Chapter 1 : Sakit ng ulo!

24 2 2
                                    

(A/N: Dedicated kay Jazmine! Kabait na bata kasi :””> Loveyou agad bunso! :*

Tas guys! Penge naman Pans, o! O kaya Readers. O kaya commenters. Puh-lease? Sge na ohh. Para naman ganahan akooo.)

~

“Ge.” Yan nalang ang nasagot ko kay ate. Bakit, may choice ba ko? Diba, wala? Haist. Sa mga nagtataka po, hindi ako maldita o ano man. Magulo lang talaga buhay ko. Pero mabait ako kasi dyosa ako (kunwari may konek). Tapos na ‘kong kumain kaya nilagay ko sa sink yung pinagkainan ko. “Ligo na ko. Bye.” Walang gana kong paalam saknya. Kainis talaga. Kayo nga, maging accountancy student tapos magmanage ng school? Sinong hindi sasakit ang bangs, aber?

Gaya nga ng sabi ko kay ate, naligo na ko at nag ayos ng sarili. Knee-length dress ang suot ko ngayon. Nakakahiya naman kasi sa anak ng childhood bestbud ni dad. <.<

Bumaba naman na ako after then nagdire-diretso sa garahe ng aming  mansyon. “Kuya Phil!” tawag ko sa driver ko. Pagkalapit niya, kinuha ko ng maayos sa kanya yung susi ni Baby Chimney ko. Si Baby Chimney ang Porsche ko. “Ako na po magdadrive. Si ate, walang driver. Day off po ni Kuya ChinChan!” Natatawa kong sabi. “Bye, kuya!” Sabi ko sabay pasok sa kotse at ayun, nagdrive na papuntang university.

6 minutes then poof! I’m here. Pinark ko na si Baby C sa aking parking space at dumeretso sa office. Nakita kong may tao sa priority line. Siya na siguro ‘to. Mayaman, matipuno, gwapo. Lumapit ako sa kanya. “Mr. Villamayor?” I asked.

Tinignan niya ko from head to foot. Aba, daig pa ko? Echusero! After niya naman akong i-scan, tumango siya at nagsmirk. “Yes. Parang si Tita lang, eh. Duplicate.” Nangingiti niyang sabi. Nakalimutan kong kilala din nito si Mom. Malamang alamang naman diba?

I rolled my eyes on him, a sign of me not being interested. “If you don’t mind following my lead, sir.” Kalmado kong sabi at tumalikod sa kanya. Ramdam ko namang sumunod siya. So ayun, andito na kami sa office ko. “Take a seat, sir.” I offered habang inaayos ang papers na tambak sa desk ko saka umupo. “Your papers?”

Kalmado niyang binigay sa ‘kin yung papers niya and I ran my eyes through those. “Hmm. September 18, 1994.” Sabi ko habang tumatango. “Bakit accountancy at bakit dito?” Tanong ko sakanya saka nilapag yung folder.

Ngumiti siya sakin bago nagsalita. “Dito kasi gusto ni Papa. Maganda daw ang namamahala ng school.”

“Ahh, maganda ang – a – ano?!” Mejo pasigaw kong tanong.

“Oh, chill. Sabi ko, maganda daw kasi dito. At bakit accountancy? Madali kasing may law pag CPA na.”

“Edi mag PolScie ka.” Sabi ko sabay abot sa kanya nung folder niya. “Sa kabilang building yung Political Science, toto.”

Ngumiti nanaman si tanga. Anong bang meron at ngiti ng ngiti ‘to? E kung paliparin ko kaya to? Aish! “Pwede bang maging CPA ang PolScie student?” Tanong niya habang umaarteng nag-iisip.

Ay #$%^&*() naman oh! Ano ko tanga? G**o pala to e! Huminga ko ng malalim saka nagsalita ng naka-fake smile sakanya. “Ang sabi niyo HO kasi, sir, e gusto niyo din HO mag-law. So I’m considering the fact na gusto niyo pang magpalit ng course.”

“Ahhhhh.” Sagot naman niya na parang nang-aasar. “Hindi na. Accountancy talaga gusto ‘ko. At gusto kong maging kaklase mo.” Sabi niya sakin na ngayo’y napakalapit na niya sa mukha ko. Tumayo naman ako. Nag-init bigla ‘yung mukha ko. Feeling ko, kamatis na ‘to sa pula. Err! Kainis! Ano ba papel neto sa buhay ko? Ang gulo-gulo na nga ng buhay ko, dadagdag pa siya? Aigoooooooooooo!

Operation Changing Me! (Success or not?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon