CHAPTER 1: New Chance at Love

30 5 0
                                    

HINDI ko matanggal ang titig sa email na natanggap, galing ito sa isa sa pinakasikat na hotel dito sa Pilipinas.

Ngayong nakapagtapos na ako sa kursong Hotel & Restaurant Management, naisip kong mag-apply na agad at baka sakaling makuha. I'm turning 25 this year. Nahuli sa eskwela dahil sa hindi pagsang-ayon ng tadhana.

Ang Prestige Chain of Hotels na pagmamay-ari ng marangyang pamilya ng mga Pascual ang isa sa nangunguna ngayon dito sa bansa.

Ang ELYU (La Union) ay isa sa patok na pinupuntahan ng mga turista na dumadalaw dito sa Pinas. Kaya naman, bata pa lamang ay pinangarap ko na ang magtrabaho sa isang sikat na hotel dito sa lugar.

"Hi, I'm Jade, one of the front desk receptionist of Prestige. Ako ang makakasama mo sa shift."

Sinuklian ko ang ngiting iginawad ng babaeng sumalubong sa akin pagpasok dito sa hotel. Nagsimula siyang magbigay ng briefing tungkol sa lahat ng magiging trabaho ko.

"Kung may tanong ka, huwag kang mahiyang i-approach ako, katabi mo lang ako ng upuan sis." Aniya at kinindatan ako. Tumango ako sa sinabi niya.

I got satisfied with my work. My first day went well despite of exhaustion.

Naging maayos naman ang pagtratrabaho ko sa loob ng anim na buwan. Naging malapit ang mga empleyado sa akin at parang pamilya narin ang turing ko sa kanila.

"Ngayon ang dating ni Sir Philip. Siya muna ang mamamahala dito sa ating branch." Saad ng aming head na si Miss Silvia.

Nakalinya kami ngayon upang salubungin ang pagdating ng anak ng may-ari. Sa ilang buwan ko sa trabaho hindi ko pa ito kailanman nakilala.

Dumating ang taong hinihintay namin. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang artistang si PJ Pascual. Siya ang anak ng may-ari? Tanong ko sa isip. Nakatingin lang naman ito kay Miss Silvia buong pagpapakilala sa kaniya. Hindi nag-abalang tumingin sa gawi naming mga nakalinya.

Dahil nga doon, napagalaman kong Philip John pala ang ibig sabihin ng screen name nito. Hindi manlang ako nagresearch!

Madalang ko lang makita si Sir Philip mula noong siya ang namahala sa hotel, isang buwan na ang lumipas.

Hanggang sa minsan niya akong pinatawag sa opisina para sa short post interview. Hindi ko alam kung para saan ito, pero bagong rules daw ito na every month magkakaroon ng test tungkol sa hotel at short interview sa mga empleyado.

"Your name again?"

"I'm Antoinette Yvonne Mariñas, Sir." Ulit ko sa naunang pagpapakilala. Kakatapos ko lang sa interview at pinaulit niya ang pangalan ko.

Nakita kong umangat ang gilid ng labi nito matapos marinig ang buong pangalan. Tumango ito ng isang beses bago tinapos ang paguusap.

"You're dismissed, see you again," then he paused.

"Antoinette," Malumanay na wika niya bago ko nilisan ang silid.

May kung ano sa mga mata niyang hindi ko mawari.

There was something familiar about his eyes, yet I was certain I had never met him before.

"Antoinette! May love letter ka!"

Bungad ni Jade isang umaga. Kumunot ang noo ko pagkalapag ng bag sa front desk. I don't remember someone courting me. Naisip nalang na tatandang dalaga.

"Kanino galing?" I asked.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko binasa."

Kinuha ko ang nakatuping papel katabi ng isang tsokolate.

To Antoinette,
The morning is so good that I think of writing a letter. Everytime I see you smile, I feel so high. It's good to see you again :)

Basa ko sa sulat. Walang nakalagay na sender pero may nakita ako sa gilid na tatlong magkakahiwalay na numerong-7, 0, 2.

"Kanino galing?"

Umiling lamang ako kay Jade.

Ilang ulit pang nangyari na nakatanggap ako ng sulat sa loob ng tatlong buwan. Pero napansin ko ang pagiiwan lagi ng tatlong misteryosong numero.

At ang huling natanggap ko na mga numero ay 9, 9, 6. Tumigil na ito sa pagpapadala kaya alam kong ito na ang huli.

Sinubukan kong isulat ang lahat ng numero sa isang papel. Nagulat na lamang pagkatapos may mabuo sa isipan.

I just found myself writing the date of my birthday-february 7, 1996. Napatulala ako ng ilang sandali. Hanggang sa napagod magisip ay nakatulugan na lamang.

Kinabukasan, hindi sinasadyang makasabay ko si Sir Philip pagpasok sa entrance ng hotel. I greeted him goodmorning. Nagulat siya noong una pero kalaunan ay ngumiti ito at bumati pabalik.

"Can we talk?"

Napatigil ako sa paghakbang paakyat ng hagdan para makapasok na. Pumihit ako upang humarap kay Sir. He bit his lower lip, waiting for my answer.

Tumango ako at natagpuan nalang ang sariling naglalakad katabi niya sa mga ilalim ng niyog, na kaharap ang dagat. Maaga pa naman kaya ayos lang.

"Are you still mad at me, for leaving you?" He suddenly asked.

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya sa mukha. Nang hindi mahanap sa memorya ay umiling ako. Ang alam ko lang ay kilala ko siya sa pagiging artista.

He looked pained and regretful.

"I don't know you personally, kaya paano naman ako magagalit sayo?" Tanong ko, nalilito sa huling sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya. Kumunot ang noo at binalik sa dagat ang mata, nagisip ng malalim.

"Ako ang nagbibigay sayo ng sulat, Nette."

Napasulyap ako sa gawi niya. Medyo nagulat sa pag-amin niya.

"We were childhood friends." Dugtong niya na lalong nagpagulat sa'kin.

Umiwas ako ng tingin nang may maalala.

"I lost my memory, right after my debut." I smiled bitterly.

Nakita ko ang gulat na muling gumuhit sa perpektong mukha niya. Sinabi ko sa kaniya ang aksidenteng dahilan kung bakit nawala ang mga alaala ko.

"Ano nga palang ibig sabihin ng mga numero?" Tanong ko makaraan ang ilang sandali.

"It's your birthday, the date of your 7th birthday and the day we first met." Sagot niya.

I stared at him, a bit shocked but at the same time overwhelmed.

And with that day, I found my new chance to fall in love.

"Happy Anniversary love!"

I looked at the man whom I spent my new memories with.

I smiled back. "I love you Philip, Happy Anniversary."

HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon