18. Grave

102 11 0
                                    

Lily's POV

"D-Drogo Jameson Mondraco.." sa lahat ng mga tinawag kong pangalan, kanya lang ang mahina. Medyo natuliro pa ako nang lumingon ako sa tumayo na kasama ang ibang mga applicants.

Nagtama kaagad ang paningin namin ni Drogo, the side of his lips rose while I'm palpitating inside.

Ano 'to? Bakit siya nandito? Why did he apply!?

Hanggang sa makapasok siya sa silid kung saan nangyayari ang interview ay hindi naputol ang tinginan namin. He still has that boyish and teasing smile while looking at me.

When he went inside the room, doon lang akong natauhan at parang nawala ang nakadagan sa dibdib ko, though I'm sure the heavy weight will come again after he's done with his interview.

Agad kong binalik ang paningin sa papeles niya.

He's.. applying for the.. chef position?

Muling bumalik ang tingin ko sa pintuang pinasukan niya.

I didn't know he wants to be a chef, but then again, I didn't know anything about him at all except him being a bully to me.

Pagkatapos ng nangyari sa gym dati, hindi na muli iyon nadagdagan pa ng kahit anong agrabyado. Though in that school year, he gives me those teasing glances, he didn't do anything to me that's worse than that Dodgeball thing, or even worse than that.

He just.. stopped.

As I trail longer in my thoughts, I realize that as my school year proceeds until my last one for now, his presence to me is slowly disappearing, that's why I forgot about him.

Huh.

I waited for a few minutes until the door opened again, revealing him leaving. 

Muling nagtama ang mga mata namin habang naglalakad siya. Ako ang naunang nag iwas ng tingin.

Gabi na nang naging turn na niya, sa mga oras na 'yon, mas lalo lang akong nanlalamig dahil sa pinaghalong panahon at dahil narin sa aircon dito sa hotel.

Umalis na si Drogo kaya sa mga tinawag kong mga sumunod sakanya sa interview ay napanatag ako at kumalma. Well, at least he's gone without causing a ruckus or embarrassing me in front of my future employees and inside my future building.

He was one of the last applicants to interview this day, kaya natapos narin ang ginagawa ko sa araw na ito.

"Napagod ka ba?" Si Tita Denee.

Umiling ako, "hindi po, Tita. Alam ko pong hindi matatapos lahat ng mga applicants sa araw na 'to pero sinubukan ko paring bilisan ang pagtawag sakanila para hindi mawalang-bisa ang pag punta nila rito pero hindi po talaga kinaya, eh.. sorry."

"Why are you sorry? Talaga namang hindi mai-interview lahat ngayon, hija, even you know it. Mabuti nga'y kahit na ganoon, sinubukan mo paring ubusin sila. That's one of the reasons why you are fit for the position you're after."

Binukas ko ang bibig ko pero sa huli ay sinara agad 'yon, hindi magawang sabihin ang nasa isip ko.

Well.. not after, maybe the position I'm training for? After seems a bit greedy, which is unlike me.

Tita Denee called it a day so I bid farewell to her as well as her employees. Inayos ko na ang mga gamit ko at tinext na ang driver na sunduin ako.

Bumaba na ako sa elevator para lumabas sa hotel. I stopped in front of the doors and waited for the driver, I played with my phone to pass the time without getting bored.

Seven Deadly Sins: Jason RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon