KASALUKUYAN kong binabaybay ang 4th floor kung saan ako nagtratrabaho.
Bilang hotel manager kailangan perpekto ang lahat at walang maging aberya.
"Fritz! Long time no see!" Isang sigaw mula sa lobby dito sa 1st floor ng hotel. Inangat ko ang paningin mula sa pinipirmahang logbook.
Si Nadia na medyo may kalakihan na ang tiyan ang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa nitong lobby.
"Kamusta?" Nagagalak na aniya. Naka-leave na ito dahil sa kagustuhan ni Sir Chase. Masyadong protective!
"Ito maganda parin!" Pagbibiro ko. Ngumiwi ito sa sagot ko pero natawa din naman.
Umalis na rin ito pagdating ng asawa. Pabalik sa opisina ay isang pesteng lalaki ang agad kong nakita. Ang unggoy na kaibigan ni Sir Chase na mahilig manggulo sa trabaho.
Pinakilala ito sa akin ni Sir Chase noong kasal nila ni Nadia. Mula noon sa hindi malamang dahilan lagi nalang itong bumibisita dito sa hotel. Laging hinahanap si Sir Chase sa'kin.
Bakit hindi niya tanungin sa front desk!
Lagi niya nalang akong binubulabog sa opisina. Minsan nagdadala ito ng pagkain na binibigay ko naman sa mga staff ng hotel. Lagi niyang sinasabing manliligaw siya. I don't believe him.
"Let's split," dalawang salitang dumurog sa puso ko. Hindi ko akalaing ang dalawang taon namin ng nobyo kong si Gio ay magtatapos nalang bigla.
Tatlong buwan na ang nakalipas pero tuliro parin ako. Did he fell out of love? Masyado ba akong naging abala sa trabaho para hindi mapansin 'yon?
Napabalik ako sa realidad nang huminto ang elevator na sinasakyan ko at bumukas. Sa hindi malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan si Loyd.
Naaalibadbaran ako sa babaerong lalaking ito.
Biglang uminit ang elevator nang magsara ito. Kaming dalawa lang ang sakay sa loob. Hindi ko siya pinansin kahit bulgar itong nakatingin sa'kin habang naka-crossed ang mga braso sa harap.
Tiningala ko ang floor number sa taas na mabagal nagpapalipat lipat ng numero. Kita ko sa salamin ang ngisi nitong nangaasar.
Humigpit ang hawak ko sa folder nang bigla nitong pindutin ang emergency button para huminto ang elevator. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Hinarap niya ako.
"So single ka na pala. May chance na ba ako sa'yo? Can I be the man to make you happy now?"
Tanong niyang nakakaloko.
"Sorry, pero allergic ako sa babaero."
Iniwan ko siya doon nang bumukas sa tamang floor kung saan ang opisina ko.
"I don't need another heartbreak." Mahinang bulong ko sa sarili.
Halos araw araw siyang nagpapadala ng mga bulaklak. Naisip ko kung seryoso ba talaga siya. Pero nang nadatnan siya sa lobby at may kausap na babaeng morena ay agad nabura ang kanina lang na iniisip tungkol sa kaniya.
Babaero!
Umirap ako pagkalapit kay Nikki, ang front desk receptionist ng aming hotel.
"Hey," tinig ng unggoy pagkalapit.
Hindi ko siya pinansin. Ini-scan ko ang folder na binigay ni Nikki saka pinirmahan ang nandoon.
"Hey beautiful," pagpapapansin niya.
Matapos sa ginagawa ay agad ko namang naisip na umakyat sa maintenance room para i-check ang mga janitor kung complete attendance ba. Sumunod siya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin saka galit na pinindot ang button ng elevator.
"Hinay hinay baka masira." He chuckled.
"Bakit hindi ka nalang bumalik sa babae mo doon at siya ang guluhin mo?" Walang filter kong nasabi.
"Woah! Someone's jealous." Ngumingising wika niya saka tumawa. Sumunod naman siya sa'kin sa loob.
"I'm not! Stop bugging me!" I hissed. Nais burahin ang ngisi niya.
Hindi naman na siya nagsalita at sumunod parin pagkarating sa 6th floor. Kumunot ang noo ko nang nadatnan ang dilim ng maintenance room. Walang tao.
Pipihit na sana ako palabas pero isang tulak sa'kin sa pader ang nagpatigil sa binabalak. Seryoso ang mukha ni Loyd na kinukulong ako sa gilid ng pader.
"I'm serious Fritz. I want to be your boyfriend." Anito na nagpatigil sa aking paghinga.
He crouched to kiss my lips. Nagulat ako, sa paraan ng pagdampi ng labi niya. Agad akong napahiwalay sa kaniya nang makaramdam ng init.
"Let's have a date," bungad niya pagkapasok sa opisina ko isang araw ng biyernes. Dahil mapilit, napapayag niya ako.
Kumain kami sa labas, nagusap at nagtawanan. Hindi ko akalaing may isang araw din palang hindi ako nainis na kasama siya.
Starting that day, hinayaan ko siyang ligawan ako. Sinusundo, hinahatid at minsan lumalabas na kami.
Abala ang lahat ngayon dahil magho-host kami ng isang pageant. Dito patutuluyin ang mga kandidata.
Minanduhan ko ang staffs sa mga kakailanganin ng mga bisita. Pagod na pagod agad ako pagkarating ng opisina.
Isang halik sa pisngi ang nagpadilat sa'kin mula sa pagkakapikit. Si Loyd na ngiting ngiti ang nagpakita sa aking harap.
"I miss you," aniya. Inirapan ko ito kahit namumula.
"Hindi pa nga kita sinasagot!" Tulak ko sa kaniya at natawa siya.
Kasama si Sir Chase ay malaki ang ngiting sinalubong namin ang mga bisita. Pero napawi ang ngiti ko nang makita si Loyd 'di kalayuan at may nakalambiting babaeng kandidata sa leeg niya. Ang huling kita ko nalang, magkahalikan na sila.
Nanikip ang dibdib ko kaya agad akong nag-excuse kina Sir Chase at agad bumalik sa opisina.
Damn! I think I like him.
Huminga ako ng malalim. Biglang bumukas ang pinto.
"Get out." I said, trying to calm my heart.
"Fritz, let me explain." He looked scared, pleading.
"No need, I'm not your girlfriend to owe me explanation."
Isang linggo ang lumipas na hindi ko hinayaang makalapit si Loyd.
Patungong front desk ay agad ang pagtalikod ko pabalik nang makita si Loyd kasama nang babaeng nakahalikan.
Nag-palpitate ang kilay ko.
"Fritz wait!"
Gano'n nalang ang inis ko nang hindi naabutan ang elevator!
"Fritz makinig ka please." Ani Loyd, tila nagmamakaawa.
"I'm sorry for the misunderstanding."
Panimula ng babae. She explained what happened and regret what she did. Umalis narin ito pagkatapos.
"Please Fritz, give me a second chance to court you again." Ani Loyd nang kami nalang dalawa ang natira.
And I let him.
I let him as I let myself to build trust again.
BINABASA MO ANG
Heartstrings
RomanceHeartstrings -"One's deepest feelings of love and compassion." Ito ay isang entry para sa Summer of Hope ng RomancePH. Kwento ng tatlong magkakaibigang sina Loyd, Chase at Philip. #SummerofHope #RomancePH 3 one shot stories namely New Chance at Love...