------
Nagulat ako ng may tao sa back door namin, si papa lang pala. Sa likod kasi siya dumaan at doon galing kilala lolo dahil baka hindi siya papasukin ng tanod dito dahil galing sa Boracay si papa.
"Ma! Si papa nandito na!" Isinigaw ko para marinig kaagad ni mama galing sa sala ng bahay.
"We? Baka niloloko mo lang ako, asan siya?"
Napairap ako kay mama."Ayan oh, I kiss mo na daliii!" Natatawa kong sambit.
Tinulungan na namin si papa sa kanyang mga dala. May mga gulay, itlog, delata at noodles para dagdag daw sa konsumo araw-araw sa bahay.
Gabi na at heto ako nagseselpon parin nagwawattpad, nakatalukbong pa ako ng kumot baka kasi makita ako nila mama.
Napahaba-haba ang basa ko at hindi ko namalayan ang oras, alas dose na pala ng madaling araw. Kailangan ko ng matulog atsaka inaantok na rin ako.
-------------------------------
Nagtataka ako parang may sariling isip ang katawan ko. Papunta kami sa isamg bahay, Oo KAMI dahil may kasama akong lalaki at magkahawak kamay pa. Hindi ko siya kilala at hindi ko makita ang mukha niya dahil sobrang malabo.
"Ma, Pa may sasabihin po sana kami."
Yung lalaki ang nagsalita, tinawag niyang mama at papa yung magulang ko? What the Hell?"Ano iyon iho?" Si papa
"She's pregnant pa and we want to get married as soon as possible."yung lalaki.
Nagulat ako, ano daw? Buntis ako? Tangina.
"Opo papa napag-usapan na po namin ni asdfghjkl"
Hala bat ganun sinabi ko? Ano ba tong lumalabas sa bibig ko! Hindi ako to! Bakit hindi ko man lang malaman ang pangalan niya?
"Wala na kaming magagawa desisyon niyo yang dalawa." Si mama.
H-hala ano daw? hinawakan ng lalaki ang kamay ko at hinalikan. Dalawang buwan pa ngalang na nagbreak kami ni CM ay may ganito na kaagad.
"Hey okay ka lang hmm?" Malambing nitong saad sakin.
"Yes, okay lang."tanging sagot ko daw.
Sobrang labo ng mukha niya kaya hindi ko talaga makilala. Umalis na sila mama at papa naiwan kaming dalawa dito sa sala, hindi parin nito binibitawan ang kamay ko.
"Caliah! Gumising kana diyan at magsaing."Si mama.
Bumangon na ako inayos ang higaan ko sa sahig. Dahil yung kwarto ko noon ay ginawang stock room nila mama at ngayon daw namin aayusin iyon.
Nagsaing na ako sa rice cooker at nagluto na din ng ulam, tinawag ko na sila mama para magumagahan dahil may ginagawa kasi sila sa likod ng bahay.
Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa kwarto at nagselpon, binuksan ko ang facebook at chinat ko si Pammy. Chinat ko ang lahat ng detalye na napanaginipan ko. Siya lang naman kasi ang napagsasabihan at maasahan ko sa mga ganitong bagay.
Madami na din akong labahin kaya maglalaba ako ngayon. Kinuha ko ang mga labahin ko at nilagyan ng tubig ang washing machine. Kasunod niyon ay nilagyan ko ng powder, pinaikot ko muna ng madali para matunaw ang ito saka hinulog ang mga damit ko.
1hr later...
Nagsasampay na ako ngayon at nabwisit ako dahil nahulog yung isang damit kaya pumunta ako sa poso namin na bagong gawa at binanlawan ulit ito.
Hapon na at heto kami ni mama inaayos yung magiging kwarto ko. Si papa inaayos niya yung higaan ko na paglalagyan ng foam habang kami ni mama ay nililinis at inaalis ang alikabok.
Lahat kami naka mask para maiwasan masinghit ang alikabok. Matapos na ay lumabas ako ng bahay para magtiktok kahit hindi pa naliligo. So what? Magaganda at nakaligo lang ba ang kailangan magtiktok?
Nakatatlong upload ako sa tiktok at napag-isipan ko na maligo, ang tanga ko no? HAHAHA.
Nakamove-on na din ako kay CM, tanggap ko na sa sarili ko na wala na talaga. But I can't let go of the memories that we had easiky, iyon ang hindi ko matanggap sa tagal ng pinagsamahan namin at memories ay madali lang nawala.
Pinagtagpo lang kami at pinasaya pero hindi itinadhana dahil panandalian lamang pala. Mga pangakong binitawan mo sakin hindi mo pinanghawakan. I can still remember your answer when I asked you about your promises.
To: CM
Sabi mo wag kitang iiwan, sabi mo hindi mo ko lolokohin, sabi mo kapag nag away tayo aayusin. Pinangako mo lahat yan eh! Pero bakit?
(sent)From:CM
Lahat ng pangako ko sayo puputulin ko na.
Wala na tayo! may mahal na akong iba.To:CM
Please CM bumalik ka nalang sakin please.Ako nalang ulit.
(sent)From:CM
Ayoko. Kapag bumalik ako sayo dalawa na kayo.To:CM
Ako naman nauna diba, tatanggapin pa din naman kita, please sakin ka na ulit.From:CM
Tama na Caliah! Ayoko na.[You can't reply to this conversation.Learn more.]
Gago diba?
Nakakatangina don sa part na nagmamakaawa ako sakanya.
Sabi mo hintayin kita pero ako pa rin pala ang maghihintay. Sa sobrang tanga ko noon umaasa pa rin ako.
Ilang araw pa bago ko nabasa ang DM mo sakin sa Instagram. Ang sabi mo don wag na kitang hintayin kasi may mahal ka ng iba.
Fuck! Ang sakit talaga.
Nangunot talaga ang noo ko dahil doon. Sa totoo lang wala naman na talaga akong balak na hintayin pa siya.
Hindi lahat ng minamahal kailangan ipaglaban, at mas halong hindi lahat ng nagmamahal sayo ay kailangan mong saktan.
I'm still trapped. I'm still trapped in our memories but not with you anymore.
-----------------------------------------------------------------------
Patiently wait for chapter 8, my dears.
-Author*Edited
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT HOUR (Completed)
Non-FictionMidnight Hour is based on a true to life story of a girl that keeps having such a weird dreams. It was started when she's 11 years old. Note: THIS STORY IS FULL OF GRAMMATICALLY ERRORS AND TYPOS. I'll do the revisions once I completed the story. R...