*Swoosh*
May pumarada na, na jeep sa harapan ng waiting shed, at sa malas ni Katelin may tumalsik sa kanya na tubig ng dumating toh, kaya nabasa mukha ni Katelin.
I laughed to myself thinking na kahit hindi sabihin ni Katelin ay naririnig ko na ang kanyang sinasabi sa utak niya. "An-tagal mo na nga dumating masbabasain mo pa ako. Tsk."
"Halina! Bilis!" Sigaw sa’kin ni Katelin na binuksan na ang kanyang payong sa dulo ng waiting shed. Dali-dali akong sumunod sakanya dala-dala ang bag kong dumbell.
Mabilis siyang pumasok sa jeep at sumunod naman ako sakanya. Nakaupo siya sa likod ng upuan ng driver habang katabi niya ako sa kanan niya.
Ipinatong ko ang bag ko sa lap ko at kinuha sa bulsa ko ang pamasahe ko at inabot kay Katelin para isabay n’ya na sa fare niya. Yung payong ko naman ay inipit sa pagitan ng mga paa ko, dibale at basang basa na rin naman mga medyas ko.
Tinignan ko si Katelin at nakita kong inilabas na niya and phone niya at earbuds. Inisip ko kung gagayahin ko ba siya o hindi kasi yung mga katabi ko ang iingay pero mas pinili ko na lang na tignan na lang mga social media ko, at saka itetext ko pa rin pala si mama kung saan na kami.
Gusto kasi ni mama na inu-update ko siya kaya ayun, maganda na rin yun kasi pagnahuhuli ako sa paguwi hindi siya magagalit pagdating ko sa bahay kasi alam niya naman kung saan ako nanggaling. Kaya kailangan, maslalo na at hindi pa siya nakakabalik galing Manila.
*Screech*
Mmm.. nayugyog ako ng kunti at hinawakan ang hawakan sa itaas ng jeep. Mukhang unting careless si kuya magdrive ah. Pataas palang kami papunta sa ibang waiting shed, siguro nahihirapan lang si kuya na tamaan yung gas pedal.
Either way, mashinigpitan ko ang hawak ko sa hawakan sa itaas. Tinatakot ako ni kuya eh. I felt the engine quiet down and looked at the window and saw that we're at the other waiting shed now.
Pumasok sa jeep yung mga kasya pa kahit na siguro mga tatlo o apat lang. Massumikip ng kaunti ang mga inuupuan namin at maslumapit saakin yung katabi ko kanina. Isa siyang lalake at mukhang kasama niya barkada niya ‘ung dalawa nasa kanan niya habang ung apat na iba nasa harapan nila. Naguusap-usap sila kaya maingay-ingay ang jeep.
Nagsimula na ulit umandar ang jeep at pinapaabot ng mga kapapasok ang kanilang mga pamasahe. Buti nalang at hindi ako pinasahan kasi si Katelin and masmalapit sa driver hehe.
Kita ko ang pilit na pagtago ni Katelin na irita kasi naiistorbo ang kaniyang jamming sa musika. Habang ako naman pinipigilan na hindi siya pagtawanan kaya nakangiti lang ako habang tinuon ang tingin sa cellphone ko.
Inaabot na ni Katelin ang huli sa mga pinapaabot nang biglang may ingay na screech ng mga gulong. Narinig ko din ang pagkabungo-bungo ng mga tao sa kanan ko nang bigla-biglaan kaming naiusog sa kinauupuan mamin.
YOU ARE READING
Raining The Impossible
Teen FictionEveryone could be so much more than they already are, just not in the way people normally think. Can a bunch of teenagers reach a point where no one even thought of? Maybe they will, with their own reasons to do so. Located in Baguio City || An Eng...