I'm on my way to the library, para hanapin ang mga libro na inutos ni Mam Daisy. Bago Makapunta sa Library kelangan munang dumaan grade 12 buildings katabi kasi noon ang Library.
I saw Paul, Niel and Kane I waved at them. I don't see Lincoln or atleast his shadow. Wow, first time yata iyon. They're on the outside of their Classroom magkakalapit lang naman ang Classroom ng ABM at STEM.
"San ka pupunta?" Kane shouted. Nasa Second Floor kasi sila. Itinuro ko lang ang Library at sumenyas ako na mauna na ako. They nodded.
Nang makapasok ako sa Library, umupo muna ako saglit at nagpahinga. Grabe ang init sa labas. May aircon sa Library pero naiinitan pa din ako. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking noo at leeg. Pagkatapos ay ginamit ko iyong pang paypay sa sarili.
Nang mahimasmasan sa init. Tumayo na ako para simulang hanapin ang mga libro. Kung saan-saan na ako napadpad na shelves, lima pa lang ang nakikita ko.
I sighed, tiningala ko ang shelf upang tingnan kung nandon ang isa sa mga hinahanap ko, at nandoon nga! Tumingkayad ako para abutin iyon, pero dahil di ako biniyayaan ng katangkadan 'di ko iyon maabot.
Napahawak ako sa noo. Paano ko ba makukuha. Sinubukan ko ulit kunin iyon, nang may isang kamay na ang kumuha noon at binigay sa akin.
"Thank-" nabitin ang pag-te thank you ko ng makita kung sino iyon. It's Lincoln!
"Uh T-thank you!" Nahihiya kong sabi. Nakita pa yata niya ang pagpipilit kong maabot iyon.
"No problem. May hahanapin ka pa ba?" He asked. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin kong oo, kaso lang itong mga natira ang di ko mahanap.
Tumango ako at inabot sakanya ang listahan.
"Hindi ko na kasi makita ang mga iyan. 'Di ko alam kung wala o baka nasa mga taas na hindi ko...." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng nakita nakangisi siya.
Kumunot ang noo ko. What's funny! Oo na maliit na ako at ikaw na ang matangkad!
Magsasalita na sana ako nang tumalikod na siya para hanapin ang mga librong nasa listahan.
Hindi ko alam kung uupo ba muna ako o susundan ko siya. Nakakahiya naman na ako na nga nagpatulong ako pa sitting pretty. Ang mga librong nakuha ko ay ibinababa ko muna sa isang lamesa bago siya sinundan.He easily got two of the books, tama ako nasa taas nga ang mga iyon kaya hindi ko makita. Dalawa na lang ang natitira. Naglakad pa siya ulit nasa likod niya lang ako nakasunod. Kukunin ko na sana sakanya ang dalawang libro ng iniwas niya iyon.
Nalaglag ang panga ko.
"Ako na." He said.
"Ako na kaya ko naman yan. Nakakahiya sa'yo." pagpupumilit ko.
He sighed. Natahimik ako, akala ko magagalit siya.
"Ako nalang, It's me who help you. Ba't ka nahihiya." He said. Huminto siya at inabot ang pang huling libro.
Tumahimik na lang ako baka mainis ko pa siya. Ako na nga lang nagpapatulong, nang-iinis pa 'ko.
Nilapag niya sa tabi ng mga nakuha ko libro ang mga librong nakuha niya. He looked at me.
"Para saan ba ang mga 'to. Why are you doing this, alone?" He asked.
Bahagya akong tumingala para matingnan siya.
"Kay mam daisy, ang mga iyan. She asked me a favor. Madali lang naman 'yan, kaya ko." I said. I combined all of the books. Bubuhatin ko na sana ng Kuhanin niya agad ang mga iyon.
"Ako nalang!" I protested.
Hindi niya ako pinansin, pumunta siya sa Librarian para ibigay nalang ang mga lista.
Agad din akong lumapit doon."Kay Mam Daisy po." I said. Agad naman itong tumango. Lagi na siguro nanghihiram si Mam sakanya kaya 'di na nang usisa.
Lincoln walks fast. Dumaan na kami sa Building nila mabuti na lang wala sila Paul doon. May klase na siguro. Agad akong nagtaka. Bakit siya wala sa Klase?
"Wala ka bang klase?" I asked. Sinasabayan na siya sa paglakad.
"Early Dismissal." Tipid niyang sagot.
"Anong strand mo pala?" I asked, nakocurious na.
"STEM." He said before we entered in the faculty.
STEM? Ibig sabihin classmate sila nila Paul at Ally? Malamang.
We walked towards Mam Daisy's table. Itinuro ni Mam Daisy kung saan ilalagay ang mga libro. Agad naman nilagay ni Lincoln iyon.
"Clarke, Maraming Salamat ah!" She said.
"Walang anuman po, mam!" I smiled. She also thanked Lincoln. Lumabas na ako, kasunod ko lang si Lincoln.
"Ah, Thank you ulit sa pagtulong. I'll treat you." I said.
"Your welcome, It's okay no need to treat me."
"No! I'll treat you talaga!" I Insisted.
Tatanggi pa sana siya pero agad ko na siyang hinila. Maaga lang din naman natapos ang Klase namin. Dinala ko siya sa Street foods.
"Kumakain kaba nito?" Tanong ko sakanya. Mukha kasing hindi e. Mukha siyang puro imported lang ang kinakain.
"Of course, anong akala mo sakin?" He smiled.
Nadadalas yata ang pag-ngiti nitong si Lincoln huh. Nung una kaming magkakilala akala ko galit sa mundo, e. Mas gwapo siya kapag ngumingiti.
Kumuha ako ng stick at tumusok ng fishball at kikiam. Inabot ko sakanya iyon. Kumuha na din ako ng sa akin.
"Kuha ka lang kung gusto mo pa." I said.
Seryoso lang siya kumakain, habang ako natatawa dahil sa ikinukwento ni manong. Mayroon daw bumili sakanyang lalaki, may kasamang babae. Nagalit daw ang babae kasi street foods lang ang ipapakain sa kanya.
Close ko na kasi 'tong si manong. Palagi ba naman kami bumibili dito ng mga pinsan ko.
Sa sobrang tawa ko. Nasamid ako sa kinakain kong fish ball.Agad naman nanghingi si Lincoln ng Buko juice na tinda ni Manong. Tinapik tapik pa niya ang likod ko.
I laughed again when I recovered. I looked at him. He looks concern. I smiled to assure him that I'm okay.
Nagbayad na ako kaya manong. Pagkatapos noon ay sinamahan niya pa ako kung san naka park si manong.
I thanked him again.
"Ingat ka." He said. My heart beats fast.
"Ingat din." Nahihiya kong sabi.
Pumasok na ako loob ng kotse. Hindi siya nilingon.I sighed. What the hell just happened. Why the hell my heart is beating so fast in just two words?